(Sa Palasyo ni Jezebel sa Daigdig ng Hades, naghahanda si Ragnar para sa muli niyang pakikipagsagupaan laban kina Rovina at Hannibal. Patuloy siyang nagiisip ng paraan upang matalo ang dalawang mandirigma.)
Ragnar:Ang lakas ng dalawang iyon ay nakadepende sa kanilang pakikipaglaban nang magkasama. Kung magagawa kong sirain ang kanilang pagkakaisa, siguradong magagapi ko silang dalawa.
Brutus:Paano nyo naman po gagawin ang bagay na iyan Panginoong Ragnar?
Ragnar:Kinakailangan na isa sa kanila ang maipailalim natin sa mind control upang ang pagiisip ay mapuno ng kasamaan. Kapag nangyari iyon, hihina ang pwersa nila at madali na natin silang matatalo. Maaari ding magamit ito upang sila na lamang ang siyang maglaban at magpatayan.
Brutus:Napakahusay po ng inyong naisip Panginoon. Sigurado na po ang ating pagtatagumpay.
Ragnar:Maghintay lamang ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia. Mararanasan nila ang pinakamalupit nating pag-atake.
Narrator:Pagkahati at Pagkalupig.
(Sa isang banda, sina Liezel at Eddie ay nasa Space Monarch. Abala sila sa pagkakataong iyon na gumagawa ng kanilang mga lesson plan.)
Liezel:Eddie, ano pala ang ituturo mo bukas?
Eddie:Tungkol sa American Civil War. Tungkol iyon sa muntik nang pagkakahati ng Estados Unidos.
Liezel:Aba, mukhang maganda iyan ah. Tama nga naman. Kapag nagaaway ang mga tao, posible talagang magkaroon ng pagkakahati.
Eddie:Ikaw naman Prinsesa? Ano naman ang ituturo mo?
Liezel:Tungkol naman sa Tower of Babel. Tungkol naman iyon sa mga taong nagkaisa sa masamang gawain at pinagwatak-watak ng Dios sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng magkakaibang mga wika.
Eddie:Halos pareho pala ang ating tatalakayin sa mga estudyante natin. Tungkol sa pagkakaisa at pagkakawatak-watak.
Liezel:Paano kaya kung sa atin mangyari ang pagwawatak at pagkakahati na iyan?
Eddie:Naku, huwag mong sabihin ang bagay na iyan. Kapag nasira pa ang pagkakaisa nating dalawa, malalagay ang lahat ng nilalang sa panganib.
Liezel:Tama ka. Hindi nga maganda na tayong dalawa ay magkawatak pa. Masaya na ako na magkasama tayo sa maraming bagay lalo na sa pakikipaglaban sa mga Lamian. At siyempre, gusto kong magkasama tayo habambuhay bilang mag-asawa at isang pamilya.
Eddie:Huwag kang mag-alala Prinsesa. Hindi ako papayag na magkawatak tayong dalawa. At ang pagmamahalan natin ang patuloy na magpapatibay sa atin.
(Ngumiti si Liezel sa sinabing iyon ni Eddie at ipinagpatuloy nila ang paggawa ng kanilang mga lesson plan. Pagkatapos gumawa ng lesson plan at kumain ng hapunan, sila ay naligo muna. Habang naliligo ay naalala ng dalawa ang kanilang pinag-usapan.)
Liezel(bumubulong sa isip):Wala na siguro akong mahihiling pa kundi ang magkasama tayong dalawa sa anumang gawain. Ikaw ang gusto kong makasama habambuhay bilang asawa ko. At siyempre, gusto kong ikaw ang maging ama ng magiging anak natin. Naging isa na tayong dalawa at gusto kong palaging maging ganoon tayo.
Eddie(bumubulong sa isip):Ayoko nang magkahiwalay pa tayong dalawa. Hindi ko gugustuhin na magmahal pa ng ibang babae maliban sa iyo Prinsesa. Bukod pa sa ito ang tawag ng ating tungkulin, masaya ako na palagi tayong magkasama sa lahat ng bagay. At wala na akong hangad kundi ang manatili iyon.
(Pagkatapos na maligo ay nagbihis ang dalawa at nagtungo sa kanilang mga silid tulugan. Natulog ang dalawa para sa kanilang pagpasok kinabukasan. Sa isang banda naman, humarap ang sina Betzer, Ragnar at Michal kay Jezebel upang mapag-usapan ang kanilang susunod na gagawin laban kina Rovina at Hannibal.)
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasy50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...