EPISODE 34

8 0 0
                                    

(Sa isang island resort, magkasama si Liezel at Eddie. Si Liezel ay nakasuot ng puting one piece bating suit at si Eddie naman ay nakasuot ng itim na swimming trunks. Masaya silang magbonding sa nasabing isla.)

Liezel:Eddie, maganda ba ako sa suot ko na bathing suit?

Eddie:Oo naman Prinsesa. Lahat yata ng isuot mo na bathing suit, bagay sa iyo.

Liezel:Thank you Eddie. Sa lahat talaga ng mga bathing suit ko, paborito ko itong puti. Masaya ka naman ba na kasama mo ako ngayon?

Eddie:Siyempre naman. Bukod sa nakikita ko ang sexy mong katawan, kasama ko din ang pinakamamahal ko sa lahat.

Liezel:Sige nga, kung mahal mo talaga ako, buhatin mo nga ako?

Eddie:Yun lamang ba? Oh eto.

(Binuhat ni Eddie sa kanyang mga braso si Liezel. Masayang masaya naman si Liezel nang binuhat siya ni Eddie.)

Liezel:Salamat Eddie. Alam mo, masayang masaya ako dahil sa mga nangyari sa atin ng nakaraan. Una, nakilala natin ang ama ko at kasama natin siya ngayon. Pangalawa, nakabalik tayo mula sa kabilang buhay na may bagong mga kapangyarihan. At siyempre, masaya din ako dahil engaged na tayo ngayon at ikakasal sa hinaharap.

Eddie:Napakasaya ko din ngayon Prinsesa. Akala ko noon ay ang pagsasama ng Hari at Reyna ng Menonia ang mahalaga para sa akin. Mas mahalaga pala at mas masaya na tinanggap mo ako at pinayagan na maging bahagi ng buhay mo. Ngayong magkasama na tayo, hindi na ako papayag na magkahiwalay pa tayo.

Liezel:Masayang masaya ako na nakasama kita. Mahal na mahal kita Eddie.

Eddie:Mahal na mahal din kita Prinsesa.

(Pagkatapos non ay hinalikan nila ang isat't isa sa mga labi.)

Narrator:Pag-ibig at Katapangan

(Sa isang banda naman, pinapanood ni Leon at Aine mula sa Space Monarch ang bakasyon ni Liezel at Eddie.)

Aine:Nakakatuwang pagmasdan silang dalawa Mahal ko.

Leon:Oo nakakatuwa talaga. Naalala ko tuloy noong kabataan nating dalawa. Kasingganda mo ang anak natin Mahal ko.

Aine:Maraming salamat sa mga papuri mo. Ako ang iyong piniling mapangasawa at gusto mong maging tagapagmana ng mga Elemento ng Reyna kahit ako non ay hindi kabilang sa pamilya ng mga dating hari at reyna ng Menonia.

Leon:Hindi mahalaga sa akin kung anuman ang katayuan mo non. Ang mahalaga lamang sa akin non ay maging ikaw ang mapapangasawa ko at maging aking reyna.

Aine:Dahil sa pagmamahal at paniniwala mo sa akin, sinikap ko na maging karapatdapat na tagapagmana ng mga Elemento ng Reyna. Ginawa ko ang lahat para kusa akong piliin ng mga elementong iyon dahil sa pagmamahal ko sa iyo at pagnanais na mapaglingkuran ang ating mga kalahi. At hindi ako nabigo. Naging mag-asawa tayo at naging pinuno ng lahi natin.

Leon:Biniyayaan tayo ng isang napakagandang anak. Nalulungkot lamang ako dahil hindi ko siya nakasama nang matagal. Dahil sa pakikidigma sa mga Lamian, napatay ako at hindi na kayo nakasama mula noon.

Aine:Ngayon kasama na ulit natin ang ating anak at ang kanyang magiging katuwang sa pamumuno ng Menonia. At ngayon mismo ay masaya silang magkasama ng pinakamamahal niyang lalaki. Mabuti pa siguro na pabayaan na muna natin silang magsaya sa nabuo nilang relasyon. Hindi ka ba natutuwa na makita ang napakaganda nating anak?

Leon:Siyempre naman natutuwa ako. Kanino pa ba siya magmamana ng kagandahan kundi sa iyo?

(Napangiti ang dalawa sa usapang iyon. Sa isang banda naman, galit na galit si Jezebel matapos na mapanood ang huling laban.)

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon