EPISODE 01

1K 9 0
                                    

Narrator:Si Rovina Ang Prinsesa Ng Mga Elemento. 50,000 taon na ang nakakalipas, sa isang kabihasnan na tinatawag na Menonia, nahaharap sa pagkawasak ang mga mamamayan nito. Ang mga masasamang espiritung tinatawag na Lamian ay nagaasam na sakupin ang buong Daigdig. Naging madilim at malamig ang Daigdig dahil sa kanila. Subalit buong tapang na nakipaglaban ang mga Menonian sa pamumuno ng kanilang reyna na si Aine.At dito magsisimula ang kuwento ng katapangan at pag-ibig.

(Nagkakaroon ng isang mahigpit na labanan sa pagitan ng mga Menonian at mga Lamian. Maraming mga Menonians ang namatay sa pakikipaglaban.)

Menonian Female Warrior 1:Reyna Aine, marami na po sa ating mga kawal ang napaslang ng mga Lamian.

Menonian Female Warrior 2:Sandali na lamang po at matatalo na tayo.

Menonian Male Warrior 1:Ano po na ang gagawin natin Kamahalan?

Aine:Manalig kayo mga magigiting ko'ng mandirigma, magwawagi tayo sa laban na ito. Hindi tayo susuko sa kanila.Lalaban tayo hanggang wakas!

Menonian Male Warrior 3:Masusunod po ang nais ninyo Kamahalan!

(Bitbit ni Aine ang kanyang babaeng sanggol na si Rovina.Inilagay niya ang kanyang anak sa isang pod na maglalagay sa sanggol sa cryogenic state upang mapigilan ang kaniyang pagtanda.Sa pod ay kasama ang isang brace.)

Aine(bumubulong sa isip):Rovina, mahal ko'ng anak, balang araw ay gagapiin mo ang mga Lamian at bubuuin ang ating sibilisasyon.

(At isinara niya ang pod.)

Menonian Male Warrior 3:Kamahalan, nakahanda na po kami.

Menonian Female Warrior 3:Handa po kaming makipaglaban kasama ninyo.

Aine:Mga mahal ko'ng kawal, tayo na!

(Agad nilang hinarap ang mga Lamian. Gamit ang nalalabi sa kanilang lakas, tinalo at ikinulong nila sa Daigdig ng Hades ang mga Lamian. Subalit sa pagkaubos ng kanilang lakas, natumba sila at pumanaw. Tuluyan na nawasak ang kabihasnan ng Menonia subalit nagbalik naman ang liwanag na gawa ng sikat ng araw.50,000 taon ang lumipas hanggang sa taong 1987, natagpuan ng isang mag-asawang archaeologist ang pod sa isang archaelogical site sa Mexico.)

Theodoro:Tingnan mo ito oh.

Clara:Ano ito? Buksan kaya natin.

(Binuksan nila ang pod at natagpuan nila ang sanggol na si Rovina at ang Elemental Brace.)

Theodoro:Tingnan mo. Isang napakagandang bata!

Clara:Oo nga. Para siyang anghel.

Theodoro:Dahil hanggang ngayon wala pa tayong anak, kukupkupin natin siya.

Clara:Magmula ngayon, magiging anak natin siya.

(Inampon ng mag-asawa ang bata at umuwi ng Pilipinas. Bininyagan ang sanggol at pinangalanang Liezel Ocampo. Makalipas ang 24 taon, lumaki ang bata bilang isang mabait at magandang babae at isa ring mahusay na guro. Nagtrabaho si Liezel sa paaralang nagngangalang The Blessed Mother Academy. Isang araw pagkagaling sa trabaho ay umuwi siya sa kanilang bahay at sinalubong ng yakap at halik ang kanyang ama at ina.)

Liezel:Nandito na po ako Mommy, Daddy!

Clara:Hindi ka pa rin nagbabago Liezel. Ang sweet mo pa rin sa amin.

Theodoro:Kahit 24 ka na, ikaw pa rin ang baby namin.

Liezel:Mommy, Daddy, kayo po ang the best parents in the world!

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon