EPISODE 35

3 0 0
                                    


(Sa palasyo ni Jezebel sa Daigdig ng Hades, naghahanda si Betzer para sa kanyang plano upang puksain si Rovina at Hannibal.)

Betzer:Axe Synchroid!

(Lumabas ang nasabing halimaw.)

Axe Synchroid:Naririto na po ako Panginoon. Pag-utusan po ninyo ako.

Betzer:Hindi aasahan ng mga kaaway nating Prinsesa at Prinsipe ng Menonia ang ating gagawin. Simulan mo na ang bahagi ng ating binabalak.

Axe Synchroid:Masusunod po Panginoon.

(Pagkatapos non ay umalis ang halimaw at isinagawa ang balak ni Betzer.)

Narrator:Isang Surpresang Hindi Malilimot.

(Sa isang banda, si Liezel at Eddie ay naghahanda noon upang pumasok sa paaralan. Si Liezel at Eddie ay una munang naligo at pagkatapos ay lumabas sa kanilang pinagliliguan. Si Liezel ay lumabas na nakatakip ng tualya sa katawan at ulo samantalang si Eddie ay nakatakip sa kanyang baywang. Nang magkasabay sila sa paglabas, namula sila sa hiya nang makita ang isa't-isa na bagong ligo at halos hubad.)

Liezel(bumubulong sa isip):Ay! Nakita ko na naman ang magandang katawan ni Eddie!

Eddie (bumubulong sa isip):Grabe! Ang ganda pala ng Prinsesa pag bagong paligo!

(Pagkatapos non ay nag-usap na sila.)

Liezel:Good morning sa iyo Eddie!

Eddie:Magandang umaga din Prinsesa.

Liezel:Ah Eddie, mabuti pa siguro magbihis na tayo at kumain.

Eddie:Mabuti pa nga Prinsesa.

(Pagkatapos non ay dali-dali silang nagtungo sa kani-kanilang silid at saka nagsuot ng damit. Pagkatapos non ay nagtungo sila sa dining area upang mag-almusal. Doon ay nagpakita sa dalawa si Aine at Leon.)

Aine:Magandang umaga sa inyo Anak at Eddie.

Liezel:Magandang umaga po sa inyo Ina at Ama.

Eddie:Magandang umaga po sa inyo Mahal na Reyna at Mahal na Hari.

Leon:Natutuwa akong makita kayo ngayong umaga.

Aine:Napakaganda ng ayos ninyong dalawa bilang mga guro.

Leon:Tamang tama lamang para sa inyong tagapagturo sa mga bata ng Daigdig.

Liezel:Marami pong salamat sa papuri, Ama at Ina.

Eddie:Para po sa mga bata, nakahanda kami anumang oras.

Aine:Tama lamang iyan. Hindi lamang kayo mga mandirigma kundi mga guro.

Leon:Dakila ang tungkulin ninyong dalawa kaya dapat lang ninyong tuparin.

Liezel:Pangako po, Ina at Ama, nakahanda po kaming tuparin iyan pareho.

Eddie:Nakahanda po naming ibigay ang lahat ng aming makakaya.

Aine:Mabuti naman kung ganoon. Kailangan na ninyong kumain ng almusal.

Leon:Peachy, Paco, pumarito kayong dalawa.

(Pagkatapos non ay lumapit si Peachy at si Paco.)

Peachy:Nandito nap o kami, Mahal na Reyna at Hari.

Paco:Ano po ang ipagagawa ninyo sa aming dalawa?

Aine:Ipaghanda ninyo ng makakain ang inyong Prinsesa at Prinsipe.

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon