EPISODE 28

7 0 0
                                    

(Sa isang beauty parlor, nagtungo si Liezel at kanyang mga kapwa guro upang magpaayos. Iyon ang nagsisilbing paraan nila upang makapagbonding sa isa't isa.)

Liezel:Wow Maam! Ang ganda ng pagkakaayos sa iyo!

Female Teacher 1:Thank you Maam Liezel!

Female Teacher 2:Kahit ikaw Maam Liezel, maganda din ng ayos sa iyo!

Female Teacher 3:Kahit naman ikaw Maam eh. Lahat kaya tayo eh magaganda!

Liezel:Salamat sa sinabi mo Maam. Dapat talaga eh ipinagmamalaki ang kagandahan natin. Malaki ang maitutulong nun para lalong ganahan ang mga estudyante natin na mag-aral.

(Nagpatuloy ang bonding na isinagawa nina Liezel at mga kapwa niya guro sa nasabing beauty parlor.)

Narrator:Banta Sa Kagandahan.

(Sa Space Monarch naman, si Eddie ay abala sa pagrerecord ng mga grado ng kanyang mga estudyante. Kakatapos lamang niyang magrecord ng grade nang dumating si Liezel.)

Eddie:Nandito ka na pala Prinsesa.

Liezel:Mukhang busy ka diyan sa ginagawa mo ah Eddie.

Eddie:Kailangan eh. Alam mo naman ang trabaho natin bilang guro. Tapos mo na ba'ng gawin yung sa iyo?

Liezel:Oo naman Eddie. Natapos ko na.

Eddie:Buti naman Prinsesa. (Sa pagkakataong iyon, napansin na ni Eddie ang pagpapaganda ni Liezel.) Prinsesa, pwedeng magtanong?

Liezel(bumubulong sa isip):Mukhang napansin din niya ang hitsura ko. Nakakakilig naman! (Hinarap niya si Eddie pagkatapos). Bakit Eddie?

Eddie:Nagparlor ka ba Prinsesa?

Liezel:Oo naman Eddie. Bakit? Pangit ba ang ayos ko?

Eddie:Hindi Prinsesa. Bagay na bagay nga sa iyo yang ayos mo eh. Gumanda ka lalo.

Liezel(bumubulong sa isip):Nagandahan siya sa akin! Nakakakilig naman!

Eddie(bumubulong sa isip):Hindi ko talaga mapigilan na titigan ang mukha niya. Napakaganda niya talaga!

(Nagpatuloy pa sila sa paguusap nang biglang nagpakita sa kanila si Aine.)

Aine:Nakauwi ka na pala Anak. Kamusta pala ang lakad mo kasama ang mga kapwa mo guro?

Liezel:Opo Ina. At masaya po ako na nagpaaayos kasama sila.

Aine:Mabuti naman Anak at masaya ka na lumabas kasama ang mga kasama mo sa trabaho. Mayroon sana akong hihilingin sa iyo Anak.

Liezel:Ano po iyon Ina?

Aine:Maaari bang ako ang mag-ayos sa iyo minsan?

Liezel:Bakit nyo naman po naisipan iyan Ina?

Aine:Naisip ko lang na maganda siguro na maayusan kita kahit na minsan lang. Alam mo naman siguro ang pagnanais ko bilang isang ina na maasikaso ka. Matagal na panahon ang hinintay ko para magkasama tayo muli. Kaya gusto ko na ayusan kita minsan.

Liezel:Sige po Ina. Gusto ko po iyan. Naalala ko po dati nung bata pa ako. Si Mommy po ang nagaayos at nagpapaganda sa akin lalo na kapag pumapasok na ako sa school o di kaya po ay sumasali ako sa mga play at mga contest sa school.

(Muling nagbalik sa ala-ala ni Liezel ang panahon ng kanyang pagkabata. Naalala niya ang mga panahon na inaayusan siya ng kanyang ina bago siya pumasok sa paaralan, sa mga play at performance sa school at sa iba pang mga contest.)

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon