EPISODE 21

18 0 0
                                    

(Sa isang mall, nagkaroon ng pagkakataon si Liezel at Eddie upang makapamasyal. Napadaan sila sa isang shop kung saan mayroong mga ibinibenta na mga alahas.)

Liezel:Uy Eddie tingnan mo oh! Ang gaganda ng mga jewelry set!

Eddie:Oo nga. Napakaganda ng mga iyan. Bagay na bagay sa isang tulad mo Prinsesa.

Liezel:Ikaw ha! Ayan ka na naman eh. Binobola mo na naman ako.

Eddie:Gusto mo ba ng mga ganyan? Hindi natin kailangang mamili ng mga iyan. Dahil prinsesa ka, paniguradong mayroong itinabing mga alahas para sa iyo ang mahal na Reyna Aine.

Liezel:Oo nga ano? Mabuti pa siguro puntahan natin si Ina at tingnan kung may mga naitabi siyang mga alahas.

(Pagkatapos non ay magkasamang umalis ang dalawa.)

Narrator:Sumpa Ng Mga Mahiwagang Alahas.

(Pagkatapos na makabalik sa Space Monarch, agad na kinatagpo ni Liezel at Eddie si Aine. Gaya ng pakiusap ni Liezel, ipinakita nga ni Aine ang kanyang mga alahas. Namangha si Liezel at Eddie nang ipakita ni Aine sa kanila ang kanyang mga alahas at iba pang mga nakatagong kayamanan.)

Liezel:Wow! Napakarami nyo po palang mga nakatagong alahas at iba pang kayamanan!

Eddie:Tunay nga po kayong Reyna Ng Menonia Kamahalan! Andami po nito!

Aine:Maraming salamat sa mga sinabi ninyo. Mabuti naman at naisipan ninyong tingnan ang mga kayamanan na nasa akin. Lahat ng ito ay para sa aking pinakamamahal na anak.

Liezel:Salamat po Ina. Pero masaya na po ako sa kung ano ang mayroon po ako ngayon. Itatabi ko na lang po siguro muna ang mga iyan. Magagamit ko pa po siguro ang mga yan sa mas magandang mga bagay gaya halimbawa po ng pagtulong sa mga mahihirap.

Aine:Natutuwa naman ako at hindi lamang sarili mo ang iyong iniisip matapos mong makita ang iyong magiging kayamanan. Maganda nga ang ginawang pagpapalaki sa iyo ng mga kinilala mong magulang. 

Liezel:Itinuro po sa akin nina Mommy at Daddy na magbahagi daw po ako sa iba nang mayroon ako. Kapag ganyan daw po ang ginawa ko, mas madami pa pong biyaya ang darating sa akin.

Aine:Tama nga iyang kaisipan na mayroon ka ngayon anak. Hayaan mo, ano man ang iyong plano sa mga kayamanan na para sa iyo ay susuportahan kita. 

Liezel:Marami pong salamat Ina.

Aine:Eddie, tulungan mo ang aking anak sa pagsusukat at pagtitingin ng mga alahas na babagay sa kanya.

Eddie:Opo Kamahalan.

(Ganoon nga ang ginawa ni Eddie. Tinulungan niya si Liezel sa pamimili at pagsusukat ng mga alahas na nasa koleksyon ni Aine ng kanyang mga alahas. Sa isang banda naman, sina Angelica, Bernard at kanilang mga tauhan na nasa anyong tao ay lumusob sa isang bangko. Hindi nila ginamit ang kanilang mga kapangyarihan kundi gumamit lamang ng mga karaniwang armas ng mga tao gaya ng mga baril at automatic rifles. Katulad ng mga karaniwang magnanakaw, nakatakip ang kanilang mga mukha.Marami silang mga napatay sa kanilang isinagawang pagnanakaw at agawa nilang tumangay ng malaking halaga ng salapi. Pagkatapos non ay saka naman sila lumusob sa isang tindahan ng mga alahas at tinangay ang lahat ng makukuha nilang mga alahas doon. Katulad ng paglusob nila sa mga bangko, marami din silang napatay sa kanilang pagnanakaw. Wala ring nagawa ang mga pulis laban sa kanila.Pagkatapos ng kanilang isinagawang pagnanakaw, tinipon nila ang kanilang mga nakulimbat.)

Bernard:Nakakatuwa talaga ang itong naisip mo Angelica. Masarap din palang makipaglaro sa mga tao nang hindi gumagamit ng kapangyarihan!

Angelica:Sinabi ko naman sa iyo at matutuwa ka. Isa pa, sayang din ang ating kapangyarihan kung gagamitin lamang natin sa mga pipitsuging nilalang na iyan hindi ba?

ELEMENTAL PRINCESS ROVINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon