(Sa training room sa loob ng Space Monarch, sina Liezel at Eddie ay sumasailalim sa isang pagsasanay sa paggamit ng espada. Una munang nagpakilos ng mga lumilipad na mga robotic disc sina Peachy at Paco patungo kina Liezel at Eddie. Nang makita nina Liezel at Eddie ang paglipad ng mga robotic disc patungo sa kanila ay kanilang pinagtataga gamit ang kanilang mga laser blade. Nagawa nina Liezel at Eddie na tagain ang lahat ng mga robotic disc na lumipad patungo sa kanila.)
Peachy:100% % ang hit and miss ratio ninyong dalawa Prinsesa Liezel at Prinsipe Eddie.
Paco:Ngayon naman po, maghanda na po kayo para sa simulated sword fighting.
Liezel:Sige, nakahanda na kami para diyan.
Eddie:Umpisahan na natin ang pagsasanay.
(Pagkatapos non ay nagpakita ang dalawang holographic projection ng mga mandirigmang may hawak na mga espada. Hindi naglaon ay nagsimula ang simulated sword fight nina Liezel at Eddie sa mga holographic projection. Sineryoso ng dalawa ang pakikipaglaban na ginawa nila laban sa mga holographic projection. Hindi naglaon ay nagawa din nilang matalo ang mga simulated projection na nakalaban nila. Hindi naglaon ay natapos din ang pagsanay ng dalawa.)
Liezel:Hay salamat, natapos din! Hindi rin biro ang naging training natin ano?
Eddie:Tama ka. Pero sa totoo lang, maganda ang pinakita mo sa training natin. Ang galing mo nga eh.
Liezel:Thank you Eddie! Kaya Ganado ako sa training natin eh dahil lagi mo akong binibigyan ng motivation at encouragement.
Eddie:Walang anuman iyon Prinsesa. Gusto ko lang, masaya ka palagi.
(Pagkatapos non ay masayang nagyakap ang dalawa.)
Narrator:Talim ng Kadiliman.
(Sa Daigdig ng Hades, si Betzer ay naghanda para sa kanyang pakikipaglaban kina Rovina at Hannibal. Sa pagkakataong iyon, nagkatipon sa harap niya ang 10 mga Lamian Bionoid.)
Betzer:Makinig kayong lahat! Muli tayong makikipagsagupaan sa Prinsesa at Prinsipe ng Menonia. Naghahangad ang Kamahalang Jezebel na tuluyan nang maihatid sa kanilang mga libingan ang ating mga isinumpang mga kaaway. Matagal na rin tayong hinahadlangan ng dalawang iyan sa ating hangarin na puksain ang lahat ng mga nilalang sa Daigdig ng mga Buhay. Hindi na dapat mahadlangan ang minimithi ng ating mahal na reyna. Kinakailangan na mailigpit natin ang ating mga isinumpang mga kaaway. Kaya ibinibigay ko sa inyo ngayon ang isang napakapambihira at napakagandang pagkakataon. Ang isa sa inyo ang mabibigyan ng karangalan upang maging isang Lamian Synchroid na lalaban sa Prinsesa at Prinsipe ng Menonia. At ang isang mandirigmang iyon ay pipiliin sa pamamagitan ng isang paglalaban hanggang sa kamatayan. Uulitin ko, ang magwawagi sa labanang ito ang siyang mabibigyan ng pagkakataon upang makipaglaban sa mga kasumpa-sumpa nating mga kaaway at maghatid ng kanilang mga ulo sa ating Kamahalang Jezebel. Umpisahan na ninyo ang matinding paglalaban. Matira ang matibay!
(Pagkatapos non ay naglaban ang mga Lamian Bionoid. Naging matindi ang pagpapalitan ng mga ito ng kanilang mga sandata at mga pisikal na atake sa isa't isa. Buong atensyon naman ang ibinigay ni Betzer sa nagaganap na paglalaban.)
Falco:Panginoong Betzer, bakit nyo po naisip na paglabanin ang mga Lamian Bionoid?
Betzer:Gusto kong mapili mula sa mga Lamian Bionoid ang karapat-dapat na maging halimaw na isasagupa sa Prinsesa at Prinsipe ng Menonia. At ang tanging paraan upang iyon ay magawa ay ang isailalim ang mga Lamian Bionoid sa isang matinding pagsasagupa.
Falco:Subalit sasang-ayon po kaya ang Kamahalang Jezebel sa inyong ginagawang paglalaban ng ating mga Lamian Bionoid?
Betzer:Natitiyak kong ang Kamahalang Jezebel ay sasang-ayon sa pagpapadanak ng dugo ng mga Lamian Bionoid. Gugustuhin niyang makita na ang pinakamalakas na mandirigma ay mapipili. Kaya walang problema sa ginagawa nating ito sa ating mga alagad.
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasy50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...
