(Sa isang lihim na lugar sa kailaliman ng lupa, isang pangkat ng mga tao ang puwersahang pinagtatrabaho ng mga Lamian upang magmina ng isang kakaibang uri ng mineral na tinatawag na Lamianite. Ang pagmimina ng mga hiyas ay pinamumunuan ng isang halimaw na nagngangalang Whip Synchroid. Masusi niyang binabantayan ang operasyon ng pagmimina upang matiyak na ito ay maayos na maisagawa.)
Whip Synchroid:Makinig kayong lahat! Ang operasyong ito ay hindi dapat maantala. Kinakailangan na ito ay manatiling tuloy-tuloy at walang tigil. Ang sinumang hindi tutupad sa kanyang gawain ay makakatikim ng hagupit mula sa akin hanggang sa sila ay mamatay. Kaya ipagpatuloy ang pagmimina kung gusto ninyong mabuhay!
(Bagaman mabigat sa loob, ipinagpatuloy ng mga taong nabihag ang pagmimina ng mga mineral na kailangan ng mga Lamian.)
Narrator:Pangaalipin at Pagmamalupit.
(Sa isang banda naman, kinamusta ni Michal ang operasyon ng pagmimina na pinangungunahan ni Whip Synchroid. Nakipag-ugnayan si Michal kina Whip Synchroid sa pamamagitan ng isang mahiwagang salamin.)
Michal:Kamusta ang pagmimina ninyo sa mineral na Lamianite?
Lamian Vampire:Nagpapatuloy po ang pagmimina na ginagawa ng mga taong dinukot ni Whip Synchroid. Patuloy pong nadaragdagan ang ating supply ng Lamianite Kamahalan.
Michal:Magaling. Ipagpatuloy lamang ninyo ang pagmimina ng mga Lamianite. At kung sakaling mangangailangan ng mga alipin, dumukot lamang kayo ng mga tao para hindi maantala ang ating gawain.
Lamian Vampire:Masusunod po Kamahalan.
(Pagkatapos non ay naputol ang ugnayan ni Michal sa kanyang mga tauhan na nangunguna sa pagmimina ng Lamianite. Sa pagkakataong iyon ay nagtungo naman si Michal sa throne room ni Jezebel. Iniulat niya ang pag-usad ng pagmimina sa mineral na Lamianite.)
Michal:Kamahalan, nagpapatuloy lamang po ang pagmimina ng ating mga dinukot na mga alipin. At patuloy pong nadaragdagan ang ating supply ng Lamianite.
Jezebel:Magaling. Ipagpatuloy lamang ang pagmimina ng Lamianite. Kinakailangan natin ang mineral na iyan para sa ating mga binabalak.
Michal:Masusunod po Kamahalan. Ang aking halimaw na si Whip Synchroid ay hindi kayo bibiguin.
Ragnar:Kamahalan, matagal na panahon na rin po simula nung ating magamit ang mga binabanggit nyong mineral. Maaari po ba ninyong ipaliwanag ulit sa amin kung ano ang mga Lamianite?
Jezebel:Ang Lamianite ay isang napakahalagang mineral para sa ating mga Lamian. Nagmula ang mineral na iyan mula sa bulalakaw na bumagsak sa Daigdig 65 milyong taon na ang nakakalipas. At alam naman nating ang bulalakaw na iyon ang nagdulot ng pagkalipol ng mga nilalang na tinaawag ng mga tao na dinosaur. Nagsipangalat sa Daigdig ang mga piraso ng nawasak na bulalakaw at sa loob ng napakahabang panahon, ang mga ito ay naging mga Lamianite. Ang mga mineral na iyan ay nakakapagbigay ng lakas sa kahit na sinong Lamian na magsusuot ng mga kuwintas na binuo mula doon. Kapag ang ating mga mandirigma ay nasuotan ng kuwintas na gawa sa Lamianite, magiging malakas at hindi matatalo ang ating mga alagad.
Betzer:Sadya po palang napakahalaga ng mineral na iyan. Subalit bakit po mga tao ang ating inuutusan na magmina ng mga Lamianite para sa atin?
Jezebel:Dahil walang epekto sa mga tao ang paghawak sa mga nasabing mineral. Ang mga Lamian na hahawak sa isang purong Lamianite ay mapupuksa sa energy overload. Hindi kakayanin ng mga ordinaryong Lamian Trooper ang humawak sa isang purong Lamianite nang hindi napupuksa ang kanyang katawan. At dahil sa walang epekto ang mineral na iyan sa mga tao, sila ang napili natin para magmina ng Lamianite para sa ating mga Lamian.
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasia50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...
