EPISODE 52

3 0 0
                                        

(Sa Daigdig ng Hades, abala si Betzer sa kanyang ginagawang pagpapanday ng isang baluti at mga sandatang kasama nito. Habang siya ay nagpapanday, nagbalik sa kanyang ala-ala ang kanyang mga kasama na natalo at napuksa nina Rovina at Hannibal.)

Betzer:Dalawa na sa aking mga kasama ang bumagsak sa kamay ng Prinsesa at Prinsipe ng Menonia. Pinatunayan ng dalawang iyon na sila ay karapat-dapat na mga mandirigma. Bagaman napatunayan na ng dalawang iyon ang kanilang taglay na kapangyarihan, hindi ko matatanggap na sa kanilang dalawa bumagsak ang aking maggigiting na mga kasama na si Michal at Ragnar. Hindi ako ang babagsak sa aming nalalapit na pakikipaglaban kundi silang dalawa. Ipinapangako ko iyan!

Narrator:Muling Pananaig ng Kadiliman (Ikatlong Bahagi)

(Sa isang banda naman, sina Liezel at Eddie ay nasa PTA meeting ng pagkakataong iyon. Doon ay tinatalakay ni Sister Theresa ang mga kasalukuyang issue tungkol sa mga magaaral, mga programa ng paaralan sa hinaharap at iba pang mga bagay tungkol na may kinalaman sa The Blessed Mother Academy. Sa nasabing pagpupulong, nabigyan ng pagkakataon ang mga guro na magsalita patungkol sa mga magaaral kabilang na sina Liezel at Eddie sa harap ng mga magulang na dumalo.)

Liezel:Magandang araw po sa inyo mga mahal naming mga magulang. Muli ko pong ipapakilala ang aking sarili sa inyo. Ako po si Ms. Liezel Ocampo, isa sa mga English teacher ng The Blessed Mother Academy. Bukod po sa pagiging English teacher, ako din po ang isa sa mga co-adviser ng TBM Sora, isa sa mga interest club ng ating mahal na paaralan. Ikinararangal ko po na mabigyan ng pagkakataon na makapagsalita sa harapan ninyo sapagkat ito po ang magandang pagkakataon upang matalakay sa inyong mga magulang ang mga mahahalagang bagay tungkol sa pagaaral ng inyong mga anak. Kung atin pong titingnan nang maigi, hindi naman po ganoon kahirap ang dapat gawin upang ang mga magaaral ay makapasa sa mga subjects na kanila pong pinapasukan. Ang kailangan lamang pong gawin ng mga magaaral ay ang makinig sa kanilang mga guro, makibahagi sa mga gawain sa klase, ipasa ang mga ipinapagawa ng mga guro at makitungo nang maayos sa mga guro at kanilang mga kamag-aral. Ano naman po ang dapat na gawin ng mga magulang para sa ikatututo ng mga magaaral? Iyan po ay ang pagtulong sa kanila sa mga magaaral na maunawaan ang mga mahihirap na aralin at ang patuloy na pagpapalakas ng kanilang loob upang ganahan sila na magsikap sa kanilang pagaaral. May ibabahagi po ako sa inyo tungkol sa isang activity na ginawa ko sa aking klase. Tungkol po bale ito sa mga bayani ng mga epics at mythologies. Pinasulat ko po sila ng essay kung sino ang itinuturing nila na bayani ng kanilang mga buhay. At ito po ang isang nakakatuwang nalaman ko. Malaking bahagi po ng mga magaaral ang sumagot na ang kanila pong mga magulang at mga kapatid ang itinuturing nila na mga bayani. Nagpapatunay lamang po iyan na mahal na mahal kayo ng inyong mga anak at malaki po ang tiwala nila sa inyo. Kaya gaya po ng aking sinasabi kanina, patuloy po ninyong tulungan ang inyong mga anak hindi lamang po sa kanilang pagaaral kundi pati na rin sa kanilang buhay sa labas ng paaralan. Yun lamang po at maraming salamat.

(Nagpalakpakan ang mga magulang pagkatapos ang pananalitang iyon ni Liezel. Pagkatapos ng kanyang pananalita ay si Eddie naman ang umakyat sa entablado at nagbigay ng talumpati sa harap ng mga magulang na dumalo.)

Eddie:Magandang araw po sa inyo mga mahal naming mga magulang. Ipapakilala ko po ulit ang sarili ko. Ako po si Eduardo Gonzales. Tawagin nyo na lang po ako bilang Teacher Eddie. Ako po ay isa sa mga guro ng Araling Panlipunan at co-adviser ni Maam Liezel sa TBM Sora. Tungkol po sa mga magaaral na tinuturuan ko at sa mga magaaral na nasa aking advisory class, ito lang po ang aking masasabi. Ang pagpasa po at pagkatuto ng mga magaaral ay nakasalalay sa tatlong pangkat ng mga tao. Iyan po ay mga guro, mga magulang at mga magaaral. Bilang mga guro, tungkulin po namin ang pagbibigay sa mga magaaral ng mga mahahalagang kaalaman tungkol sa kanilang mga subject. Tungkulin naman po ng mga magaaral na pakinggan at iproseso ang mga kaalaman na aming ibinibigay sa kanila. At tungkol naman po sa mga magulang, ang inyo pong tungkulin ay ang patuloy na pagsuporta sa inyong mga anak upang sila ay ganahan na mag-aral at matuto pa. Kagaya nga po ng sinabi ni Maam Liezel, kayong mga magulang ang itinuturing na bayani ng inyong mga anak. Bukod po sa aming mga guro, kayo ang higit na pinagkakatiwalaan at pinaniniwalaan ng mga magaaral. Siguradong napapansin nyo rin po kung gaano kalakas ang paniniwala ng mga magaaral sa aming mga guro. Hindi po ba, minsan ay nasasabi ng inyong mga anak na "Iyan po kasi ang sabi ni teacher kaya naniniwala po ako". Ito naman po ang gusto kong ibahagi sa inyo. May isa pong pagkakataon na nagkaroon ng diskusyon sa aking subject na Economics ang mga mag-aaral ko tungkol sa sektor ng Agrikultura. Alam nyo po ba kung paano kinumbinsi ng isang magaaral ang mga kaklase niya na tama siya? Ito po ang sinabi niya. "Ang tatay ko, isang magsasaka. Matagal na siyang nagtatanim ng palay kaya alam niya kung kalian dapat magtanim at kalian dapat hindi." Ganyan po kalakas ang paniniwala ng mga bata sa inyong mga magulang. Kaya po mga minamahal na mga magulang, mahalaga pong pagtulungan natin na matuto pa ang ating mga anak ng mahahalagang mga bagay sa pagaaral nila, hindi lamang po sa paaralan kundi sa landas ng buhay. Yun lamang po at salamat.

ELEMENTAL PRINCESS ROVINAMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon