59.

148 9 0
                                    

The creature was made of shadow. Breathing. Alive. Real.

Hindi. Mali ako. It was not just a mere creature....creatures would be the term. Nang mapatingala ako sa hanay ng mga barko, napagtanto kong hindi lang ito nagi-isa. Napasadahan ng mga mata ko ang dalawa pang nilalang na katulad din niya. 

He was not alone. He's got company.

The sight of the creature brought a sudden surge of shudder down my spine. Hindi ko ikakailang nagulat ako sa ikaaapat na bahagi ng Blood Trials. I had not been expecting that we would be fighting against such...inhuman creatures. 

Hindi ko inaasahan na aabot ang kompetisyon sa ganito.

I know creatures of magic were real. There were the Isudai's who could levitate as though they have wings. I know of the kings in the west who could transform themselves into dragons, magnificent beasts with leathered wings and steel skin. At ako? Kayang kong pagalingin ang sarili ko. Si Ruarie na kayang manipulahin ang tubg, si Taron na kayang utusan ang hangin, si Resca na kayang payanigin ang lupa. Kaming mga nabiyayaan ng mga kapangyarihan ng Diyosa.

We we were all creatures of magic.

Pero iba ito.

This was something sinister. Made by men, not strictly of nature.

Hulmang tao ang mga anino. Matangkad at malaki ang mga bisig. They wore cloaks, their pale faces hidden beneath a hood. They looked like assasins, although they didn't look quite human. Parang may mga usok na nakapalibot sa kanila na mayroong sariling mga buhay. Sa bawat kilos nila, parang alon sa dagat na sumasayaw ang mga usok na pumapalibot sa kanila. Kahit sa distansya namin sa mga ito, pansin ko ang mga mata nila ay nanlilisik na pula na tila ba handang pumatay. The one on the platform by the ships, particularly couldn't have been less than seven feet tall!

It was a beast waiting to devour. 

Wala pa akong karanasan sa pakikipagtunggali sa mga nilalang na tulad nito. This was not something you see every day. It was an abomination of magic. 

Naalala ko ang nilalang na minsan kong nakita sa kagubatan, noong nakaraang bahagi ng Blood Trials. But unlike that creature, these creatures didn't have the same presence. Naalala ko kasi nang magtama ang mga mata namin ng nilalang na iyon ay tila nawala ang lahat ng pag-asa sa katawan ko. Ang nilalang na iyon---- na sigurado akong ang kadilimang unti-unting nagigising na tinutukoy ni Meree---ay naiiba sa mga nilalang na ito. 

These creatures didn't feel as dark and vicious as that one. But they were equally dangerous, that I am sure of. 

Batid kong ang mga ito ay sadyang nilikha ng Order of the Blood para sa bahaging ito ng kompestisyon. Marahil sa tulong ng mga sorsera sa Savanagh. Only they could have conjured something powerful like this.

Ibig sabihin, magiging delikado sila. 

This challenge was something else. They upped the game, heightened the stakes. 

The Order of the Blood is demanding bloodshed. 

Napailing ako. 

If it is blood they want, then it blood that will spill.

Napakuyom  ang mga palad ko kasabay ng pag-igting ng mga panga ko.

"I guess we know where the scrolls are now," bulong ni Resca.

Sa sinabi niyang iyon ay naningkit ang mga mata ko. My gaze focused on the creature. Sa ilalim ng tanglaw ng pilak na buwan, nakita ko ang ikaapat na scroll! Nakasabit sa leeg ng nilalang na iyon.

Tumingala ako sa isa pa. Tulad nang inaasahan ko, mayroon ding mga scroll sa mga leeg nila!

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon