EPISODE 30

8 0 0
                                    

(Sa The Blessed Mother Academy, mayroong isang pangkat ng mga magaaral ang nagtitinda ng ginawa nilang mga cake at tinapay sa paaralan bilang bahagi ng kanilang subject na Technology and Livelihood Economics.Nagtitinda sila sa isang stall malapit sa school canteen. Hindi naglaon, napadaan doon sina Liezel at Eddie.)

Female Student 1:Hi po Maam at Sir! Try nyo po itong ginawa naming cake at tinapay!

Liezel:Wow! Mukhang masarap iyang ginawa ninyo ah!

Eddie:Patikim nga niyang mga ginawa ninyo mga bata.

(Pagkatapos non ay tinikman ni Liezel at Eddie ang paninda ng mga magaaral.)

Liezel:Uy, talagang masarap ang ginawa ninyong tinapay at cake!

Eddie:Pinahahanga talaga ninyo kami mga bata. Mahusay ang ginawa ninyo.

Male Student 1:Thank you po Sir!

(Hindi naglaon ay dumating ang TLE teacher ng mga estudyante.)

Mrs. Arabal:Hi Maam Liezel, Hi Sir Eddie!

Liezel:Hi Maam Arabal! Mukhang naturuan mong maigi ang mga estudyante mo.

Eddie:Tama si Maam Liezel. Masarap ang ginawang tinapay at cake ng mga estudyante mo.

Mrs. Arabal:Maraming salamat din sa papuri ninyo Maam at Sir.

Liezel:Sigurado akong marami-raming maipagbibili ang mga students mo Maam.

Eddie:Dapat eh bigyan mo din sila ng additional credit kapag nakadami sila ng benta nila.

Mrs. Arabal:Siyempre naman Maam at Sir. Bukas, yung susunod na klase ko naman ang magsasagawa nito.

(Nagpatuloy ang ginagawang pagbibenta ng tinapay at cake ng mga estudyante.)

Narrator:Masa Ng Lagim.

(Pagkatapos ng buong araw na klase, umuwi sa Space Monarch si Liezel at Eddie. Pinaguusapan nila ang

tungkol sa ginawang activity ng mga bata sa kanilang subject na TLE.)

Liezel:Ano pala ang masasabi mo sa ginawa ng mga bata Eddie?

Eddie:Nakakatuwa ang ginawa nila ngayong araw. Sa murang edad ay natutunan na nila ang tamang paggamit ng kanilang talento para kumita ng pera.

Liezel:Mapapakinabangan nila sa kanilang pagtanda ang mga natutunan nila sa kanilang subject.

Eddie:Totoo iyan Prinsesa. At iyan ang makakatulong sa kanila sa pagtanda nila para guminhawa ang buhay nila.

(Pagkatapos non ay nagtungo sila sa kani-kanilang mga silid upang magpalit ng kanilang kasuotan. Sa isang banda naman, si Angelica at ang kanyang kasintahan na si Bernard ay sinasanay ang kanilang mga tauhan upang mapalakas lalo ang kanilang puwersa. Ang kanilang mga tauhan ay nasa kanilang mga anyong tao sa kanilang pagsasanay sa ilalim ni Angelica at Bernard.)

Angelica:Sa tuwing magsasanay kayo, palagi ninyong isapuso ang galit sa ating mga kaaway na walang iba kundi ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia!

Dark Nymphs and Dark Ghouls:Opo!

Angelica:Ang dalawang basurang nilalang na iyan ay ating tatapusin. At sa oras na mapatay natin ang dalawang iyan, mabibigyan tayo ng pagkilala ni Reyna Jezebel sa kanyang imperyo!

Dark Nymphs and Dark Ghouls:Opo!

Angelica:Ipagpatuloy lamang ninyo ang pagpapalakas ng inyong mga sarili aming mga alagad. Magkakamit kayo ng gantimpala sa amin ni Bernard sa oras na tayo ay magwagi.

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon