EPISODE 19

5 0 0
                                    


(Sa isang hotel resort, nagtungo ang magkasintahan na si Angelica at si Bernard. Nakasuot ng swimming trunks si Bernard samantalang nakasuot naman ng bikini si Angelica. Hindi naglaon, pinag-usapan ng dalawa ang kanilang susunod na plano ng pakikipaglaban kina Rovina at Hannibal.)

Bernard:Angelica, wala na talagang tatalo sa tagalay mong ganda.

Angelica:Maraming salamat Bernard. Mas magandang harapin natin ang mga nilalang na nakikipagkumpitensya sa atin sa kagandahan at lakas.

Bernard:Ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia tama ba?

Angelica:Upang magawa natin iyan, kailangan nating magpalakas ng puwersa. Tutulungan mo ako sa bagay na iyan.

Bernard:Sabihin mo lamang kung ano ang gagawin ko at agad ko iyong isasagawa.

Angelica:Maraming salamat Bernard. Walang ideya ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia sa kung ano ang naghihintay sa kanya.

Narrator:Mga Alagad Ng Lagim

(Kaagad na isinagawa ng dalawa ang kanilang binabalak. Sa pagkakataong iyon, gumawa sila ng dalawang halimaw. Sumanib sa mga salamin ang dalawang espiritu ng mga Lamian at naging mga halimaw ang mga ito na nagngangalang Mirror Lamian. Isang babae at isang lalaking halimaw ang ginawa nina Angelica at Bernard.)

Female Mirror Lamian:Kami po ang inyong lingkod!

Male Mirror Lamian:Ano po ang inyong ipaguutos?

Angelica:Kailangan namin ng limang babae at limang lalaki bilang mga sundalo.

Bernard:Dalhin ninyo ang mga iyon sa amin at bubuo tayo ng isang hukbo na isasagupa sa ating mga kaaway.

Male Mirror Lamian:Masusunod po aming kamahalan!

Female Mirror Lamian:Maaasahan nyo po an gaming pagsunod sa inyo!

(Kaagad na lumunsad ang dalawang halimaw upang gawin ang ipinag-utos sa kanila ni Angelica at Bernard. Sa isang banda naman, habang nagbebreak sina Liezel at Eddie, nagtungo sila sa gymnasium ng The Blessed Mother Academy. Inimbitahan sila ng kanilang co-teacher na nagtuturo ng MAPEH at coach din ng Rhythmic Gymnastics Team ng nasabing paaralan. Doon ay pinanood nila ang mga kasapi ng team na nagsasagawa ng ribbon exercise. Ang mga babaeng estudyante ay nakasuot ng itim na short-sleeve leotard, putting tights at itim na flat shoes. Natuwa naman si Liezel at Eddie sa isinasagawang practice ng mga dalagita.)

Liezel:Wow Maam! Ang galing naman ng ipinapakita ng iyong team!

Eddie:At mukhang buong-buo ang self confidence nila.

MAPEH Teacher:Thank you Maam Liezel at Sir Eddie. Talagang ganyan ang training na binibigay ko sa kanila. Sa training pa lang, pinagsusuot ko na sila ng gymnastics attire para pagdating ng competition eh sanay na talaga sila. Malaking bagay yung buo ang kanilang self confidence sa tuwing lalaban sila ng mga competition. At bukod pa roon, lagi ko ring sinisiguro na physically fit ang aking team.

Liezel:Hindi na nga kataka-taka na maganda ang nagiging achievement ng gymnastics team ng school natin.

Eddie:Ngayon ko lang nakita ang performance ng gymnastics team ng ating school. Gusto ko'ng makilala ang iyong team kung papayag ka Maam.

MAPEH Teacher:Oh sige Sir Eddie. Tutal bago ka pa naman dito sa ating school, mabuti siguro na makilala mo din sila.

(Pagkatapos ng performance ng gymnastics team, pinuntahan sila nina Liezel at Eddie kasama ng MAPEH Teacher.)

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon