(Sa kastilyo ni Jezebel sa mundo ng Hades, si Betzer ay naghahanda sa kanyang panibagong pagsalakay sa mundo ng mga tao. Habang isinasagawa niya ito, nakatitig siya sa larawan ni Liezel at ni Rovina.)
Falco:Panginoong Betzer, nakahanda na po ba kayo sa susunod na pagsalakay?
Betzer:Siyempre naman. Sa pagkakataong ito ay hindi ko lamang mapupuksa ang kasumpa-sumpang mga tao. Makukuha ko din ang magandang Prinsesa ng Menonia. (Kinuha ni Betzer ang larawan ni Liezel at hinalikan ito.)
Narrator:Nagulo Ang Teknolohiya Ng Mga Tao!
(Samantala sa Space Princess, muling tiningnan ni Liezel ang mga photo-album niya kasama ang kanyang mga magulang. Napansin ni Peachy ang ginagawa ni Liezel.)
Peachy:Magandang umaga po Prinsesa!
Liezel:Magandang araw din Peachy.
Peachy:Ang gandang dalagita naman po niyang nasa letrato! Kayo po ba iyan?
Liezel:Oo ako iyan. 1st year highschool ako niyan at nagkaroon kami ng palatuntunan sa school namin. Nagsayaw kami ng isang interpretative dance. Medyo mahihiya ako nung mga panahong iyan kasi hindi ako sanay magsuot ng leotard at tights pero dahil nanonood sina Papa at Mama, nawala ang kaba ko at hiya. Nagawa kong makapagsayaw nang mahusay. At sa tuwing nanonood sina Mama at Papa, laging lumalakas ang loob ko.
Peachy:Talaga pong mahal ninyo ang mga kinilala niyong magulang.
Liezel:Oo naman.
Peachy:Eh si Reyna Aine po?
Liezel:Siyempre kung gaano ko kamahal ang mga kinilala kong magulang, mahal ko rin siyempre si Ina. Kahit sandaling panahon pa lamang kaming nagkakasama, nararamdaman ko kung gaano niya ako kamahal at kung papaano niya ako alagaan. Kaya hindi na rin ako nalulungkot kahit wala na si Papa at si Mama.
(Walang anu-ano ay nagpakita muli si Aine sa kanyang anak.)
Aine:Maraming salamat sa sinabi mo Anak. Malaking bagay sa akin iyon.
Liezel:Ina, sa totoo lang po, nalungkot po talaga ako nung mawala sina Mama at Papa. Pero simula po nang dumating kayo sa buhay ko, hindi na po ako nalulungkot. Aaminin ko po, talagang malapit po ang loob ko kay Papa at Mama. Madalas nga po akong biruin ng mga kaibigan ko na mama at papa’s girl eh.
Aine:Anak ko, nakakatuwa naman kung gaano ka magmahal sa mga kinilala mong magulang.
Liezel:Mahal ko rin po kayo Ina. Kung hindi po dahil sa inyo, baka napatay na din po ako ng mga Lamian. Nagpapasalamat din po ako dahil kahit tinanggihan ko po kayo nung una, hindi nyo po ako iniwan. Hindi po kayo nagsawa na gabayan ako at unawain kahit po ako ay ganap nang dalaga.
Aine:Hindi ako magsasawa mahal ko’ng anak. 50,000 taon kong tiniis na mawalay sa iyo. Ni hindi kita napalaki sa piling ko dahil sa pakikidigma sa mga Lamians. Pero ngayon, kahit ang espiritu ko na lamang ang naririto ngayon, patuloy ko pa rin na ipadadama sa iyo ang aking pagmamahal anak ko.
Liezel:Ako din po Ina. (Biglang may naalala si Liezel.) Ay oo nga po pala. Kailangan ko pa po pala na pumasok para magturo. Sige po aalis na po ako.
Aine:Galingan mo ang pagtuturo mo Anak!
(Agad na nagtungo sa The Blessed Mother Academy si Liezel. Muli niyang itinuro ang kanyang asignatura na Ingles sa kanyang mag-aaral. Makalipas ang isang oras ng pagtuturo, nagpaalam siya sa section na kanyang pinagtuturuan at nagtungo sa susunod na section. Subalit habang papunta siya sa susunod na pagtuturuan niya, bigla na lamang nagkaroon ng kakaibang pangyayari sa Computer Room ng paralan. Nakasalubong niya ang mga mag-aaral na nanggaling doon para sa kanilang computer class.)
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasy50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...