EPISODE 27

7 0 0
                                    


(Sa Space Monarch, kaasalukuyan noong natutulog sina Liezel at Eddie sa kani-kanilang mga silid. Habang natutulog si Liezel, nagkaroon siya ng panaginip. Napanaginipan niya na siya ay nasa isang lumang warehouse, nakatali sa isang poste at may busal na tape sa bibig.)

Liezel:Mmmmmppppphhhhh!!! Mmmmmppppphhhhh!!! Mmmmmppppphhhhh!!!

(Nagpatuloy sa pagpupumiglas sa pagkakatali si Liezel sa kanyang panaginip. Hindi naglaon, dumating sa panaginip niya si Eddie.)

Eddie:Prinsesa!!

Liezel:Mmmmmppppphhhhh!!! Mmmmmppppphhhhh!!! Mmmmmppppphhhhh!!!

(Sinugod si Eddie ng mga kidnapper at nakipaglaban sa kanya. Hindi naglaon ay natalo niya ang mga ito. Biglang dumating ang boss ng mga kidnapper at nilabanan si Eddie. Naging matindi ang laban nila subalit nanaig si Eddie sa huli. Hindi naglaon, dumating ang mga pulis at inaresto ang mga kidnapper. Si Liezel naman ay kinalagan ni Eddie sa pagkakatali. Pagkatapos na makalagan sa pagkakatali ay niyakap ni Liezel si Eddie.)

Eddie:Ligtas ka na ngayon Prinsesa.

Liezel:Salamat ulit Eddie. Lagi kang nandiyan para tulungan ako.

Eddie:Mabuti pa ay umalis na tayo. Siguradong nagaalala na ang Kamahalan.

(Umalis nang magkasama ang dalawa. Samantala, nagising si Liezel sa kanyang pagkakatulog na nakangiti at bahagyang kinikilig.)

Liezel(bumubulong sa isip):Hindi ko akalaing makakapanaginip ako nang ganun. Talaga sigurong gagawin ni Eddie ang makakaya niya para iligtas ako at tulungan sa lahat ng pagkakataon. Nakakatuwa naman!

(Pagkatapos non ay masayang bumangon si Liezel at naghanda para sa pagpasok sa paaralan.)

Narrator:Isang Lumalalim Na Ugnayan.

(Pagkatapos na makapaghilamos, makapagligo at makapagbihis, si Liezel ay nagtungo sa silid kainan ng Space Monarch. Doon ay naghihintay si Eddie.)

Eddie:Magandang umaga Prinsesa.

Liezel:Magandang umaga din Eddie.

Eddie:Mukhang maganda yata ang timpla ng araw mo ngayon ah?

Liezel:Lagi namang maganda ang timpla ng araw ko Eddie. Siyempre maliban na lang kung gumagawa ng kasamaan ang mga Lamian.

Eddie:Sabagay may punto ka. Kaya lang, iba talaga ang ngiti mo ngayon eh. Parang may magandang nangyari sa iyo ngayon para ngumiti nang ganyan. Ano ba iyon Prinsesa?

(Medyo nahiya si Liezel sa tanong ni Eddie.)

Liezel:Wala yun Eddie. Positive lang talaga ang mood ko ngayon!

(Hindi naglaon ay dumating si Peachy at Paco. Nag-anyong tao ang dalawa at dala-dala ang pagkain para kay Liezel at Eddie.)

Paco:Magandang araw po Prinsesa at Prinsipe!

Peachy:Narito na po ang almusal ninyo.

Eddie:Uy, tamang-tama ang dating ninyo.

Liezel:Thank you sa inyo, Peachy at Paco.

(Pagkatapos na maihain ang almusal ay masayang nagsalo ang dalawa. Pagkatapos na kumain ay naghanda na sa pag-alis ang dalawa. Sumakay si Liezel sa Speed Princess at si Eddie sa Speed Prince. Nagbalat kayo muna ang mga ito bilang mga karaniwang sasakyan at saka umandar papalayo sa Space Monarch. Habang nagmamaneho ang dalawa, nag-usap ang dalawa sa pamamagitan ng communicator na nakakabit sa kanilang sasakyan.)

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon