(Sa Space Monarch, abala sa panonood si Liezel ng isang tennis competition sa telebisyon. Tuwang tuwa siya matapos na makita ang kanyang paboritong atleta na nagwagi sa pinapanood niyang laro. Hindi naglaon, dumating si Eddie at nakita siyang nanonood.)
Eddie:Magandang hapon Prinsesa!
Liezel:Magandang hapon din Eddie!
Eddie:Mukhang masayang masaya ka diyan sa pinapanood mo ah?
Liezel:Oo naman Eddie. Isa sa mga paborito kong sports competition ang tennis.
Eddie:May naisip ako Prinsesa. Bakit kaya hindi tayo maglaro ng tennis? Mukha kasing masayang gawin ito eh.
Liezel:Uy magandang ideya nga iyan! Gusto ko rin talagang maglaro din niyan para naman makapag-exercise ako at matulad din ako sa hinahangaan kong player.
Eddie:Oh sige, maghahanda ako ng mga kakailanganin natin para sa paglalaro ng tennis.
Liezel:Thank you Eddie!
Narrator:Isang Hindi Maiiwasang Laro.
(Sa isang banda naman, si Michal ay abala sa pagbuo ng plano upang magamit laban kay Rovina at Hannibal.)
Michal:Kailangan ko ng isang bagong kagamitan upang magamit laban sa ating mga kaaway. Wala ka bang ibibigay sa akin Panthera?
Panthera:Kamahalan, huwag po kayong mag-alala. Patuloy pa rin po akong naghahanap ng kagamitan para po sa inyong susunod na Lamian Beast.
Michal:Kailangan ko na ng bagong kagamitan upang magkaroon ako ng magagamit laban sa Prinsesa at Prinsipe ng Menonia! Sa oras na bumalik ka dito na walang dalang kahit ano at kapakipakinabang, makakatikim ka sa akin ng matinding parusa!
Panthera:Masusunod po Kamahalan!
(Pagkatapos non ay umalis si Panthera na takot na takot matapos maramdaman ang galit ni Michal. Samantala, sina Liezel at Eddie ay nagtungo sa isang mall upang mamili ng mga ginagamit sa paglalaro ng tennis. Pagkatapos na makapamili, nagtungo sila sa isang restaurant para kumain.)
Liezel:Ayan, nakabili na rin tayo ng mga magagamit natin sa paglalaro ng tennis!
Eddie:Kailan naman kaya natin pwedeng malaro itong mga binili natin?
Liezel:Bakit hindi natin subukang maglaro ng tennis bukas? Wala naman tayong pasok kinabukasan dahil holiday.
Eddie:Magandang ideya iyan.
(Lingid sa kanilang kaalaman, nagmamanman pala sa kanila si Panthera.)
Panthera(bumubulong sa isip):Sa wakas! Mayroon na akong maitutulong kay Kamahalang Michal!
(Pagkatapos non ay agad siyang nagtungo pabalik sa Kastilyo Ni Jezebel sa Daigdig ng Hades. Iniulat niya kay Michal ang naging bunga ng kanyang paghahanap.)
Michal:Ano? Mayroon ka nang maibabahagi sa akin na isang bagay upang magamit laban sa Prinsipe at Prinsesa ng Menonia?
Panthera:Opo Kamahalan.
Michal:Kung ganoon ay ipakita mo sa akin ang sinasabi mong bagay na magagamit laban sa mga kaaway natin.
(Iniabot ni Panthera ang isang bola ng tennis at isang tennis racket kay Michal.)
Panthera:Ang mga bagay po na iyan ang aking natagpuan na masasabi ko pong makakatulong sa inyong binabala Kamahalang Michal.
Michal:Ano naman ang nagbigay sa iyo ng ideya na mapakikinabangan nga natin ang mga bagay na ito laban sa ating mga kaaway?
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasía50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...