(Sa Daigdig ng Hades, si Michal ay naghahanda ng isang bagong halimaw upang gamitin sa pananakop sa Daigdig.)
Michal:Lumabas ka, Dagger Lamian!
(Lumapit ang halimaw ni Michal.)
DaggerLamian:Narito po ang inyong lingkod. Ano po ang inyong ipag-uutos sa akin?
Michal:Ipakita mo sa akin ang iyong kakayahan sa pakikipaglaban.
Dagger Lamian:Masusunod po Kamahalan.
(Gamit ang kanyang matatalim na punyal, pinagtataga niya at sinira ang mga estatwa ni Rovina. Pagkatapos na sirain ang ilan sa mga ito, tumambad sa kanya ang isang malaking pader na gawa sa bato. Pinailaw niya ang hawak na mga punyal at ibinato sa pader at sumabog iyon.)
Michal:Mahusay ang iyong ipinakita. Kahanga-hanga ang iyong kakayahan.
Dagger Lamian:Marami po'ng salamat Kamahalan.
Michal:Magtungo ka ngayon sa Daigdig ng mga tao at puksain ang Prinsesa Ng Menonia. At pagkatapos ay dalhin ang kanyang ulo sa akin.
(Nagbigay galang ang halimaw bago tuluyang umalis.)
Narrator:Lakas Ng Hangin At Tubig:Ang Mga Kapangyarihan Ng Buhay.
(Samantala, si Liezel ay nasa paaralan at nagbigay sa kanyang mga mag-aaral ng long quiz para sa kanilang subject na English. Makalipas ang halos isang oras ng pagsusulit, nagpalitan ng papel ang mgamag-aaral at iwinasto ang mga ito. Matapos ang pagwawasto ng mga papel, inirecord ni Liezel ang kanilang mga score. Natuwa si Liezel sa ipinakita ng kanyang mga mag-aaral.)
Liezel:Class, natutuwa ako sainyong performance sa quiz na ito. Lahat kayo ay nakapasa at marami ang may mataas na passing rate. Binabati ko kayo Class!
Henry:Salamat po Maam!
Jane:Magaling naman po kasi kayong magturo kaya po mas madali naming naintindihan ang subject!
Gerry:Oo nga po Maam! Magaling po talaga kayong magturo sa amin!
Liezel:Maraming salamat sa sinabi ninyo mga bata. Hindi ko rin naman maituturo ngmaayos ang lesson kung hindi kayo makikinig sa akin. Nagawa ninyong makapasa sa aking subject dahil sa pakikipagcooperate ninyo sa akin. I hope we could keep it up Class.
Class:Yes Maam!
Liezel:Time na pala.See you again tomorrow. Goodbye Class!
Class:Goodbye and thank you Ms Ocampo!
Liezel:Alright, see you again tomorrow.
(Umalis ang klase ni Liezel para sa kanilang break time. Habang break time, nagtungo muna si Liezel sa faculty room at inirecord ang mga scores ng kaniyang mga mag-aaral.)
Female Teacher 1:Kamusta pala ang klase mo Ms. Ocampo?
Liezel:Ummm okay naman. Mukhang nagiimprove ang aking mga estudyante. Dito nga lang sa quiz na ibinigay ko, mataas ang passing rate nila. Bibihira ang nakakakuha ng score na mababa sa passing rate.
Female Teacher 2:Baka naman masyadong madali naman ang mga quiz mo?
Liezel:Hindi naman. Inclined pa rin naman ang aking test sa mga na-cover ko na topic. I think parang ahead ng kaunti ang aking mga klase sa ibang klase pagdating sa topic.
Female Teacher 3:Ibang klase ka talaga Ms. Ocampo! Tama ka, ahead nga ang iyong klase sa mga hinahawakan ko. Kahit mabilis kayo, mukhang natututo naman ang mga students mo.
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasy50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...