(Sa The Blessed Mother Academy, abala ang baseball team sa kanilang pagsasanay. Nagsasanay sila sa mga mahahalagang kasanayan sa paglalaro ng baseball gaya ng pagbato, pagsalo at pagbabato ng bola.Isinasagawa nila ang pagsasanay sapagkat makikilahok ang nasabing paaralan sa gaganaping Inter-school Baseball Tournament. Puspusan ang kanilang isinasagawang pagsasanay upang matiyak ang kanilang pagkapanalo. Pansamantalang nagpahinga ang baseball team. Ipinatawag naman sila ng kanilang coach na si Mr. Jaro.)
Mr. Jaro:Team, wag nyong kalimutan ang dahilan kung bakit tayo nageensayong maigi. Nalalapit na ang Inter-school Baseball Tournament at siguradong malalakas at magagaling ang mga team na makakalaban natin. Kailangang nasa kundisyon ang inyong mga katawan at mahasa nang husto ang inyong mga kasanayan sa paglalaro ng baseball. Nasa inyong mga kamay ang karangalan ng ating paaralan. Naniniwala sa kakayahan nating lahat si Sister Theresa at ang buong TBMA. Maasahan ko ba kayo?
All Players:Yes Coach!
Mr. Jaro:Okay Team, balik sa pageensayo.
(Pagkatapos non ay nagpatuloy ang buong team sa kanilang ensayo ng baseball.)
Narrator:Ang Misteryosong Koponan.
(Nagpapatuloy ang pageensayo ng mga manlalaro ng baseball. Naghagis ang isang pitcher ng bola at nagawa naman ng batter na ito ay matamaan. Sa lakas ng palo ay malayo ang talsik nito. Ang bola ay tumalsik patungo kay Liezel na naglalakad non patungo sa kanyang klase. Napasigaw siya nang tataamaan na sana siya ng bola ng baseball.)
Eddie:Ilag! (Napatakbo si Eddie sa kinaroroonan ni Liezel at saka tumalon at sinalo ang bola bago siya matamaan. Pagkatapos na masalo ang bola ay agad namang nilapitan ni Eddie si Liezel.) Ayos ka lamang ba?
Liezel:Ayos lang ako. Muntik lang ako na tamaan ng bola.
Eddie:Mukhang abala ngayon ang baseball team ng school sa ensayo nila ah.
Liezel:Tama ka. Mukhang seryoso sila sa kanilang training. Mabuti pa siguro ay panoorin natin sila mamaya sa kanilang training.
(Hindi naglaon ay may dumating na kasapi ng baseball team na naatasang maghanap ng bola.)
Baseball Player 1:Ay, Maam, Sir, nakita nyo po ba ang bola na ginamit namin?
(Iniabot ni Liezel ang bola na muntik nang tumama sa kanya.)
Liezel:Hijo, ito pala ang bola ninyo. Muntik na nga akong matamaan niyan eh.
Baseball Player 1:Naku pasensya na po Maam. Napalakas po yata ang pagpalo ng teammate ko.
Liezel:Okay lang iyon Hijo. Mukhang kayang kaya na ninyong maka-score ng homerun sa Interschool Baseball Tournement.
Eddie:Sige, bumalik ka na sa iyong practice. Mamaya ay papanoorin namin ang inyong training.
Baseball Player 1:Marami pong salamat, Maam at Sir.
(Pagkabigay ng bola sa manlalaro ay magalang itong umalis. Agad namang nagtungo si Liezel at Eddie sa kani-kanilang mga klase. Pagkatapos nga ng kanilang klase ay nagpunta sila sa field ng paaralan upang panoorin ang pagsasanay ng mga atleta ng paaralan para sa larong baseball. )
Mr. Jaro:Uy, Maam Ocampo at Sir Gonzales! Napasyal kayo dito?
Liezel:Wala lang. Interesado lamang kaming makita kung ano ba ang kayang gawin ng mga player natin.
Eddie:Mukha talagang seryoso ang ginagawa ninyong paghahanda para sa laro na sasalihan ng paaralan natin.
Mr. Jaro:Siyempre naman Maam at Sir. Malaki ang tiwala sa amin ni Sister Theresa kaya nakahanda kaming makipaglaro sa abot ng aming makakaya.
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasy50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...