EPISODE 22

7 0 0
                                    

(Sa isang tambakan ng basura, nagtungo si Betzer at ang kanyang alagad na si Falco at isang Lamian Bionoid habang pinagmamasdan ang nasabing lugar.)

Falco:Panginoong Betzer, ano po ang ginagawa natin dito sa tambakan ng basura?

Lamian Bionoid:Kasama po ba ito sa inyong bagong balak?

Betzer:Naririto tayo sapagkat ang napakaraming kalat na ito ay ang magsisilbing susi ng ating tagumpay. Ang mga kasumpa-sumpang mga tao ay mahilig magtapon ng mga bagay na hindi nila pinapakinabangan at sinisira ang kanilang sariling kapaligiran. Ngayon, matitikman ng tao kung papaano sila mapuksa ng mga sarili nilang kalat. Ha ha ha ha!

Narrator:Ang Pinuno Ng Tambakan.

(Sa Space Monarch, si Liezel ay nasa kanyang silid kasama ang kanyang alalay na si Peachy. Naisipan ni Liezel na isuot isa-isa ang kanyang mga pinamiling bathing suit at kinukunan naman siya ni Peachy ng larawan.)

Liezel:Patingin nga Peachy ng mga kuha mo.

Peachy:Eto po, Prinsesa.

(Ipinakita ni Peachy ang mga larawan na kuha niya kay Liezel. Tuwang tuwa naman ang dalaga sa mga larawan na kinuha sa kanya.)

Liezel:Wow! Ang ganda naman ng mga kuha mo Peachy!

Peachy:Maganda at sexy naman po kasi kayo Prinsesa.

Liezel:Salamat sa papuri mo Peachy.

Peachy:Walang anuman po iyon Prinsesa!

(Hindi naglaon ay nagpakita sa kanilang dalawa si Aine. Nagulat si Liezel nang makita ang ina.)

Liezel:Ina! Nandiyan po pala kayo.

Aine:Mukhang nagkakatuwaan kayong dalawa diyan ni Peachy ah. Ano pala ang ginagawa ninyong dalawa at ganyan ang suot mo?

Liezel:Kumukuha lang po ako ng larawan suot itong mga bathing suit na binili ko. Pasensya na po kayo Ina.

(Napangiti si Aine at hinawakan sa balikat ang anak.)

Aine:Ano ka ba Anak? Bakit naman ako magagalit sa ginagawa mo? Maganda ang pangangatawan mo kaya wala kang dapat ikahiya. Bagay na bagay sa iyo ang mga ganyang kasuotan.

Liezel:Talaga po Ina? Bagay po sa akin itong mga bathing suit na sinusuot ko?

Aine:Oo naman Anak. Anak kita at wala nang mas maganda pa sa paningin ko kundi ikaw. 

Liezel:Sa totoo lamang po, hindi ako sanay magsuot ng mga ganitong kasuotan dati. Pero simula po nung ako ay maging si Rovina at nang makilala ko si Eddie, lalo po akong nagkaroon ng tiwala sa aking sarili. At dahil po diyan, hindi na po ako nahihiyang magsuot ng mga damit na sexy tulad nitong bathing suit.

Aine:Natutuwa naman ako at nakatulong sa iyo ang pakikipag-alyansa kay Prinsipe Hannibal. At lalo ako'ng natutuwa na makitang may nagbago sa iyo tungo sa mas maganda. 

(Nagyakap ang mag-ina pagkatapos. Subalit may bigla siyang naalala.)

Liezel:Ay oo nga po pala, may mahalagang lakad po pala kami ngayon ni Eddie, may dadaluhan po kami na seminar.

Aine:Sige Anak, magpalit ka na ng damit mo. Hindi ka pwedeng lumakad na ganyan ang suot mo.

Liezel:Opo Ina.

(Dali-daling hinubad ni Liezel ang kanyang suot na bathing suit at nagpalit ng ibang damit. Sa isang banda naman, naghihintay naman si Eddie kay Liezel.)

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon