(Sa Daigdig ng Hades sa Palasyo ni Jezebel, nagtungo si Jezebel sa kailaliman ng kanyang palasyo. Doon ay mayroong isang tila obelisk na may nakaukit na octagram o bituin na may walong sinag. Nagsimulang magliwanag ang nasabing obelisk.)
Jezebel:Matagal na panahon na rin simula nang huli naming nagamit ang pinakamalakas na sandata ng mga Lamian. At ito na nga ang Demonic Octagram. Labing-anim na magaganda at malalakas na babaeng mandirigma mula sa mga Menonian ang aming ginawang bihag at sakripisyo para mapakawalan ang natatagong kapangyarihan ng sandatang ito. At nang mailabas na ng Demonic Octagram ang kapangyarihan nito, lumaganap sa Daigdig ang kadiliman at ang mga Lamian ay naging mga walang kamatayan. Kung hindi lamang isinakripisyo ng mga Menonian ang kanilang mga buhay upang mapawalang bisa ang Demonic Octagram at maikulong kaming mga Lamian sa loob ng 50,000 taon, napasaamin na sana ang Daigdig. Subalit ngayon, wala na ang mga Menonian. Tanging ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia na lamang ang naririto na siyang humahadlang sa amin. Oras na upang muling buhayin ang kapangyarhan ng Demonic Octagram.
Narrator:Muling Pananaig ng Kadiliman. (Unang Bahagi)
(Sa isang banda, sina Liezel at Eddie ay abala sa kanilang pagsasanay upang lalo pang mapalakas ang kanilang kakayahan. Nagsanay sila ng martial arts, paggamit ng sandata at iba pa. Sa pagkakataong iyon ay nasa paaralan sina Liz at Ed upang gampanan ang tungkulin nina Liezel at Eddie bilang mga guro. Nang magsimula ang lunch break, nag-usap si Liz at Ed habang sabay na kumakain ng tanghalian.)
Liz:Grabe ano? Seryoso ngayon si Prinsesa Liezel at Prinsipe Eddie sa pagsasanay nila.
Ed:Oo nga eh. Mukhang may pinaghahandaan silang isang matinding laban.
Liz:Sa tingin mo, matatapos na kaya ang pakkipaglaban nila sa mga Lamian?
Ed:Hindi ako sigurado pero alam nating nagsisikap nang mabuti silang dalawa. Basta magtiwala tayong dalawa sa kanila at patuloy tayong magdasal.
(Sumang-ayon si Liz sa sinabi ni Ed. Sa isang banda naman, nagsasanay ng paglangoy sina Liezel at Eddie. Suot ni Liezel ang kanyang puting bathing suit at swimming cap at suot naman ni Eddie ang kanyang itim na swimming trunks at swimming cap. Pagkatapos lumangoy ay nagpahinga muna ang dalawa.)
Liezel:Eddie, sexy pa rin baa ng katawan ko?
Eddie:Oo naman Prinsesa. Handa pa rin sa labanan ang katawan mo.
Liezel:Thank you Eddie!
Eddie:Mabuti at nagagawa mo pa ring maging masaya kahit matinding laban ang kinakaharap natin sa mga Lamian.
Liezel:Tingin ko dapat lang iyon. Kailangan manatili tayong masaya kahit na dumarating sa atin ang mga pagsubok. Ang tinuro sa akin ng mga umampon at nagpalaki sa akin, mas madali daw madala sa kasamaan ang isang taong walang kasiyahan sa puso niya. Mas kaya daw kontrolin ng mga masasamang espiritu ang mga taong nadadala ng lungkot, galit at pagkatakot. Sa mga Lamian na nga lang, makikita natin na punong puno sila ng galit. Natutuwa lamang sila kapag nakapagtatanim ng takot at kalungkutan sa mga tao. Kaya nga hindi tayo katulad nila. Lumalaban tayo para mapangalagaan ang tuwa sa puso ng ating mga kapwa tao.
Eddie:Alam mo kung saan ako higit na natutuwa ngayon? Natutuwa akong kasama ka. Natutuwa akong makita ng buong kagandahan mo lalo na ngayong suot mo ulit yang bathing suit mo. Ano pa ba ang higit na makapagpapasaya sa lalaking tulad ko kundi ang makasama ang napakaganda niyang kasintahan di ba?
Liezel:Ikaw ha, nambobola ka na naman! Sobra mo akong pinakikilig sa mga salita at papuri mo ha? Kung hindi talaga dahil diyan sa pambobola at mga papuri mo sa akin, hindi ako magkakalakas ng loob magsuot ng sexy tulad nitong bathing suit. Kaya masasabi kong ikaw ang dahilan kaya masaya ako.
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasy50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...