EPISODE 38

3 0 0
                                    


(Sa isang malawak na rock quarry, si Leizel at Eddie ay nagsasanay ng pagpapaandar ng sasakyan. Sakay ng kanilang Speed Princess at Speed Prince, nagsanay sila hindi lamang sa pagmamaneho nang mabilis kundi pati na rin sa paggamit ng mga armas ng kanilang mga sasakyan. Makalipas ang ilang oras ng pagsasanay, nagpahinga ang dalawa.)

Eddie:Nakakatuwa naman. Lalo kang humuhusay sa pagpapaandar ng sasakyan mo Prinsesa.

Liezel:Salamat Eddie. Hindi ko naman iyon magagawa kung hindi rin dahil sa iyong tulong.

Eddie:Ngayong natapos na ang nakatakdang oras ng pagsasanay natin, dapat na tayong bumalik sa Space Monarch.

Liezel:Mabuti pa nga Eddie at nang makapagpahinga na rin tayong dalawa.

(Pagkatapos non ay sumakay ang dalawa sa kanilang sasakyan at nagmaneho pabalik sa Space Monarch.)

Narrator:Matibay at Masamang Dipensa.

(Samantala sa Palasyo ni Jezebel sa Daigdig ng Hades, nagiisip ng plano si Betzer kung papaano matatalo si Rovina at Hannibal. Muli niyang pinanood ang mga nakaraan nilang pakikipaglaban sa dalawang mandirigma. Napaisip siyang maigi sa kanyang napanood.)

Betzer(bumubulong sa isip):Natatalo ang aming mga mandirigma sapagkat patuloy na nasasaktan ang aming mga halimaw sa atake ng Prinsesa at Prinsipe ng Menonia. Kailangan ng maging matibay at malakas ang aking halimaw.

(Hindi naglaon, dumating sa kanyang kinaroroonan ang kanyang alagad na si Falco.)

Falco:Panginoong Betzer, mayroon po ba akong maipaglilingkod sa inyo?

Betzer:Malaki ang maitutulong mo sa akin kung makakahanap ka ng paraan upang makagawa ng isang halimaw na hindi nasasaktan o tablan ng atake ng Prinsesa at Prinsipe ng Menonia. Mayroon ka bang maitutulong sa akin?

Falco:Mayroon po Panginoon. Sa pamamagitan ng isang salaysay na nakuha ko sa pagmamanman sa Prinsesa ng Menonia.

Betzer:Salaysay? Ako ba ay iyong binibiro?

Falco:Panginoon, hayaan nyo po muna akong mailahad sa inyo ang salaysay na aking binabanggit. Pagkatapos po ay saka ninyo husgahan kung makatuturan o hindi ang aking mungkahi.

Betzer:Sige. Nais kong pakinggan ang iyong salaysay.

Falco:Sa isa pong klase kung saan nagtuturo ang Prinsesa ng Menonia, kanyang isinalaysay ang tungkol sa mandirigmang si Achilles. Siya po ang itinuturing na pinakamalakas na mandirigma ng mga sinaunang Griyego o mga taga-Gresya. Sang-ayon po sa salaysay, ang mandirigmang si Achilles ay hindi tinatablan ng kahit anong sandata ng kanyang mga kaaway bukod pa sa pambihira niyang lakas at husay sa labanan. Sinasabi din po sa salaysay na nakuha ni Achilles ang lakas na ito mula sa tubig ng Styx River o ang ilog sa Daigdig ng Mga Patay. Nabasa ng tubig ang buong katawan ni Achilles maliban sa kanyang mga talampakan kaya bagaman siya ay napakalakas at napakatibay, mayroon din siyang kahinaan.

Betzer:Ang sinasabi mo ba ay isang mahiwagang tubig mula sa Daigdig ng Mga Patay ang nagbigay ng lakas at tibay sa katawan ni Achilles?

Falco:Opo Panginoong Betzer. Ang ibig nyo po bang sabihin ay?

Betzer:Tinatanggap ko ang iyong mungkahi. Dito sa Daigdig ng Hades ay may parehong tubig na mapagkukunan ng lakas ng mga halimaw. Iyon ay ang tinatawag na Regeneration Lake. Ang alam lang natin ay doon isinisilang ang mga bagong espiritu ng mga Lamian na nangagailangan ng bagong katawan. Wala pang sumusubok sa kakayahang iyon ng lawa. Ito kung sakali ang magbibigay daan upang tayo ay makalikha ng isang mas makapangyarihang halimaw.

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon