(Matapos ang malagim na pagpaslang sa mga kinikilalang magulang ni Liezel, nailibing din sila. Hindi mapigilan ni Liezel ang sobrang dalamhati sa pagkamatay ng mga magulang. Patuloy siyang nagluksa sa pagkawala nila. Napansin ng mga kapwa niya guro ang tindi ng kalungkutan niya.)
Female Teacher:Talagang mahal na mahal ni Miss Ocampo ang mga magulang niya.
Male Teacher:Sana lamang ay makayanan niya ito.
Narrator:Ang Pagtanggap Sa Tungkuling Itinadhana.
(Makalipas ang isang linggo, naghanda si Liezel upang maglipat ng matitirahan. Nagpasya siyang ipagbili ang dati nilang bahay at humanap ng isang mas maliit na bahay na matitirahan upang mabawasan ang nararamdaman na lungkot. Matapos makabili ng isang mas maliit na bahay sa isang subdivision, nanirahan siya dito kasama ang mga bagong gamit. Subalit kahit naglipat siya ng tirahan, bitbit pa rin niya ang mga photo albums nila ng kanyang pamilya. Hindi pa rin niya mapigilan na umiyak sa gabi sa tuwing umuuwi siya galing sa trabaho dahil wala na siyang pamilya na uuwian. Isang gabi, umilaw ang Elemental Brace na naiwan sa dati nilang bahay at nagtungo ito sa bagong bahay ni Liezel. Kumabit ito sa kanyang braso.)
Liezel:Teka ano ito? Bakit ito kumabit sa akin?
(Pinilit ni Liezel na alisin ang Elemental Brace subalit bigo siya. Walang anu-ano ay nagpakita sa kanya ang espiritu ng tunay niyang ina na si Aine.)
Aine:Sa wakas, nagtagpo na rin tayo mahal ko'ng anak.
Liezel:Sino po kayo? At bakit po ninyo ako tinatawag na anak? Alam ko po na ampon lamang ako nina Mommy at Daddy pero hindi ko po maintindihan kung bakit ninyo ako tinatawag na anak.
Aine:Ako nga pala si Aine. Ako ang huling reyna ng Menonia. At ikaw ang kaisa-isa ko'ng anak. Ikaw ang mahal ko'ng Prinsesa Rovina.
Liezel:Papaano po ako naging prinsesa? Isa lamang po ako'ng guro ng Ingles.
Aine:Hayaan mo'ng ipaliwanag ko sa iyo ang lahat aking mahal na anak. 50,000 taon na ang nakalipas, isang maunlad na sibilisasyon sa Daigdig ang nabuo. At iyon ang Sibilisasyon Ng Menonia. Namumuhay ng mapayapa ang ating kaharian nang dumating ang mga Lamians.
Liezel:Lamians? Sino po sila?
Aine:Sila ay mga masasamang espiritu mula sa daigdig ng Hades. Nakakagawa lamang sila ng mga pisikal na katawan sa pagsanib sa mga walang buhay na bagay. At kapag nagkaroon ng permanenteng kadiliman, nagkakaroon sila ng katawan na hindi namamatay.
Liezel:Ano po ang nangyari sa inyong kaharian?
Aine:Nagkaroon ng isang malawak na kadiliman sa Daigdig dahil sa masamang kapangyarihan ng reyna ng mga Lamian na si Jezebel. Marami sa ating mga kalahi ang pinatay ng mga Lamian. Kahit na nasa mahirap na sitwasyon kami, pinilit namin na makipaglaban. Ginamit namin ang aming nalalabing lakas upang ikulong sa Hades ang mga Lamians. Subalit bago kami makipaglaban, sinigurado ko ang iyong kaligtasan. Inilagay kita sa isang pod kasama ang Elemental Brace. Napigilan ng pod ang iyong pagtanda at iyon ang dahilan kaya ka natagpuan bilang sanggol ng iyong kinikilalang magulang. At ngayong nagbabalik ang mga Lamians, kakailanganin ng mga tao ang tulong mo bilang si Rovina, Ang Prinsesa Ng Mga Elemento.
Liezel:Patawarin nyo po ako pero hindi ko po magagawa ang inyong sinasabi.
Aine:Anak ko, bakit mo iyan nasabi? Ikaw lamang ang pupuwedeng makipaglaban sa mga Lamians.
Liezel(nagsimulang lumuha ang mga mata):Hindi po ako karapat-dapat sa tungkuling iyan! Wala po akong nagawa upang iligtas si Mommy at Daddy. Kung wala po ako'ng kakayahan na iligtas ang mga mahal ko sa buhay, papaano ko po maililigtas ang mga tao?
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasy50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...