EPISODE 36

3 0 0
                                    

(Sa Space Monarch, si Liezel non ay masayang nanonood ng performance ng isang Japanese Idol Group. Si Eddie naman ng oras na iyon ay sinusubukang gumuhit ng isang character sa isang Japanese anime.)

Liezel:Uy Eddie, samahan mo naman akong manood dito ng video ng paborito ko'ng idol group!

Eddie:May ginagawa ako dito Prinsesa. Pero kapag natapos ko ito, matutuwa ka panigurado.

Liezel:Sige. Pero dapat maganda yang gagawin mo ha?

Eddie:Wag kang mag-alala Prinsesa. Matutuwa ka dito sa aking ginagawa. Sigurado iyan.

(At ipinagpatuloy ng dalawa ang anumang mga ginagawa nila.)

Narrator:Labanan sa Bansang Banyaga.

(Sa isang banda, si Michal ay nagiisip muli ng bagong pamamaraan upang matalo sina Rovina at Hannibal.)

Michal:Kailangang matalo ko ang Prinsesa at Prinsipe ng mga Elemento. Subalit kinakailangan ko ng mahusay na kagamitan para sa aking halimaw. Subalit saan ako makakahanap?

(Hindi naglaon, dumating ang alagad ni Michal na si Panthera.)

Panthera:Kamahalan, narito po ako upang kayo ay tulungan.

Michal:Tungkol ba iyan sa pinapahanap kong kagamitan para sa bago kong halimaw?

Panthera:Opo. Subalit ang kagamitan na akma para sa inyong halimaw ay hindi po matatagpuan sa bansang kinaroroonan ng Prinsesa at Prinsipe ng Menonia.

Michal:At saan mo naman nakita ang sinasabi mo'ng akmang kagamitan?

Panthera:Matatagpuan po nating ang akmang kagamitan sa Bansang Hapon.

Michal:Sige, pupuntahan natin ang lugar na iyan. Kailangan kong makuha ang akmang kagamitan na sinasabi mo.

Panthera:Masusunod po Kamahalan.

(Pagkatapos noon ay naglaho ang dalawa. Agad silang nagtungo sa Bansang Hapon kung saan mahahanap ang sinasabing akmang kagamitan ni Panthera. Nakarating silang dalawa sa isang museo kung saan nakalagak ang maraming mga sinaunang kagamitan ng mga Hapones. Tuwang tuwa si Michal sa kanyang nakita. Hindi naglaon, nakakita siya ng isang artifact ng isang shuriken, isa sa mga sandatang ginagamit ng mga nija o shinobi.)

Michal:Ito nga! Ito'ng armas na ito ang siyang magiging batayan sa aking bagong halimaw.

Panthera:Ang sandata pong iyan ay tinatawag na shuriken. Isa poi yang armas na binabato at ang gumagamit po ng sandatang iyan ay mga mandirigmang tinatawag na ninja o shinobi.

Michal:Mga ninja. Ang mga maalamat na mga mandirigma ng bansang ito na nakilala sa kanilang pambihirang kakayahan sa pakikipaglaban. Nang dahil sa kakayahang iyon, naging tanyag sila sa iba pang bahagi ng Daigdig.

Panthera:Tama po kayo Kamahalan. May kinalaman po ba iyan sa gagawin ninyong halimaw?

Michal:Malaki ang kaugnayan ng mga mandirigmang iyan sa aking magiging halimaw. At bilang kagandahang loob sa lahi na nag-imbento ng ganitong armas, sila ang unang makakatikim ng kakayahan ng aking bagong halimaw. Ha ha ha ha!

(Sa isang banda, natapos na si Liezel sa pinapanood niyang video ng mga Japanese Idol. Si Eddie naman ay natapos na rin sa iginuguhit niya.)

Liezel:Andaya mo Eddie! Hindi mo ako sinamahan na manood kanina.

Eddie:Siyempre, extra special itong ginagawa ko para sa iyo kaya di ako pwedeng madistract.

Liezel:Sige nga patingin nga niyang ginawa mong extra special?

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon