EPISODE 07

56 4 0
                                    

(Sa kanyang English Class para sa first year, tinatalakay ni Liezel ang tungkol sa iba't-ibang klase ng mga pangungusap. Habang siya ay nagkaklase, isa sa kanyang mga mga magaaral ang nakatulog sa kanyang klase. Ang pangalan ng magaaral na ito ay Lovely. Habang natutulog siya, napapanaginipan niya na nilalaro niya ang kanyang dalawang manika noong siya ay bata pa. Ang isang manika ay isang prinsipe na pinangalanan niyang Philip at ang isa namang manika ay isang prinsesa na nagngangalang Rosebud.)

Lovely:Princess Rosebud, siya ang iyong magiging asawa na si Prince Philip. Prince Philip, ipinagkakatiwala ko sa iyo ang aking prinsesa na si Rosebud. At Princess Rosebud, gusto ko na maging mabuti ka rin kay Prince Philip.

(Napansin ni Liezel na nagsasalita si Lovely habang natutulog.)

Liezel:Miss Marciano? Miss Marciano?

(Biglang nagising si Lovely nang marinig ang boses ni Liezel.Nagulat siya sa pagtawag sa kanya ni Liezel.)

Lovely:Ay Maam!!! Sorry po Maam!!!

(Nagtawanan sa klase matapos ang biglang pagkagising ni Lovely.)

Liezel:Quiet class! (Bigla namang nag-ring ang bell pagkatapos.) Alright class dismissed. Don't forget that we will have a quiz tomorrow. Goodbye class.

Class:Goodbye and thank you Miss Ocampo!

Liezel:Okay see you tomorrow. Miss Marciano, i want you to meet me after my class.

Lovely(kinakabahan at nahihiya):Yes Maam 

Narrator:Mga Manyika Ng Kadiliman.

(Kinausap ni Liezel sa kanyang opisina si Lovely.)

Liezel:Umm Lovely, medyo dissappointed ako sa ginawa mo'ng pagtulog sa aking klase kanina. Dati naman kasi, hind mo iyan ginagawa.

Lovely:Maam pasensya na po kayo. Nahirapan lang po kasi akong makatulog kagabi. Hindi po kasi ako makatulog kasi nawala po yung dalawang paborito kong manyika nung bata pa ako.  

Liezel:Manyika? Yun ba yung narinig ko na si Philip at si Rosebud?

Lovely:Opo Maam. Kahit po kasi Grade 8 na ako ngayon, iniingatan ko po ang mga yun. Regalo po kasi sila sa akin nina Mama at Papa bago sila nagtungo sa abroad. Tuwing kasama ko po kasi ang mga yun, para ko na rin po'ng kasama sina Mama at Papa. Napakataas po ng sentimental value sa akin nung dalawa ko'ng manyika.

Liezel:Naiintindihan ko ang pakiramdam mo. Mahirap din na mahiwalay sa mga magulang. Oh sige pinapatawad na kita. Pero huwag mo nang uulitin iyon ha? 

Lovely:Opo Maam.

Liezel:Basta ito ang lagi mo'ng tatandaan. Mahal ka ng Mama at Papa mo. Tiniis nila ang malayo sa iyo upang mabigyan ka ng magandang kinabukasan. Kaya dapat mag-aral kang mabuti.

Lovely:Opo Maam. Para po sa kanila itong ginagawa ko.

(At nagyakap si Liezel at si Lovely. Kinagabihan, sa isang lihim na lugar, mayroong isang  malaking compartment na naglalaman ng napakaraming mga manyika. Sa lihim na lugar na yaon ay nandoon si Michal at ang kaniyang tauhan na si Panthera ganoon din ang isang halimaw na si Doll Lamian.)

Panthera:Kamahalan, napakarami po'ng mga manyika nito!

Michal:Tama ka aking Panthera. Mga manyika nga ang mga iyan. At ang mga manyikang iyan ang aking magiging instrumento upang puksain ang mga tao.

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon