(Sa kanilang lihim na taguan, binalikan ni Angelica at Bernard ang kakatapos lamang na pakikipaglaban ni Rovina at Hannibal kay Betzer, Ragnar at Michal.)
Angelica:Ang mga pinuno ng hukbo ni Reyna Jezebel na sina Betzer, Ragnar at Michal ay nagsibagsak nang lahat sa kamay ng Prinsesa at Prinsipe ng Menonia.
Bernard:Hindi ba dapat nating ituring na magandang balita ang bagay na iyan Angelica? Hindi sa tatlong iyon mauuwi ang karangalan ng paggapi sa Prinsesa at Prinsipe ng Menonia kundi sa atin.
Angelica:Subalit alam nating napakalakas na kalaban ng Prinsesa at Prinsipe ng Menonia lalo't nasa kanila ang ganap na kapangyarihan ng mga elemento. Kailangan nating paghandaang maigi ang ating pakikipagharap sa kanilang dalawa.
Bernard:Tama ang iyong sinabi. Kinakailangan na hindi tayo magpadalus-dalos sa pakikipaglaban sa dalawang iyan. Ang pinagsanib nilang lakas ay mahirap na matapatan. Kinakailangan natin ng matinding pagiingat at paghahanda.
Narrator:Ang Muling Pamamayani ng Kadiliman (Ikaapat na Bahagi)
(Sa isang banda naman sa Daigdig ng Hades, si Jezebel ay nasa kanyang throne room kasama sina Falco, Brutus at Panthera. Sa pagkakataong iyon ay tila ipinagluluksa nila ang pagkagapi nina Betzer, Ragnar at Michal.)
Jezebel:Ang ating pinakamatatapang at pinakamahuhusay na mga pinuno ng hukbo ay nagaping lahat. Bumagsak sa kamay ng Prinsesa at Prinsipe ng Menonia sina Betzer, Ragnar at Michal. Malaking kawalan sa ating imperyo ang kanilang pagkawala.
Falco:Kamahalan, hayaan nyo po kami ang humarap sa Prinsesa at Prinsipe ng Menonia.
Brutus:Ipaubaya po ninyo sa amin ang paghihiganti sa aming mga panginoon.
Panthera:Hindi po namin mapapatawad ang ginawa ng dalawang iyon kina Kamahalang Michal.
Jezebel:Naiintindihan ko ang inyong pagnanais na makapaghiganti at puksain ang ating mga isinumpang mga kaaway. Subalit hindi sapat ang inyong kakayahan at lakas upang magapi ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia. Mayroong mga mandirigma na tanging makakatapat sa kanilang lakas at kapangyarihan.
Falco:Ang ibig po ba ninyong sabihin ay ang mandirigmang sina Beyrah at Gridon?
Brutus:Ang dalawang mandirigma po na binuo ninyo mula sa mga patay na Menonian?
Panthera:Sila pong dalawa ang inyong isasagupa laban sa ating mga kaaway?
Jezebel:Tama ang narinig ninyo. Ang dalawang iyan ang aking isusugo upang labanan ang ating mga kinamumuhiang mga kaaway. Sila ay sapat ang kakayahan upang tapatan ang husay at kakayahan sa pakikidigma ng Prinsesa at Prinsipe ng Menonia. Sila ang may kakayahan upang tuluyang ibagsak at talunin ang ating mga kaaway.
Falco:Hindi po kami makakapayag! Hindi po natin sila mga kasamahan sa imperyo. Wala po sa inyo ang kanilang katapatan!
Brutus:Kamahalan, bakit po hindi na lamang po ninyo kami gawing mga malalakas na mga mandirigma upang magawa naming tapatan ang Prinsesa at Prinsipe ng Menonia?
Panthera:Isa pong malaking pagkakamali ang hayaan silang makipaglaban para sa ating mga Lamian. Pakiusap po, huwag nyo po silang paharapin sa Prinsesa at Prinsipe ng Menonia!
(Nag-apoy ang galit ni Jezebel at tumira siya ng kuryente sa kanyang mga daliri kina Falco, Brutus at Panthera. Namilipit naman sa sakit ang tatlo.)
Jezebel:Mga hangal! Sino kayo para kuwestyunin o pagdudahan ang aking kapasyahan ha? Ako ang reyna ng mga Lamian at kung ano ang aking ipaguutos, iyon ang dapat na mangyari!
![](https://img.wattpad.com/cover/15887162-288-k194932.jpg)
BINABASA MO ANG
ELEMENTAL PRINCESS ROVINA
Fantasía50,000 years ago, the ancient civilization of Menonia was destroyed by the Lamian Empire, which is a group of undead creatures from the world of Hades. They were however sealed by Menonia's last queen for the next 50,000 years. In the year 2012, the...