(Sa The Blessed Mother Academy, masayang nagdaraos ng sports fest ang buong paaralan. Isa sa nagaganap na sports event sa nasabing paaralan ang volleyball. Sa nasabing volleyball, ang ilan sa mga babaeng manlalaro ay kabilang sa advisory class ni Liezel sa Grade 10. Matapos ang matinding laban, nanalo ang mga estudyante niya. Nagpahinga ang mga estudyante at agad silang binigyan ng pagkain at maiinom ni Liezel.)
Liezel:Ang galing ng ipinakita ninyong laban kanina Guys. Good job! Kaunti na lang at magiging champion na kayo sa sports fest!
Female Student 1:Opo Maam. Gagawin po namin ang makakaya namin para manalo ng championship!
Liezel:Basta ano man ang mangyari, ang mahalaga ay ibinigay ninyo ang lahat ng inyong makakaya. Proud ako sa inyong lahat!
Female Student 2: Thank you po Maam!
Narrator:Bola Ng Kasamaan.
(Nagpatuloy ang masayang sports fest sa The Blessed Mother Academy. Habangnagsasagawa ng sport fest sa nasabing paaralan, pinapanood naman ni Michal ang nasabing kaganapan habang bumubuo ng plano upang talunin si Rovina.)
Panthera:Kamahalan, nakakairita po'ng makita ang mga pinaggagagawa ng mga kasumpa-sumpang mga tao. Lalo rin po'ng nakakairita ang ginagawa nilang paglalaro at ang kasiyahan na tinatamasa nila!
Michal:Huwag ka'ng mag-alala Panthera. Ang kasiyahan na tinatamasa ng mga taong iyan ay mapapalitan ng kalungkutan. At ang kanilang gawain ay siyang maghahatid sa kanila ng kapahamakan.
Panthera:Kamahalan, ano po ang ibig ninyong sabihin?
Michal:Darating din tayo diyan Panthera. At tinitiyak ko na matutuwa ang ating mga kasama lalo na ang ating Reyna Jezebel. Ha ha ha ha!
(Sa isang banda, nagpatuloy ang isinasagawang sport fest sa The Blessed Mother Academy. Matapos na asikasuhin ni Liezel ang mga estudyante niya na naglalaro ng volleyball, sunod naman niyang pinuntahan ang kanyang mga magaaral na naglalaro naman ng soccer. Isa sa kanyang mga lalaking estudyante ang nagkaroon ng injury sa kanyang binti at agad namanniya itong pinagtuunan ng pansin.)
Male Student 1:Maam Ocampo, kailangan po namin ng tulong.
Liezel:Bakit, ano ba ang nangyari?
Male Student 2:Isa po sa mga teammate namin ang nagkaroon ng injury. Hindi po namin alam ang gagawin namin.
Liezel:Dalhin ninyo siya dito. Bibigyan natin siya ng first aid.
(Inalalayan ng mga estudyante ang kanilang teammate na nagtamo ng injury sa paglalaro ng soccer. Matapos na madala kay Liezel, agad niyang pinatawan ng paunang lunas ang nasabing player.)
Liezel:Kamusta na ang binti mo Iho?
Male Student 3:Maam, kaya ko pa po'ng maglaro. Kailangan na po ako ng mga teammates ko.
Liezel:Mukhang masama ang injury na inabot mo. Dapat ay nagpapahinga ka.
Male Student 3:Pero papaano naman po ang mga teammates ko? Hindi ko po sila pwedeng basta na lamang iwan habang sa gitna ng game namin. Baka po matalo pa kami!
Liezel:Makinig ka sa akin. Nakita naman ng mga teammates mo kung papaano ka nagsikap para sa laro ninyo. Alam din naman nilana hindi mo ginusto na magkaroon ng injury. Kung anuman ang maging resulta ng laro ninyo, darating at darating iyon. Sapat na ang ginawa mo para sa team mo. Dapat nga maging proud ka pa kasi nagkainjury ka para sa inyong team. Tandaan mo ito. Anuman ang maging resulta ng laban ninyo, proud ako sa inyo dahil mga estudyante ko kayo.
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasy50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...