EPISODE 40

6 0 0
                                        

(Sa The Blessed Mother Academy, isang pangkat ng magaaral noon ang pauwi na sakay ng school bus. Habang pauwi ay biglang napahinto ang bus sa kalsada dahil may nakaharang na sasakyan subalit walang nagmamaneho.)

Male Student 1:Manong, bakit hindi po tayo tumigil?

Female Student 1:Kailangan na po naming makauwi.

Driver:Mayroon kasing nakaharang na sasakyan kaya di pa tayo makaalis.

Male Student 2:Ano kaya ang nandun sa sasakyan?

Female Student 2:Mabuti pa, tingnan natin!

Driver:Oy mga bata! Bumalik kayo!

(Hindi napigilan ng driver ang mga estudyante na bumaba ng bus at mag-usisa sa sasakyan na nakaharang. Hindi naglaon ay nagbukas ang liukuran ng sasakyan ang mga maskara at sumuot ito sa mukha ng mga bata at maging sa driver ng school bus. Bagaman nakakahinga, hindi magawa ng mga bata na makapagsalita dahil sa maskarang tumakip sa mga mukha nila.)

Male Student 3:Mmmmmppppphhhhh!! Mmmmmppppphhhhh!! Mmmmmppppphhhhh!!

Female Student 3: Mmmmmppppphhhhh!! Mmmmmppppphhhhh!! Mmmmmppppphhhhh!!

(Pinilit ng mga estudyante na alisin ang kanilang mga maskara subalit sila ay nabigo. Hindi naglaon, nag-iyakan ang mga estudyante sa kanilang sinapit.)

Narrator:Maskara ng Kadiliman.

(Kinabukasan, bago magsimula ang kani-kanilang klase ay nag-check ng attendance ang mga guro sa The Blessed Mother Academy. Nagulat sila nang malaman na ang mga estudyante na umabsent ay lulan ng bus na hindi nakabalik sa paaralan. Di naglaon, ipinatawag ni Sister Theresa ang mga guro para sa isang emergency meeting.)

Sister Theresa:Teachers, mayroong kakaibang nangyayari kamakailan lamang. Dito sa paaralan natin ay hindi nakabalik ang isa sa mga bus natin. At hindi rin nakabalik ang mga nakasakay doon. At ito pa ang isang kakaibang nangyari. Hindi lamang ito nangyari sa paaralan natin kundi sa iba ding mga paaralan. May mga estudyante ang hindi nakapasok sa dahilang hindi maidisclose ng mga magulang. Kailangan nating malaman ang dahilan kung bakit nangyayari itong mga kakaibang bagay na ito para sa kapakanan ng ating mga magaaral.

Liezel:Maam, pwede po ba'ng ipaubaya nyo sa akin ang pagtukoy sa nangyari sa mga estudyante natin? Karamihan po sa estudyante na umabsent ay galing sa advisory class ko.

Eddie:Ako din po Maam. Marami din po sa mga estudyante ay nasa aking advisory class.

Sister Theresa:Sige, sa inyo koi to ipagkakatiwala. Masyadong delikado ang situation ngayon. Kailangan na magkaroon ng emergency class suspension.

(Pagkatapos non ay nagpadala ng mensahe sa pamamagitan ng text message si Sister Theresa sa mga magulang ng mga magaaral. Hindi naglaon, sinundo ng mga magulang ang kanilang mga anak sa paaralan. Hindi naglaon, nagtungo sina Liezel at Eddie sa isa sa kanilang mga magaaral. Nagtungo sila sa bahay ng ilan sa kanilang magaaral.)

Liezel:Magandang araw po Maam.

Mother:Magandang araw din po Maam. Bakit po kayo naririto?

Liezel:Pasensya na po kung nakaabala kayo. Pero nagaalala lamang po kami sa hindi po pagpasok ng inyong anak. Marami din po kasi ang hindi nakapasok ngayon sa school at nagaalala po dito si Sister Theresa.

(Hindi napigilan ng ina ang kanyang damdamin at napaluha siya.)

Mother:Maam, hindi ko po talaga alam ang gagawin ko kasi kakaiba po ang nangyari kay Annie.

ELEMENTAL PRINCESS ROVINAMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon