(Sa isang football/soccer field, abala ang isang team para sa kanilang training. Tumagal ng ilang oras ang kanilang pagsasanay. Makalipas ang ilang oras ng kanilang pagsasanay, nagpahinga muna sila. Sa pagkakataong iyon, pinapanood pala sila mula sa malayo ni Ragnar at ng kanyang alalay na si Brutus.)
Ragnar:Isang magandang ideya ang ibinigay sa akin ng mga manlalarong iyan. Isang magandang pamamaraan upang aking magapi ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia!
Brutus:Panginoon, ano po ang ibig ninyong sabihin?
Ragnar:Makikita mo rin Brutus. At kapag isinagawa ko na ang aking binabalak, magandang resulta lamang ang ating maaasahan tungkol dito.
Narrator:Palakasan At Kapahamakan.
(Sa may Blessed Mother Academy naman. Habang nagchecheck ng mga assignments sina Eddie at Liezel, nanonood sila mula sa faculty room ng practice ng football ng mga mag-aaral.)
Eddie:Mukhang seryoso si Sir Jaro sa pagtetraining sa kanyang mga players natin ah.
Liezel:Malapit na kasi ang Inter-school Football Tournament kaya ganyan na lamang sila kaseryoso sa training.
Eddie:Oo nga pala.Wala ka ba'ng naaalala kapag pinapanood mo sila?
Liezel:Wala naman. Ikaw ba, may naaalala?
Eddie:Naaalala ko lang bigla yung mga ensayo natin na magkasama tayong dalawa.
Liezel:Uy, wag nating pag-usapan yan dito.
Eddie:Bakit naman? Wala namang masamang pag-usapan natin yan.
Liezel:Hindi naman sa masama. Kaya lang, papaano kung mabisto nila tayo? Ikaw bilang si Hannibal at ako bilang si Rovina.
Eddie:Sabagay tama ka. Lalo na kapag yung alam nilang prim and proper na teacher sa English ng The Blessed Mother Academy, ay siya palang maganda at sexy na super heroine.
Liezel:Ikaw ha? Sobra-sobra ka nang mambola! Tama na nga yan at baka mabisto nila tayo.
Eddie:Oh sige, hindi na kita kukulitin ha ha ha!
Liezel:Pero seryoso, nakakatuwang panoorin ang mga bata na nagsasanay para mas lalong gumaling.
Eddie:Totoo yun. Kapag talaga may talent, dapat eh lalong hinahasa. Parang tayong dalawa he he he.
Liezel:Ikaw ha? Hindi mo talaga matiis na hindi mag-usap tungkol sa mga ginagawa natin ha? Ang mabuti pa, tapusin na nga natin ang pagchecheck ng mga assignments ng mga estudyante natin.
Eddie:Mabuti pa nga.
(Ipinagpatuloy ng dalawa ang pagchecheck ng mga assignment ng kanilang mga mag-aaral. Sa isang
banda naman, sa paaralan na makakaharap ng The Blessed Mother Academy para sa Interschool Football Tournament, nagtungo ang bagong halimaw ni Ragnar na nagngangalang Football Lamian. Nagpanggap ang nasabing halimaw bilang isang ordinaryong bola ng football o soccer. Nadampot siya ng isa sa mga mag-aaral na atleta. Di naglaon ay nahipnotismo ang nasabing bata ni Football Lamian. Pagkatapos non ay inutusan naman ni Football Lamian ang nasabing estudyante.)
Football Lamian:Dalhin mo ako ngayon din sa iyong mga kapwa mag-aaral.
Male Student:Masusunod Amo.
(Ganoon nga ang ginawa ng nasabing mag-aaral. Dinala niya sa kanilang locker room si Foot Ball Lamian. Hindi nagtagal, nawala ang control sa kanya ng halimaw. Nagtaka na lamang siya kung ano ang ginagawa niya doon. Samantala kinagabihan pagkatapos ng kanilang mga klase, si Liezel at Eddie ay nasa kanilang base at naghihintay ng kanilang hapunan. Hindi naglaon, dumating si Paco at Peachy na dala ang kanilang mga pagkain. Si Paco ay nag-anyong butler at si Peachy ay nag-anyong French maid.)
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasy50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...