EPISODE 42

6 0 0
                                    

(Sa Daigdig ng Hades, si Michal ay nagsasagawa ng isang orasyon. Paulit-ulit na ginawa ni Michal ang nasabing orasyon upang makuha ang kanyang ninanais. Hindi naglaon, pagkatapos ng kanyang orasyon, nagpakita ang dalawang gagamba na kulay itim na may pulang tatak ng Lamian Empire at buntot ng alakdan. Ang mga nasabing gagamba ay sumampa sa mga kamay ni Michal na parang mga alaga. Natuwa si Michal sa pagpapakita ng dalawang gagamba.)

Michal:Magaling! Nagpakita din kayo, mga magagandang nilalang ng Daigdig ng Lamian. Sa pamamagitan ninyo, makakamit ng aming imperyo ang tagumpay at maihahatid sa kamatayan ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia.

Narrator:Mga Gagamba ng Kasamaan.

(Pagkatapos na mapalitaw ang mga gagamba, pansamantalang ikinulong ni Michal ang mga gagamba sa mga hawla. Pagkatapos maikulong ang mga ito, nagtungo siya sa Palasyo ni Jezebel. Sinalubong naman siya ng kanyang alagad na si Panthera.)

Panthera:Maligayang pagbabalik po Kamahalang Michal. Saan po kayo pumunta?

Michal:Nanggaling ako sa kagubatan ng Hades. Nagsagawa ako ng isang mahabang dasal upang makuha ang isang bagay na makapaghahatid sa ating imperyo ng tagumpay.

(Inilabas ni Panthera ang hawla kung saan nakakulong ang mga gagamba na kanyang pinaltaw sa pamamagitan ng isang napakahabang orasyon.)

Panthera:Kamahalan, ang mga gagamba pong iyan ay?

Michal:Tama ka. Kailangang makita ni Reyna Jezebel ang mga gagambang ito.

Panthera:Tama po ang sinabi po ninyo Kamahalan. Tiyak na ikatutuwa po niya na makita ang mga gagambang iyan.

Michal:Sige. Kailangan ko nang maihatid ang mga gagambang ito sa kanya.

(Pagkatapos non ay nagtungo si Michal at Panthera sa throne room ni Jezebel. Nagbigay galang si Michal at Panthera kay Jezebel at saka nagbigay ng ulat.)

Jezebel:Kamusta na ang iyong ginagawang paghahanda laban sa Prinsesa at Prinsipe ng Menonia?

Michal:Kamahalan, mayroon po akong naihandang mga bagay na makakapaghatid sa atin ng tagumpay.

(Inilabas ni Michal ang mga hawla kung saan nakakulong ang mga gagamba na kanyang pinalitaw sa pamamagitan ng isang napakahabang orasyon sa kagubatan ng Hades.)

Ragnar:Teka? Pamilyar sa akin ang mga gagambang iyan.

Betzer:Ang mga gagambang iyan ay tinatawag na Lamian Dark Spider.

Jezebel:Natatandaan ko ang mga gagambang iyan. 50,000 taon na ang nakakalipas, ang mga gagambang iyan ay malaki ang naitulong sa atin. Ang mga gagambang iyan, kapag sumanib sa mga namatay na Lamian Beast ay nagiging mga mababangis na mga halimaw na tinatawag na Dark Spider Beasts. Bukod sa nagtataglay ang mga halimaw na Lamian Dark Spider ng pambihirang lakas at husay sa pakikidigma, nagtataglay din ang mga Dark Spider Beast ng napakabagsik na lason na may kakayahang pumatay ng mga biktima nito sa loob lamang ng 24 na oras. Malaki ang nagawa ng mga Lamian Dark Spider para mapahina ang pwersa ng mga Menonian hanggang sa kumilos ang mismong hari ng mga Menonian na si Leon at pinagpapaslang ang mga Dark Spider Beasts. Bagaman malaki ang pakinabang sa atin ng mga nilalang na iyan, ang mga gagambang iyan ay lumilitaw lamang minsan sa bawat 1000 taon. At dahil walang masapian ang mga gagambang iyan na bangkay ng mga Lamian Beast, hindi natin napakinabangan nang ganap ang mga gagambang iyan sa panahong tayo ay ikinulong ng mga Menonian. Ngayong nakalaya na tayo sa pagkakakulong, nagkaroon na muli tayo ng pagkakataon na magkaroon ng mga pisikal na katawan. At sa pagkakataong ito, muli nating magagamit ang mga Lamian Dark Spider para sa pagsakop ng Daigdig.

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon