EPISODE 12

14 1 0
                                    

(Sa The Blessed Mother Academy, dumalo si Liezel sa pagtitipon ng interest club kung saan siya ang adviser na walang iba kundi ang TBM Sora.)

Liezel:Okay, good afternoon children.

(Tumayo ang mga mag-aaral.)

Students:Good afternoon Ms. Ocampo!

Liezel:Okay have your sit.(Naupo ang nga estudyante.) Kamusta na pala ang ating lesson sa Japanese Language?

Student 1:Maam, naihanda na po namin ang mga lesson plan.

Liezel:Mabuti naman. Ngayon, paguusapan naman natin ang ating activity sa food preparation. (Ibinigay niya sa isa sa mga estudyante ang plano para dito.) Pag-aralan mo ito’ng plano at ikaw ang magsasagawa ng demo.

Student 2:Yes Maam.

(Nagpatuloy ang isinasagawang meeting ng nasabing organization.)

Narrator:Mga Bahay Ng Lagim.

(Sa isang housing site sa may Antipolo Rizal, nagkakaroon ng isang proyekto kung saan ipinatatayo ang ilang mga bahay na magsisilbing relocation site ng mga squatters sa Maynila. Walang kamalay-malay ang mga nagsasagawa ng proyekto na ang nasabing gawain ay bahagi ng plano ng Lamian Empire.)

Betzer:Nagtatayo ng bahay ang pangkat na pinamumunuan mo.

Michal:Maaari mo ba’ng ipaliwanag sa amin ang iyong plano Ragnar?

Ragnar:Isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao sa kanilang buhay ay ang pangangailangan ng tirahan kabilang na ang pagkain at pananamit. Sa oras na manirahan ang mga tao sa mga bahay na aking ipinatayo, doon na magsisimula ang aking maitim na balakin.

Jezebel:Papaano mo naman isasagawa ang iyong maitim na balakin Ragnar?

Ragnar:Magandang katanungan po aking Reyna. Panoorin po ninyo ito. (Ipinakita ni Ragnar ang mga semento na ginagawa ng kanyang halimaw na si Cement Lamian.) Ang mga bahay po na iyan ay gawa sa semento na galing sa aking halimaw na si Cement Lamian. Sa oras na mayroong pong mga magsisipasok sa mga bahay na aking ipinatatayo, unti-unting uubusin ng mga bahay ang enerhiya ng mga tao hanggang sa tuluyan silang mamatay. At ang mga naipong enerhiya ay magagamit natin upang mapalakas pa  po natin upang mapakalas ang ating hukbo.

Jezebel:Napkahusay ng iyong plano Ragnar! Napakasama at makakapinsala sa mga tao! Nais kong makita ngayon din ang resulta ng iyong pinaplano!

Ragnar:Masusunod po aking Reyna!

(Nagpatuloy ang plano na isinasagawa ni Ragnar. Hindi naglaon, natapos din ang mga ipinatatayong bahay na gawa sa sementong galing kay Cement Lamian. Matapos ang maipatayo ang mga bahay, nagtalumpati ang alkalde na nasa likod ng pagpapatayo ng mga nasabing bahay. Doon ay pinapanood siya ng mga maralita na nakatakdang manirahan sa mga nasabing mga bahay.)

Mayor:Marami po’ng salamat sa pagdalo sa natatanging pagtitipon na ito mga kababayan. Alam naman po natin na isa sa pangunahing pangangailangan ng tao ay ang tirahan. Hanggang ngayon po ay patuloy pa rin ang pagkakaroon ng suliranin sa pabahay. Subalit sa patuloy pong pagsisikap ng pamahalaan, patuloy po naming ginagampanan ang lahat ng aming magagawa upang kayong mga kababayan naming kapus-palad ay mabigyan ng maayos na matitirahan. At sa ngayon po ay unti-unti na nating nakakamit an gating mithiin. Muli po ay maligayang pagdating sa inyong mga bagong tahanan!

(Nagpalakpakan ang mga tao matapos ang talumpati ng nasabing alkalde. Pagkatapos ng nasabing talumpati, binigyan ng susi ng bahay ang mga maralitang nakatanggap na magkaroon ng mga bagong bahay. Masayang  inilagay ng mga bagong lipat ang kanilang mga kagamitan sa kani-kanilang mga bahay. Hindi naging lingid sa kaalaman ni Liezel ang nasabing kaganapan sapagkat napanood ito sa faculty room ng The Blessed Mother Academy ang nasabing pagkakaloob ng bahay sa mga mahihirap.)

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon