EPISODE 44

3 0 0
                                    

(Sa Kastilyo ni Jezebel sa Daigdig ng Hades, abala noon si Betzer sa kanyang ginagawang pananaliksik sa kasaysayan ng iba't ibang uri ng mga armas. Mula sa mga sandata na ginagamit noong Panahon ng Bato hanggang sa mga modernong armas, inaral nang maigi ni Betzer ang mga sandata na ginagamit ng mga tao.)

Betzer(bumubulong sa isip):Mula noon hanggang ngayon, bahagi na ng pamumuhay ng mga tao ang paggamit ng mga sandata at ang pagiging marahas. Ang patuloy na pangangailangan ng tao para puksain ang kanyang mga kaaway ang dahilan upang patuloy na umunlad ang mga sandata na kanyang ginagamit. At habang umuunlad ang kanyang sandatang ginagamit, mas marami siyang napapadanak na dugo ng kanyang mga kaaway. Sa kasalukuyang panahon ay nakagawa na ang tao ng mga mahuhusay na armas na may kakayahang pumaslang nang mahusay. At ang mga sandatang iyon ay siyang gagamitin ko para puksain ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia. Maghintay lamang sila.

Narrator:Para sa Mga Itinuturing na Pamilya

(Sa isang banda naman, si Liezel at Eddie ay nasa Space Monarch. Nanonood ng telebisyon si Liezel habang si Eddie ay naglalaro ng video game. Habang nanonood ng telebisyon ay biglang nag-ring ang cellphone ni Liezel. Sinagot naman ni Liezel ang kanyang cellphone.)

Liezel:Hello?

Melanie:Hi Liezel! Si Melanie ito.

Liezel:Ikaw pala yan Melanie. Kamusta ka na?

Melanie:Okay naman ako. Masaya naman ako sa buhay ko ngayon. Matagal na rin tayong di nagkikita.

Liezel:Oo nga eh. Bakit ka pala napatawag?

Melanie:Mayroong gagawing reunion ang section natin. Pero tayong mga magkakaklaseng babae lamang ang dadalo.

Liezel:Sino pala ang nagsponsor dito sa gagawin nating reunion?

Melanie:Ako at saka si Oreana ang organizer ng reunion natin.

Liezel:Siguradong magiging masaya ang magiging reunion natin dahil magaling na organizers kayo ni Oreana. Saan pala natin gagawin ang reunion?

Melanie:Kagaya ng mga nakaraang reunion ng ating batch, gagawin natin yun sa isang beach resort. Oh baka di ka na naman dumalo kasi sa beach gagawin yun. Nahihiya ka pa rin bang mag-bikini o swimsuit man lang?

Liezel:Dati yun. Pero ngayon, hindi na ako nahihiyang magsuot ng swimsuit. Narealize ko lang na maganda din namang magsuot ng sexy paminsan-minsan.

Melanie:Saka nasa beach naman tayo pupunta kaya common sense na lang ang pagsusuot niyan. Naexcite tuloy ako bigla sa pagdalo mo ng reunion natin. Siguradong maganda ang katawan mo kapag naka-swimsuit.

Liezel:Basta magugulat na lang kayo sa reunion ng ating section. Anyways, miss ko na talaga kayong lahat. Wala talagang makakatalo sa samahan ng section natin mula noon hanggang ngayon. Kayo ang naging parang mga kapatid ko dahil ako lang ang nagiisang anak ng mga magulang ko.

Melanie:Nalungkot din kaming lahat nung nabalitaan namin ang nangyari sa mga magulang mo. Kaya nga dapat lang na dumadalo ka ng reunion natin. Gusto namin na maging masaya ka sa ating bonding time.

Liezel:Salamat sa sinabi mo Melanie. Oh sige, paghahandaan ko na lang muna ang magiging reunion natin. Naxcite tuloy ako lalo na makita kayong lahat.

Melanie:Okay. Kitakits na lang sa reunion natin ha? Sisiguraduhin ko na walang aabsent sa lahat ng mga babae nating classmate. Bye Girl!

Liezel:Bye!

(Pagkatapos non ay naputol ang tawag sa pagitan nila. Masayang masaya naman si Liezel pagkatapos ng paguusap na iyon at napansin naman iyon ni Eddie.)

Eddie:Uy, Prinsesa, parang ang saya ng hitsura mo ngayon ah.

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon