ELEMENTAL PRINCESS ROVINA SPECIAL RELEASE

10 0 0
                                    

"Ang Madilim Na Pagbangon."

(Sa isang lihim na silid ng Palasyo Ni Jezebel sa Daigdig Ng Hades, nagsasagawa ng isang taimtim na panalangin si Jezebel ang reyna ng Imperyong Lamian. Sa kanyang pananalangin, patuloy ang pagpapakawala ng masamang enerhiya.)

Jezebel:Dakilang Panginoon Ng Kadiliman, ako ang inyong abang lingkod na Reyna Ng Imperyong Lamian na si Jezebel. Hinihiling ko sa inyong madilim na puso na ipagkaloob sa aking imperyo ang tagumpay.Ibigay mo sa akin ang Mundo ng mga tao at ang ulo ng aming mga kaaway. Magapi nawa namin ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia na pawang mga hadlang sa aming hangarin na gawing daigdig ng kadiliman ang mundo ng mga tao. Nawa ay pakinggan mo ang aking samo at panalangin. Mapasaamin nawa ang tagumpay! Para sa aking Imperyong Lamian!

(Pagkatapos non ay kumulog at kumidlat sa Daigdig ng Hades. Nag-alay din si Jezebel ng isang lalaki at isang babaeng bihag bilang alay. Ang dalawang bihag ay nakagapos sa mga poste at may busal na tape sa kanilang bibig.)

Male Captive:Mmmmmppppphhhhh! Mmmmmppppphhhhh! Mmmmmppppphhhhh!

Female Captive:Mmmmmppppphhhhh! Mmmmmppppphhhhh! Mmmmmppppphhhhh!

(Gumawa ng bolang apoy si Jezebel sa kanyang mga palad. Pagkatapos na makagawa ng bolang apoy ay ihinagis niya ang mga ito sa mga bihag at nasunog sila ng buhay. Pinanood ni Jezebel na masunog ang mga bihag na kanyang isinakripisyo sa kinikilala niyang dios. Habang nasusunog ang mga bihag na ginawa niyang alay, nagsasagawa si Jezebel ng mga orasyon. Hindi naglaon, naging abo ang mga bihag matapos ang ilang oras ng patupok sa kanila. Pagkatapos non ay umalis si Jezebel sa nasabing silid. Pagkatapos ng kanyang ritwal, nagbalik si Jezebel sa throne room ng kanyang palasyo at doon ay nagaabang ang kanyang mga tauhan. Nagbigay pugay sa kanya ang mga ito.)

Betzer:Naririto po kami aming Reyna.

Ragnar:Nakahanda po kaming tumanggap ng inyong utos.

Michal:Pag-utusan nyo po kami Kamahalang Jezebel.

Jezebel:Ang aking mga tapat na alagad. Natutuwa naman ako sa inyong ipinamamalas na katapatan. Isang bagay lang naman ang kailangan nating gawin upang tuluyan na nating masakop ang Daigdig Ng Mga Tao.

(Nagpakita sa isang malaking salamin ang mga pakikipaglaban ni Rovina at ni Hannibal laban sa hukbo ng mga Lamians.)

Betzer:Ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia. Ang atin pong mga mortal na.mga kaaway.

Ragnar:Ang mga patuloy na humahadlang sa ating balakin na sakupin ang daigdig ng mga tao.

Michal:Kung hindi po dahil sa kanila, malamang ay tayo na pong mga Lamians ang namamayani sa daigdig na ito.

Jezebel:Tama ang inyong mga sinabi. Ang dalawang tampalasang nilalang na iyan ang dahilan kung bakit ang daigdig na ito ay hindi pa rin napapasaatin. Silang dalawa ay patuloy na hinahadlangan ang ating pamiminsala laban sa mga tao gamit ang kanilang mga natatanging kapangyarihan. Sa umpisa, tanging ang Prinsesa ng Menonia lamang ang ating sakit ng ulo. Mahusay siyang mandirigma sa kabila ng kanyang malambot at mapagmahal na puso. Hindi naman naglaon ay dumating ang Prinsipe ng Menonia. Isa siyang tapat na kakampi na handang ibuwis ang kanyang buhay para sa Prinsesa. Simula nang magsama ang dalawang iyan, lalo pang nadagdagan ang ating suliranin.

(Nagpatuloy pa sa pagsasalita si Jezebel nang biglang nagpakita sa kanila si Beyrah at Gridon.)

Beyrah:Sinasabi na nga ba namin at pinoproblema ninyo nang husto ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia.

Gridon:Kami na ang bahalang pumuksa sa kanilang dalawa.

Michal:Mga pangahas! Anong ginagawa ninyo dito?

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon