EPISODE 15

20 0 0
                                        

(Sa Space Princess, si Liezel ay wala pa ring malay matapos ang matindi niyang pakikipaglaban kay Beyrah. Pinapanood naman nina Aine at Peachy ang kanyang pakikipaglaban.)

Peachy:Hindi po talaga biro ang sinapit ng Prinsesa sa pakikipaglaban kay Beyrah.

Aine:Napakabangis na mandirigma ni Beyrah. Kakaiba siya sa mga dati nang nakalaban ni Rovina. (Walang anu-ano ay may naramdamang kakaiba si Aine. Mayroon siyang nasasagap na enerhiya.)

Peachy:Kamahalan, ano po ang nangyayari sa inyo?

Aine:Mayroon akong nararamdamang kakaibang enerhiya. (Napaisip siya.Bigla siyang may naalala.) Hindi ito maaari!

Peachy:Bakit po Kamahalan?

Aine:Nararamdaman ko ang iba pang mga elemento! Dumating ang may hawak dito!

Narrator:Ang Prinsipe Ng Mga Elemento

(Samantala, sa Daigdig Ng Hades sa Palasyo Ni Jezebel, pinapanood ni Jezebel at ng kanyang pangkat ang pakikipaglaban ni Beyrah kay Rovina. Tuwang-tuwa si Jezebel sa pakikipaglaban ng mandirigma na kanyang nilikha.)

Betzer:Hmmmph, hindi na masama ang kaniyang ipinakita.Isa siyang mabagsik na mandirigma.

Ragnar:Isa nga siyang mabangis na mandirigma subalit hindi pa rin niya tuluyang napatay ang Prinsesa Ng Menonia.

Michal:Talaga bang magagawa niyang talunin ang Prinsesa Ng Menonia?

Jezebel:Bakit hindi natin antabayanan ang susunod nilang pakikipaglaban? Sa oras na magapi ni Beyrah ang Prinsesa ng Menonia, madali na nating masasakop ang Daigdig ng mga tao. At hindi lamang iyon. Magagawa na nating isang madilim na mundo ang tinitirahan ng mga tao. Kaya habang inaantabayanan natin ang resulta ng pakikipaglaban ni Beyrah, gusto kong ihanda ninyo ang ating buonghukbo para sa pagsalakay sa Mundo.

Betzer, Ragnar and Michal:Opo mahal na Reyna!

(Sa Space Princess naman, nagising na rin si Liezel matapos ang kanyang matagal na kawalan ng malay.)

Liezel:Nasaan ako?

(Lumapit sa kanya si Peachy at Aine.)

Aine:Salamat naman at gising ka na mahal kong Prinsesa. Alalang-alala ako sa iyo.

Liezel:Ina!!(Luhaan na yumakap si Liezel kay Aine.) Akala ko po ay mamamatay na ako dun sa aking pakikipaglaban!Sobrang bangis po at sobrang lupit makipaglaban ni Beyrah!

Aine:Wag ka'ng matakot anak ko. Ang mahalaga ay ligtas ka na ngayon.

(Huminahon si Liezel pagkatapos.)

Liezel:Ina, kailangan ko po palang pumasok sa paaralan namin ngayon at magturo.

Aine:Huwag mo na munang isipin yan. Si Liz na muna ang bahalang gumanap sa iyong pagiging guro. Kailangan mo munang makabawi ng lakas.

Liezel:Pero Ina, mas lalo po akong manghihina kung wala po akong gagawin. Kailangan po, makapagturo ako sa aking mga estudyante.

Aine:Hindi. Dito ka lamang sa Space Princess at kailangan mo ng pahinga. Papaano mo magagampanan ang iyong pagiging guro at pagiging prinsesa kung ikaw ay hindi pa nakakabawi ng lakas? Huwag sanang matigas ang iyong ulo anak. (Natahimik pansamantala si Liezel dahil sa sinabi ng kanyang ina.) Anak, sana ay maintindihan mo kung bakit ako ganito sa iyo ngayon. Alam ko na bahagi ng iyong tungkulin bilang prinsesa ang humarap sa panganib at tanggap koi yon. Subalit hindi mo maiaalis sa akin ang pagiging iyong ina. Hindi man lamang kita naalagaan nang matagal noong sanggol ka pa dahil sa pakikidigma namin sa mga Lamians. Ganoon kita kamahal kaya nais kitang pangalagaan sa abot ng aking makakaya Anak.

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon