EPISODE 05

70 3 0
                                    

(Foundation Week noon sa The Blessed Mother Academy. Ang bagong tatag na TBM Sora na siyang Japanese Culture organization ng nasabing paaralan ay nagpakitang gilas din sa unang araw ng Foundation Week. Ang mga kasaping magaaral ng nasabing club ay gumawa ng iba’t ibang gawain na may kinalaman sa kulturang Hapon gaya ng paggawa at pagtitinda ng futo-maki, paggawa ng mga origami, pagsusulat ng calligraphy at portrayal ng ilang mga tauhan sa panitikang Hapones. Kasama ni Liezel ng mga oras na iyon ang school director na si Sister Theresa Magbuela. Natuwa siya sa ipinamalas ng bawat interest clubs na gumawa ng exhibit sa nasabing kaganapan.)

Sister Theresa:Well done mga teachers. Mahusay ang ginawa ng inyong mga hinahawakan na interest clubs.

Teachers:Salamat po sa papuri Sister!

Sister Theresa:Miss Ocampo, maganda rin ang naipakita ng iyong inaadvice na interest club. Gusto kitang bigyan ng complement dahil kahit bago pa lamang ang iyong organization, nagawa ng mga members nito na makagawa ng magandang exhibit at performance. Good job!

Liezel:Marami pong salamat Sister. Gagawin ko po ang lahat para mapaghusay pa ang aking club.

(At kinamayan ni Sister Theresa si Liezel at nagpalakpakan ang mga co-teachers ni Liezel.)

Narrator:Ang Unang Elemento:Isang Makapangyarihang Ningas.

(Sa palasyo ni Jezebel, nagkakaroon ng paghahanda si Ragnar para sa kanyang susunod na pag-atake sa Mundo Ng Mga Tao.)

Brutus:Panginoong Ragnar, naririto na po ang inyong hinihinging kagamitan.

(Iniiabot ni Brutus ang isang palayok.)

Ragnar:Mahusay! Ito mismo ang kailangan kong kagamitan upang magsagawa ng pamiminsala sa mga tao.

Brutus:Sa papaano pong pamamaraan aking Panginoon?

Ragnar:Makikita mo rin Brutus. Sa pamamagitan ng kagamitang ito, maihahatid ko ang mga kasumpa-sumpang mga tao sa kanilang katapusan. Ha ha ha ha!

(Samantala, pagkatapos ng exhibit, nagtungo ang mga guro sa Faculty Room upang mag-salu-salo sa pagkain na sila rin ang naghanda.)

Male Teacher 1:Mabuti naman at nairaos natin nang maganda itong ating unang araw ng Foundation Week.

Female Teacher 1:Oo nga eh. Hindi biro ginawa natin kanina.

Female Teacher 2:Kalimutan natin yung hirap na dinaanan natin. Ang mahalaga eh Masaya tayo, ganun din ang mga bata.

Male Teacher 2:Mayroon pa tayong apat na araw para iraos itong Foundation Week.

Liezel:Oo nga. Dapat i-meet uli natin ang ating mga clubs para maging maganda pa ang mga susunod na araw lalo na sa huling araw ng Foundation Week. Part pa naman ng program natin ang performance sa bawat club.

Female Teacher 2:Oo nga Teacher Liezel. Kailangan nga na mapaghandaan natin ang mga susunod na araw.

(Ganoon nga ang ginawa ng mga advicer ng bawat club. Tinipon nila ang bawat kasapi ng kanilang organization upang paghandaan ang mga susunod pa nilang gawain sa limang araw na Foundation Week ng paaralan. Sa parte ni Liezel, sinusubaybayan niya ang pageensayo ng TBM Sora ng dalawang performance para sa huling araw ng Foundation Week:isang modern dance sa saliw ng makabagong awiting Hapones at isang tradisyunal na sayaw mula sa bansang Hapon. Makalipas ang isang oras, natapos ang ensayo para sa dalawang pampasiglang bilang.)

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon