EPISODE 03

123 3 0
                                        

(Sa Kastilyo ni Jezebel sa Daigdig ng Hades, pinanood ng mga Lamians ang nakaraang pakikipaglaban ni Rovina.)

Jezebel:Hindi ko akalain na mayroon pa palang nabubuhay na Menonian sa panahong ito.

Michal:Oo nga po Kamahalan. Kung hindi lang po sa kanyang pakikialam, malamang po ay nasakop na natin ang Daigdig!

Betzer:Napakaganda nya para sa isang kalaban. Masarap siyang dukutin at gawing aking alipin habang pinaghaharian natin ang kanyang Mundo. Pero kung hindi siya magiging akin, mas mabuti sa kanya ang mamatay!

Jezebel:Nararapat siyang mawala sa ating landas. Hindi ako papayag na muling matalo ng mga Menonian!

Ragnar:Ipaubaya nyo po sa akin ang pagtalo sa kanya. Magtatagumpay ako alang-alang sa inyo aking Reyna!

Narrator:Paghahanda Sa Digmaan.

(Samantala, dinala ng Elemental Brace si Liezel sa isang dalampasigan.)

Liezel:Teka bakit ako nandito?

(Nagpakita muli sa kanya ang inang si Aine.)

Aine:Mahal ko'ng anak, ipapakita ko sa iyo ang mga gagamitin mo para sa pakikipagdigma sa mga Lamian.

Liezel:Ano po ang sinasabi ninyo Ina?

Aine:Paparating na ang sinasabi kong kagamitan Anak.

(Nagbukas ang isang warp at lumabas ang isang space craft. Natuwa si Liezel sa nasaksihan niya.)

Liezel:Wow! Para sa akin po ba ang space ship na yan?

Aine:Iyan ang Space Princess. Ihinanda ko ang sasakyan na iyan para magamit mo sa iyong pakikipaglaban. 

Liezel:Pwede ko po ba'ng makita ang loob ng sasakyan?

Aine:Walang problema anak ko.

(Nagteleport ang mag-ina patungo sa loob ng space ship. Doon natagpuan ni Liezel ang tatlo pang mga sasakyan;ang Speed Princess na isang advanced na kotse, ang Sky Princess na isang maliit na aircraft at ang Sea Princess na isang maliit na submarino.Natuwa din si Liezel sa mga advanced na kagamitan sa loob ng Space Princess.)

Liezel:Ibang klase po pala ang sasakyan na ito Ina!

Aine:Bukod sa pagiging space ship at base, pwede mo rin na gamitin ito sa pang-araw-araw mo na pamumuhay.

Liezel:Marami pong salamat Ina.

(Biglang may lumapit sa kanila na isang mechanical na babaeng ibon.)

Mechanical Bird:Maligaya pong pagdating Mahal Na Prinsesa!

Liezel:Wow! Ang cute naman! Isang robot na ibon!

Aine:Siya ang magsisilbi mo'ng assistant sa mga misyon mo.Marami siyang kayang gawin.

Liezel:Ano kaya ang maganda'ng pangalan mo? Ah alam ko na. Tatawagin kitang Peachy.

Peachy:Maganda po'ng pangalan yan. Salamat po Prinsesa Rovina.

Liezel:Walang anuman yon. Ina, marami po uling salamat sa lahat ng ito.

Aine:Walang anuman yon mahal kong anak. Hanggang sa muling pagkikita. Kung kailangan mo ang aking tulong, tawagin mo lamang ako. (At naglaho si Aine.)

ELEMENTAL PRINCESS ROVINAMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon