27.

379 32 27
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

MATAPOS ANG naging agahan namin ni Lord Keiv at Prinsipe Gestalt, pinatawag ang dalawa ng hari. Pakiwari ko ay mayroon itong kinalaman sa misyon ni Lord Keiv. Court matters, as the two of them kept saying.

Not that I cared what that was. I had other obligations to attend to. I am a novice. I still had a trial to win. Humiwalay ako sa dalawa at tumungo sa aking silid para maghanda. Later, I am to meet the others to do some hunting.

Malapit na ang tanghalian nang ako ay tumungo sa sentro kung saan ko kikitain sina Taron, Resca, at Ruarie.

The market, like always, was packed.

The market smelled of newly-arrived fabrics from Kirin, smoke from factories, milk and dairies. I pushed myself through the swarm of people, past the stalls. 

 A minute later, I arrived at the Temple of the Goddess, where the three of us had decided to meet.

Napasinghal ako. Nang marating ko ang tarangkahan ng Templo, wala pa sila Taron. Napaaga 'ata ako. Mukhang maghihintay pa muna ako. 

Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagmamasid sa mga deboto ng Diyosa. Kahit hindi sabado, maraming mga nagsitungo rito para magdasal sa Dyosa. Hawak nila ang Sitlo, ang pulang libro kung saan nakasulat ang lahat ng eskripto ng Dyosa. 

Bahagya akong natawa. Sapagkat maging ang mga mahihirap ay nagawa pang makabili ng Sitlo, na nagkakahalaga ng tatlong gintong barya, ngunit hindi makabili ng maayos na kadamitan. Iba talaga ang nagagawa ng pananampalataya. Kunsabagay, sa mga araw at oras na wala ang mga itong makain, ang librong iyon ay nagbibigay sa kanila ng pag-asa.

I always thought that was pathetic. But then again, to each their own.

I groaned and shoved the thoughts away.

Tiningala at sinipat ko ang kabuuan ng Templo. Isang dome. Hugis sombrero ito. Isa ito sa mga pinakamagandang templo na aking nakita. Higit na mas malaki ang Dome na ito kesa sa Templo sa Gazini. The Dome was humongous, made of dark marble. With spikes and statues serving as exterior. 

The Dome looked intimidating, almost ominous even.

Inakyat ko ang ilang baitang na hagdan. Nang marating ko ang tuktok, binati ako ng dalawang malaking paarkong mga pintuan. Lumayo ako rito. Itinuon ko ang atensyon sa malalaking mga poste. 

Nilapitan ko ang isa sa mga ito. Ang mga poste ng Dome ay inukitan ng mga imahe ng Dyosa. Ang isa rito ay ang imahe kung saan ang kanyang kamay ay nakaturo sa himpapawid na tila ba kinausap ang lupa at nagsimulang magsitubuan ang mga bundok at halaman. Ganito raw nilikha ng Dyosa ang kalupaan. 

Sa isang poste naman, naroon ang Dyosa at nakaluhod. Kung saan sa kanyang nakabukas na mga palad ay umaagos ang katubigan. Ito ang kwento kung papaano niya nilikha ang mga karagatan. 

Sa isa namang poste, naka-ukit kung papaano niya nilikha ang mga mage—mula sa lupa ay hinulma niya ang unang tao, matapos noon ay hinalikan niya ito sa labi. Siya ang unang nilalang na may taglay ng abilidad ng apoy. Sa iba namang poste, nandoroon ang imahe kung papaano niya nilikha ang iba pang mga mages— ng tubig, ng lupa, ng hangin. 

Sunod, humulma muli siya ng isang hugis tao—sa pagkakataong ito, hindi lamang niya hinalikan ito. Binigyang buhay niya ang mga Isudai ng buhay sa pag-ihip sa bunganga ng una sa kanila. Iyon raw ang dahilan kung bakit nakalilipad ang mga ito. Sa huli, kinuha niya ang mga natira sa mga abo, at nilikha niya ang mga payak na tao---iyong mga walang kakayahan.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon