EPISODE 51

4 0 0
                                        

(Sa Daigdig ng Hades, si Ragnar ay inilalabas ang kanyang matinding galit sa pamamagitan ng pagwasak ng mga bato sa pamamagitan ng pagsuntok sa mga ito, paghahagis at maging sa pagtaga sa mga ito sa pamamagitan ng kanyang espada. Naguumapaw ang kanyang galit pagkatapos ng pagkamatay ni Michal sa kamay ni Rovina at Hannibal.)

Brutus:Panginoong Ragnar, ayos lamang po ba ang pakiramdam ninyo?

Ragnar:Pinatay ng Prinsesa at Prinsipe ng Menonia ang ating kasama na si Michal. Magbabayad ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia sa katampalasanan na ginawa nila. Isinusumpa ko iyan!

(Ipinagpatuloy ni Ragnar ang pangwawasak niya ng mga bato.)

Narrator:Muling Pananaig ng Kadiliman. (Ikalawang Bahagi)

(Sa isang banda naman, si Liezel ay nakaranas ng bangungot habang siya ay natutulog. Sa kanyang pagtulog, napanaginipan niya na silang dalawa ni Eddie ay tinutugis ng mga mandirigmang Lamian na nakasuot ng itim na abito at talukbong. Nang sila ay mahuli, kapwa sila iginapos sa krus at pinaikutan habang may hawak na sulo. Pagkatapos non ay may nagpakita na dalawang lalaking naka-itim na abito at nakatalukbong. Nang alisin ng dalawa ang kanilang talukbong, ang mga ito pala ay sina Ragnar at Betzer. Nagulantang sila pagkatapos ilantad ni Ragnar at Betzer ang kanilang mga sarili.)

Ragnar:Pagbabayaran ninyong dalawa ang inyong pagpatay sa aming kasama na si Michal.

Betzer:Humanda na kayong matupok sa apoy at maging mga alabok!

(Pagkatapos non ay sinilaban ng mga lalaking naka-abito ang mga panggatong na nasa paanan nina Liezel at Eddie. Nagsimulang masunog sina Liezel at Eddie. Sa sobrang takot ni Liezel ay nagising siya at napasigaw. Agad naman siyang pinuntahan ni Eddie.)

Liezel:Eddie!!

Eddie:Prinsesa? Ano'ng nangyari?

(Hindi napigilan ni Liezel ang sarili niya at yumakap siya kay Eddie na umiiyak dahil sa takot. Pinilit naman ni Eddie na pakalmahin ang kalooban ni Liezel. Pagkatapos ng ilang oras ng pag-iyak, uminom ng tubig si Liezel at saka kumalma ang kanyang kalooban.)

Liezel:Pasensya ka na kung napasigaw ako at naistorbo ang iyong pagtulog. Sobrang sama kasi ng panaginip ko kaya ako napasigaw sa takot.

Eddie:Pwede mo bang ikuwento sa akin ang napanaginipan mo?

Liezel:May mga tumugis sa atin na mga lalaking nakasuot ng abito at talkubong sa mukha. Alam mo yung tinatawag na Ku Klux Klan? Ganoon ang suot nila pero kulay itim. Tapos nahuli nila tayong dalawa. Pagkatapos nila tayong mahuli, itinali nila tayo sa krus. Nang maitali na tayo sa mga krus, nagpakita ng kanilang mga mukha ang mga namumuno sa kanila. Sina Betzer at Ragnar pala ang kanilang mga pinuno. Pagkatapos nun, sinunog nila tayo nang buhay. Nakakatakot talaga!

Eddie:Nakukuha ko na kung bakit ka nananaginip nang ganyan Prinsesa. Kakatapos lamang natin ng isang matinding laban kay Michal noong nakaraan. Hindi biro ang pinagdaanan natin sa kanya. Muntik na rin tayong matalo pagkatapos niyang gamitin ang halimaw na Lamian Serpent. Salamat na lamang sa orasyon ni Reyna Aine at Haring Leon, natalo natin yung Lamian Serpent. Kaya natural lamang na makadama ka ng takot.

Liezel:Pero mali na matakot ako sa kanila. Walang dahilan para ako ay matakot dahil hindi ako nakikipaglaban nang mag-isa. Kasama kitang nakikipaglaban sa mga Lamian at kapag nagsanib na ang ating kapangyarihan, hinding hindi tayo magagapi ng mga kalaban natin. Naririyan din ang patuloy na suporta sa atin nina Ina, Ama, Peachy, Paco, Liz at Ed. Hindi tayo nakikipaglaban nang tayong dalawa lang ang nakikipaglaban sa mga Lamian. Dala dala natin ang suporta ng mga nagmamahal at kumakampi sa atin.

ELEMENTAL PRINCESS ROVINAMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon