EPISODE 04

93 3 0
                                    

(Sa The Blessed Mother Academy, si Liezel ay abala sa pagchecheck ng mga test paper sa Faculty Room.)

Female Student:Good morning po Maam.

Liezel:Good morning din Iha.

Female Student:Maam, pwede po ba'ng humingi ng tulong?

Liezel:Ano yun Iha?

Female Student:Gusto po sana namin na magtayo ng isang Japanese Culture club sa school. Kaya lang po, wala pa kaming advicer. Pwede po ba kayo na maging advicer namin?

Liezel:Alam mo, maganda ang plano mo. Tama na gumawa kayo ng bagay batay sa inyong interes at kakayahan. At dahil interes ko din ang Japanese Culture, sige pumapayag ako.

Female Student:Talaga po? Salamat po Maam!

Liezel:Walang anuman iyon Iha.

(At kinamayan ni Liezel ang dalagita.)

Narrator:Ang Pagdukot Sa Prinsesa.

(Sa Kastilyo Ni Jezebel, humarap si Betzer sa kanilang reyna bago simulan ang misyon ng pananakop.)

Jezebel:Hmmph, gusto mo'ng huwag paslangin ang Prinsesang Menonian?

Betzer:Kamahalan, sa akin po'ng pananaw ay tila mas maganda na kaysa puksain siya agad, bakit hindi muna natin siya pahirapan nang dahan-dahan bago patayin?

Ragnar:Ha ha ha! Mukhang ibang pagpapahirap ang nasa isip mo Betzer.

Michal:Likas kang mahilig sa mga magagandang babae. Naaalala ko noon kung paano ka mambihag ng mga babaeng Menonian. Pinagpaparausan mo muna sila bago mo patayin.

Betzer:Ang ano mang bagay na gamit na ay sa tambakan lamang ang hantungan. Kamahalan, humihingi po ako sa inyo ng permiso para sa aking ninanais.

Jezebel:Ha ha ha! Talagang baluktot ka'ng mag-isip aking Betzer! Gusto ko iyan! Sige, pahihintulutan kita.

Betzer:Marami po'ng salamat aking Reyna!

Jezebel:Subalit wag mo'ng kalilimutan ang iyong misyon. Wasakin mo ang kasumpa-sumpang mga tao!

Betzer:Opo aking Reyna! (Pagkatapos ng kanyang trabaho, nagbalik si Liezel sa Space Princess upang magpahinga.)

Peachy:Maligaya po'ng pagbabalik Prinsesa!

Liezel:Salamat Peachy.

Peachy:Hayaan po ninyo na pagsilbihan ko kayo.

Liezel:Paano mo gagawin yun?

Peachy:Ganito po.

(Umilaw ang mata ng ibon. Pagkatapos ay nagpalit anyo at naging isang babae na nakasuot ng French Maid Attire.)

Liezel:Wow! Ang galing naman!

(Nagpakita muli ang espiritu ni Aine.)

Aine:Nagustuhan mo ba ang kanyang kakayahan Anak?

Liezel:Ina, napakahusay po ng kaniyang kakayahan. Nakakatuwa po!

Aine:Marami pa siyang maitutulong sa iyo.

(Pagkatapos ay umupo si Liezel at hinainan siya ng pagkain ni Peachy. Nagpahinga si Liezel pagkatapos kumain. Kinabukasan, narinig niya ang alarm.)

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon