EPISODE 33

13 0 0
                                        

(Sa Daigdig ng Hades, pinanood nina Jezebel ang pakikipaglaban na ginawa ni Robot Lamian at ang pagkakapatay kay Liezel at Eddie. Tuwang tuwa si Jezebel sa kanyang nakita.)

Jezebel:Hindi ko akalaing mapapasaya ako nang husto sa loob ng mahabang panahon. Ang pagkatalo ng Prinsesa at Prinsipe ng Menonia ay binigyan ako ng kasiyahan, higit pa sa pagkatalo at pagkawasak ng Kabihasnan ng Menonia.

Michal:Ikinararangal po namin ang pagbibigay sa inyo ng kasiyahan. Hangad po namin ang inyong ikaliligaya.

Ragnar:Ginawa po namin ang lahat ng aming makakaya upang mabuo ang halimaw na si Robot Lamian.

Betzer:At ngayon po, tuluyan nang napatay ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia. Dito na po magsisimula ang ating pamamayani sa Daigdig ng mga tao.

Jezebel:Dahil sa pagtatagumpay ninyo laban sa Prinsesa at Prinsipe ng Menonia, ligtas na rin ang inyong mga buhay.

Betzer, Ragnar and Michal:Marami pong salamat Kamahalan!

Jezebel:Wala na ring hadlang sa ating pananakop sa Daigdig. Umpisahan na ang malawakang pangwawasak at pagpaslang!

Betzer, Ragnar and Michal:Opo!

Narrator:Pagiisa at Pagkagising. (Ikalawang Bahagi.)

(Pagkatapos non ay binalikan nina Betzer, Ragnar at Michal ang bihag nila na si Angelica at Bernard na nakatali at nabubusalan ang bibig.)

Angelica and Bernard:Mmmmmppppphhhhh! Mmmmmppppphhhhh! Mmmmmppppphhhhh!

Betzer:Natalo na namin at napatay ang Prinsipe at Prinsesa ng Menonia. Wala na silang dalawa ngayon.

Ragnar:Pakakawalan na namin kayo ngayon at hahayaan na maminsala sa mga tao kung gusto ninyo.

Michal:Wala na rin naman kayo magagawa na sapagkat patay na rin ang itinuturing ninyong mortal na kalaban.

(Nagtawanan ang tatlo. Pagkatapos non ay itineleport pabalik sa mundo ng mga tao sina Angelica at Bernard subalit hindi na sila nakatali sa pagkakataong iyon.)

Angelica:Nakakadismaya! Hindi sa atin napunta ang karangalan na mapatay ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia. Wala na rin tayong pagkakataong makakuha ng gantimpala kay Reyna Jezebel.

Bernard:Kung hindi lamang sana tayo natalo ni Robot Lamian, hindi sana tayo mabibihag at maigagapos ng tatlong iyon. Sa ngayon, ano na ang gagawin natin?

Angelica:Hindi ko pa alam. Subalit paano kaya kung hindi pa tuluyang patay ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia? Paano kung sila ay buhay pa?

Bernard:Ano ang ibig mong sabihin Angelica?

Angelica:Hindi ko alam, subalit nararamdaman ko pa rin ang kanilang kaluluwa. Kapag patay na ang isang Menonian, alam nating wala nang natitira pang kaluluwa sa kanila at tuluyan na iyong nagtutungo sa kabilang buhay. Subalit nararamdaman ko pa rin ang kanilang kaluluwa ngunit hindi ko lamang alam kung nasaan.

Bernard:Ang ibig mo ba'ng sabihin ay maaari pa silang mabuhay at magbalik?

Angelica:Hindi ko alam. Subalit hindi ba magandang balita kung magbabalik nga silang dalawa? Maibabalik sa atin ang pagkakataong inagaw sa atin nina Betzer, Ragnar at Michal.

Bernard:Sana nga lang ay tama ang iyong pakiramdam Angelica. Tayo nga ang dapat makapatay sa kanila at hindi ang iba.

(Samantala, patuloy na binabantayan nina Aine, Peachy at Paco ang bangkay nina Liezel at Eddie na nakahimlay sa isang chamber sa loob ng Space Monarch.)

ELEMENTAL PRINCESS ROVINAMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon