(Sa Space Monarch, natutulog noon sina Liezel at Eddie sa kani-kanilang mga silid. Habang sila ay natutulog, nagkaroon sila ng isang kakaibang panaginip. Isang misteryosong lalaki ang nakikipag-usap sa kanila.)
Mysterious Male:Mahal kong Prinsesa, Mandirigmang Prinsipe, dumarating na ang tamang panahon.
Liezel:Ano pong tamang panahon ang sinasabi ninyo? Hindi po namin maintindihan.
Eddie:Sino po kayo? Bakit po ninyo sa amin sinasabi ang ganitong mga bagay?
Mysterious Male:Makikilala nyo rin ako pagdating ng tamang pagkakataon. Ito lamang ang dapat ninyong tandaan. Kayo ay nararapat maging isa upang maging ganap ang inyong tungkulin. Nalalapit nang dumating ang panahon na kailangan ninyong maging isa.
Liezel:Sandali lamang po.
Eddie:Ano po ang ibig ninyong sabihin?
(Pagkatapos non ay dahan-dahang naglaho ang lalaki. Nagising naman sa pagkakataong iyon si Liezel at Eddie.)
Liezel:Sino kaya ang lalaking iyon? At ano ang ibig niyang sabihin na dapat ay maging isa kami ni Eddie?
Eddie:Mayroon kaya itong kinalaman sa pagiisang dibdib namin ng Prinsesa bilang Reyna at Hari ng mga Elemento?
Narrator:Pagiisa at Pagkagising (Unang Bahagi)
(Sa Palasyo ni Jezebel sa Daigdig ng Hades, hinarap ni Jezebel ang tatlo niyang alagad na si Betzer, Ragnar at Michal. Sa tindi ng kanyang galit ay tumira siya ng malakas na kuryente sa kanilang tatlo at sa kanilang mga alalay. Nasaktan nang husto ang mga alagad ni Jezebel sa kanyang ginawa.)
Jezebel:Mga lintik kayong lahat! Mga isang tambak ng inutil at mga walang pakinabang!
Betzer:Maawa po kayo sa amin Kamahalan!
Ragnar:Patawarin po sana ninyo ang aming mga pagkakamali.
Michal:Bigyan pa po sana ninyo kami ng isa pang pagkakataon!
Jezebel:Napakaraming beses na kayong nakikipaglaban sa Prinsesa at Prinsipe ng Menonia subalit wala ni isa man sa inyo ang nagtagumpay na talunin sila. Hindi nyo ba naiisip kung gaano kalaki ang galit na nararamdaman ko ngayon? Ang Daigdig na ito ay dapat matagal nang napasailalim sa aking kapangyarihan. Subalit dahil sa patuloy na pakikialam ng dalawang iyon at sa inyong kapalpakan, hindi ko nakakamit ang aking ninanais. Dahil diyan, matitikman ninyo ang aking poot!
Michal:Nakikiusap po kami sa inyo Kamahalan! Bigyan nyo pa po kami ng pagkakataon.
Ragnar:Ipinapangako po namin sa inyo ang tagumpay sa pagkakataong ito.
Betzer:Ang Prinsipe at Prinsesa ng Menonia ay magagapi po namin. At ang Mundo ng mga tao ay inyo pong masasakop.
(Nagpatuloy pa ang usapan nang bigla namang nagpakita sina Beyrah, Gridon at kanilang mga tauhan.)
Beyrah:Nakakatuwa namang makita. Ang mga pinuno ng hukbo ng dakilang Reyna Jezebel ay napaparusahan.
Gridon:Bilang na pala ang inyong oras. Kapag kayo ay nabigo, siguradong katapusan na ninyong lahat.
Michal:Mga pakialamero! Bakit kayo naririto sa palasyong ito?
Ragnar:Wala kayong karapatan na pumasok dito nang walang pasabi!
Betzer:Kayo ay mga salimpusa lamang sa usapin ng pakikipaglaban sa Prinsesa at Prinsipe ng Menonia!
Jezebel:Tama na iyan! Kayong dalawa, ano ang sadya ninyo sa aking palasyo?
![](https://img.wattpad.com/cover/15887162-288-k194932.jpg)
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasía50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...