(Sa isang space observatory, nagtungo ang isang pangkat ng mga mag-aaral upang tingnan ang mga bituin at iba pang heavenly bodies sa pamamagitan ng isang telescope.)
Male Student:Uy ang ganda-ganda ng mga bituin oh! Mas malaki sila dito sa telescope!
Female Student:Mamaya, patingin din ako ha? Gusto ko ding gamitin yang telescope!
Teacher:Oh mga bata, sana ay may natutunan kayong maganda dito sa ating excursion ngayon. Wag kalilimutan ang inyong reaction paper para sa ating Science Subject.
Students:Yes Maam!
(Pagkatapos non ay umalis ang mga mag-aaral at iba pang mga guro para ipagpatuloy ang kanilang excursion.)
Narrator:Kahilingan Sa Bulalakaw Sa Gabi.
(Sa isang banda naman, lumabas nang magkasama si Liezel at Eddie sa isang park. Naghihintay non si Liezel sa isang bench nang dumating si Eddie na may dalang ice cream. Gabi noon nang namasyal ang dalawa.)
Eddie:Eto na pala ang ice cream na pinabili mo Prinsesa.
Liezel:Thank you Eddie!
(Pagkatapos non ay umupo ang dalawa sa bench at nagkuwentuhan habang kumakain sila ng ice cream.)
Eddie:Oo nga pala Prinsesa, bakit mo pala ako inimbitahan na lumabas ngayong gabi?
Liezel:Naalala kolang kasi ang isa sa mga paborito kong gawin nung bata pa ako?
Eddie:Ano iyon Prinsesa?
Liezel:Nung bata pa ako, madalas akong lumalabas ng bahay kapag gabi. Ginagawa ko iyon kapag halimbawang tapos na kaming maghapunan at nagawa ko na ang mga assignment ko. Umuupo ako sa may bakuran ng bahay namin at tumitingin sa langit.
Eddie:Tapos ano ang gagawin mo?
Liezel:Hihintayin ko na may lumabas na isang bulalakaw. Kapag may nakita akong bulalakaw, siyempre hihiling ako doon.
Eddie:Ano naman ang hinihiling mo sa bulalakaw Prinsesa?
Liezel:Karaniwan, humihiling ako ng mga gusto kong makuha. Pero hindi ko nakakalimutan na humiling para kina Mommy at Daddy.
Eddie:Nakakatuwa naman. Humihiling ka din pala para sa mga kinikilala mong magulang.
Liezel:Oo Eddie. Siyempre, mahal na mahal ko ang mga magulang ko.
Eddie:Hinihintay mo talaga na may bumagsak na mga bulalakaw?
Liezel:Oo talagang naghihintay ako. Ang nakakatuwa nga, minsan nakakatulugan ko ang paghihintay sa pagbagsak ng bulalakaw. Kapag nakakatulugan ko, lumalabas si Daddy para buhatin ako pabalik doon sa tabi nila ni Mommy. Kahit na teenager na ako, ginagawa ko pa rin yun. Binubuhat ako ni Daddy patungo sa kuwarto ko.
(Nagbalik sa ala-ala ni Liezel ang kabataan niya kung saan nakakatulog siya sa paghihintay ng bulalakaw. Kapag nakakatulog siya sa labas ng kanilang bahay, binubuhat siya ng kanyang ama patungo sa kanyang kuwarto, ihinihiga sa kama, kinukumutan at hinahalikan bago iwanan.)
Eddie:Nakakatuwa pala ang kabataan mo Prinsesa. Nakakatulog ka pala sa paghihintay sa bulalakaw ha ha ha!
Liezel:Eddie, hindi ba nakakahiya iyong kuwento ko sa iyo?
Eddie:Bakit ka naman mahihiya sa kuwento mo? Wala namang mali sa ginagawa mo. Kaya ka naghihintay ng bulalakaw ay dahil sa gusto mong matupad ang hiling mo, hindi lamang para sa iyong sarili kundi para na rin sa mga mahal mo sa buhay. Sa tingin ko ay napakagandang ugali niyan. Bata ka pa lamang ay hindi na lang sarili ang iniisip mo.
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasía50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...