(Sa kanilang lihim na tirahan, si Angelica at Bernard ay nagpaplano ng kanilang susunod na gagawin laban sa kanilang mga kaaway.)
Angelica:Kailangan natin ng bagong mga halimaw at plano upang matalo sina Rovina at Hannibal.
Bernard:Ano pa ba ang maaari nating gawin laban sa kanilang dalawa? Napakahirap bumuo ng estratehiya laban sa dalawang matinding kalaban.
Angelica:Basta't kailangan nating mag-isip ng paraan upang sila ay matalo. Malaking bagay ang makakamit natin kapag natalo natin ang dalawang iyon.
(Nagpatuloy pa ang paguusap ng dalawa nang biglang mabuksan ni Bernard ang telebisyon. Nakita nila ang isang programa kung saan ipinapalabas ang isang rhythmic gymnastics competition.)
Bernard:Angelica, mukhang nahanap na natin ang sagot na ating kailangan.
Angelica:At ano naman ang sinasabi mong kasagutan Bernard?
Bernard:Panoorin mo ang nasa telebisyon Angelica. Nakikita mo ba ang mga taong iyon? Pagmasdan mo ang pinapakita nilang husay. Ang ganyang klase ng talento ay mapapakinabangan natin kung magagamit natin ito sa pakikidigma.
Angelica:Hmph. Tama ka sa sinabi mo Bernard. Hindi aasahan ng ating mga kaaway ang susunod nating pamamaraan laban sa kanila. At bukod pa roon, ito na ang kanilang magiging katapusan!
Narrator:Himnastiko Ng Kadiliman.
(Sa may The Blessed Mother Academy, naghahanda ang Gymnastics Team para sapag-alis upang makadalo sa kompetisyong ng gymnastics kasama ang iba pang team ng iba pang paaralan. Sa may paradahan ng bus, naroroon si Sister Theresa, Liezel at Eddie upang tumulong sa paghahanda ng Gymnastics Team.)
Sister Theresa:Maam Jenny, good luck sa competition na inyong dadaluhan. Ipagdadasal ko ang inyong tagumpay.
Jenny:Marami po'ng salamat Sister. Pangako po, gagawin po namin ang lahat para maiuwi ang gold medal para sa ating paaralan.
Liezel:Nagtitiwala ako sa kakayahan mo at kakayahan ng team ng ating school.
Eddie:Anu't-ano man ang mangyari, ipinagmamalaki namin kayo. Basta ibigay lamang ninyo ang lahat ng inyong makakaya.
Jenny:Maraming salamat Teacher Liezel at Teacher Eddie. Hayaan ninyo, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya sa kompetisyon na ito. Mauuna na po kami Sister Theresa, Teacher Liezel at Teacher Eddie.
Gymnastics Team:Bye po Sister Theresa! Bye po Teachers!
Sister Theresa:Bye Girls. At pagpalain nawa kayo ng Dios.
(Sumakay sa bus ang Gymnastics Team ng The Blessed Mother Academy. Umalis ang bus pagkatapos na makasakay ang buong team kasama ang kanilang MAPEH teacher at coach na si Teacher Jenny. Pagkatapos na makaalis ang Gymnastics Team, pinag-usapan ni Liezel at Eddie ang pakikilahok ng nasabing team sa kompetisyon ng gymnastics kasama ang mga team galing sa iba pang paaralan.)
Liezel:Matagal-tagal ding nag-ensayo ang Gymnastics Team natin. Ngayon ay pagkakataon na nila para maipakita ang bunga ng kanilang pageensayo.
Eddie:Sayang nga lamang at hindi natin sila mapapanood nang personal. Marami-rami kasi tayong gagawin ngayon sa mga subject natin eh.
Liezel:May iba pa namang paraan para mapanood natin ang mga bata.
Eddie:Ano namang paraan yang sinasabi mo Prinsesa?
Liezel:Inutusan ko si Peachy at Paco para kunan ng video ang buong gymnastics competition.
Eddie:Buti naman Prinsesa. Malalaman pa rin natin ang kabuoan ng kompetisyon kahit wala tayo doon.
(Sa lugar kung saan isasagawa ang kompetisyon, nagbabantay sina Peachy at Paco na nakabalat-kayo bilang mga ordinaryong tao. Sa nasabing lugar, may labingsyam na paaralan ang kasapi na may limang babaeng kasapi ang bawat isa. Nakasuot ang bawat manlalaro ng long sleeve leotard at flat shoes at hawak ang kani-kanilang light aparatus.)
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasía50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...