(Sa isang archaeological site, mayroong nahukay na isang kakaibang estatwa na gawa sa metal.)
Archaeologist 1:Teka ano itong estatwang ito?
Archaeologist 2:Kakaiba ito sa mga kilalang artefacts na nahukay na.
Narrator:Mga Mandirigmang Walang Kamatayan.
(Pagkatapos na mahukay ang nasabing estatwa, agad namang naibalita ang pagkakatuklas dito. Sa pagkakataong iyon, sina Liezel at Eddie ay nasa faculty room ng kanilang paaralan kasama ang kanilang mga co-teachers sa kanilang lunch break. Binuksan ng isa sa mga guro ang TV at napanood ng lahat ng balita.)
Male Newscaster:Isa pong natatanging tuklas ang nagawa ng isang pangkat ng mga archaeologist sa isang site sa Pangasinan. Isang estatwa na gawa sa metal ang natuklasan. Sang-ayon sa eksperimento na isinagawa ng mga siyentipiko, ang natuklasang estatwa ay may edad na 50,000 taon. Dahil sa halos hindi kapani-paniwalang resulta ng nasabing eksperimento, ipinagpatuloy ang eksperimento sa nasabing estatwa upang matukoy kung gaano nga ba katanda ang nasabing estatwa at kung sino ang posibleng gumawa nito.
(Napaisip si Liezel at Eddie tungkol sa estatwa na natuklasan.)
Liezel (bumubulong sa isip):50,000 taon ang nasabing estatwa? Hindi kaya ginawa ang estatwa na iyon sa panahon ng mga Menonian?
Eddie (bumubulong sa isip):Sino naman kaya sa mga Lamian o sa mga Menonian ang lumikha sa estatwang iyon?
(Napansin naman ng kanilang mga co-teacher ang kanilang pananahimik.)
Male Teacher 1:Maam Liezel, Sir Eddie, ayos lamang ba kayong dalawa?
Female Teacher 1:Antahimik nyo kasing dalawa nung ipinalabas ang tungkol sa estatwa.
Liezel:Ah eh wala yun. Talaga naman kasing nakakagulat yung balita tungkol doon sa estatwa. Bukod kasi sa kakaiba ang hitsura niya, at saka nakakagulat din yung sinabi ng mga scientist na nasa 50,000 taon ang tanda ng estatwa na iyon.
Eddie:Bilang guro ng Araling Panlipunan, masasabi kong nakakagulat nga yang natuklasan nila. Ang nababasa kasi natin sa mga History books, ang tao ay natuto lamang gumamit ng bakal noong 1200 BC. At nung panahon na iyon nagsimula ang tinatawag nating Iron Age na nagpapatuloy hanggang ngayon.
Female Teacher 2:Kung sabagay, tama nga ang sinabi mo Sir Eddie. Kakaiba nga iyan kung sinasabing 1200 BC lang natutong gumamit ng metal ang mga tao.
Male Teacher 2:Hindi kaya ibang mga nilalang ang gumawa ng estatwang iyon? Halimbawa ay mga alien galing sa ibang planeta.
Liezel:Naku mga Maam at Sir, wag nyong ituturo sa mga estudyante ninyo ang mga bagay na iyan. Alam nyo naman ang mga bata, madali silang maniwala sa mga naririnig nila sa ating mga teacher. Dahil nga mas nakakasama nila tayo ng mas mahabang oras, mas paniniwalaan nga nila tayo kaysa sa mga magulang nila. Kaya magiingat tayo sa mga sasabihin at ituturo natin sa kanila.
Eddie:Tama ang sinabi ni Maam Liezel. Isa pa, magsasagawa ulit ng eksperimento ang mga scientist doon sa estatwa. Kapag lumabas na ang resulta ng mga scientist, saka pa lamang natin iyon pwedeng ikuwento sa mga estudyante natin.
Male Teacher 3:Sabagay, tama ang sinasabi ninyong dalawa. Kailangan nga ay sigurado tayo sa mga ituturo natin sa mga bata para hindi sila maligaw.
Female Teacher 3:Lalo pa ngayon na madaling kumalat ang mga tinatawag na fake news. Maraming tao, lalo na ang mga bata na madaling mapaniwala sa mga naririnig at nababasa nila.
(Hindi naglaon ay tumunog ang bell.)
Liezel:Okay mga Maam at Sir, nagbell na. Magkita na lang ulit tayo mamaya bago mag-uwian.
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasy50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...