(Sa The Blessed Mother Academy, isang grupo ng mga lalaking estudyante ang nagbabasa na ng isang magazine na may kinalaman sa mga iba't ibang sasakyan.)
Male Student 1:Ang ganda naman ng kotseng ayan!
Male Student 2:Oo nga. Para tuloy gusto kong magkaroon ng ganyan.
Male Student 3:Siguro mahal ang kotseng ganyan ano?
Male Student 4:Oo pero kapag nagkaroon tayo niyan, sigurado sikat tayo dito sa campus!
(Nagpatuloy pa sa paguusap ang magkakaibigan nang napadaan sa kanilang pinupuwestuhan si Liezel.)
Liezel:Good morning boys.
Students:Good morning po Maam!
Liezel:Hmmmph, ano pala iyang binabasa niyo diyan?
Male Student 1:Ah eto po Maam.
Male Student 2:Magazine po ng mga kotse.
Liezel:Sige ipagpatuloy niyo lang iyan. Hihintayin ko kayo mamaya sa klase ha? Bye.
Male Student 3:Bye po Maam!
Male Student 4: Sige po Maam!
(Nagtungo si Liezel sa kanyang susunod na klase.)
Narrator:Mga Bagong Kapangyarihan:Ang Lakas Ng Lupa At Kidlat.
(Sa Mundo Ng Hades, naghahanda na naman si Betzer para sa susunod niyang plano ng pagsalakay sa Daigdig.)
Falco:Panginoong Betzer, ang Kamahalan po ay nais na malaman ang inyong susunod na balak.
Betzer:Gusto na pala ni Reyna Jezebel na ako ay kumilos. Pakisabi sa kanya na nakahanda na ang aking susunod na balak. At pakisabi sa kanya na masasaksihan niya sa lalong madaling panahon ang pagkatalo ng Prinsesa Ng Menonia.
Falco:Masusunod po Panginoong Betzer.
(Agad na ginawa ni Falco ang utos sa kanya ni Betzer. Samantala sa Daigdig, mayroong isang trak na nagdadala ng gasolina ang dumaan sa isang highway. Walang anu-ano ay hinarang ito ng isang pangkat ng mga Lamian Troopers na nakasakay sa mga motorsiklo. Matapos itong maharang, pinasabog nila ang nasabing sasakyan. Nagpatuloy sa paggawa ng kaguluhan ang mga Lamian Troopers na gumagamit ng motor. Napanood ni Jezebel at mga kasamahan ni Betzer ang ginagawang pamiminsala ng mga Lamian Troopers.)
Jezebel:Mukhang mganda ang ipnapamalas ng mga Lamian Troopers Betzer!
Betzer:Marami po'ng salamat Kamahalan. Naisip ko po na dagdagan ang kakayahan ng ating mga kawal. Ngayong mahuhusay na po silang gumamit ng mga motorsiklo ng mga tao, mas malawak po na kaguluhan at pagkawasak ang magagawa ng ating mga Lamian Troopers.
Michal:Napakahusay ng iyong naisip Betzer! Subalit ano ang ginawa mo upang maging mahusay sa motorsiklo ang ating mga sundalo?
Ragnar:Sumailalim ba ang mga Lamian Troopers sa isang espesyal na pagsasanay?
Betzer:Hindi sila sumailalim sa isang espesyal na pagsasanay subalit mayroon akong ginawang estratehiya upang mapalakas ang ating puwersa.
Jezebel:Sa papaanong paraan mo naman iyan ginawa Betzer?
Betzer:Maganda pong katanungan kaking Reyna. Ang akin pong halimaw ang siyang nagbigay ng kakayahan sa ating mga Lamian Troopers. Lumabas ka, Helmet Lamian!!
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasy50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...
