6.

778 66 127
                                    


Wala pang isang oras nang makarating kami sa Kadhaven, ang kapitolyo ng bansa. Tirik ang sikat ng araw. Dahil sa kapal ng suot ko, idagdag pa kung gaano kainit sa loob ng kalesang nilulan ko, halos maligo na ako sa sarili kong pawis.


"Nandito na tayo sa Kadhaven," biglang sigaw ng kawal mula sa labas.


Excitement took over me. This was the first time that I had been in the capital. Well, technically I had been here before. I had been incarcerated here for like three weeks. But that was different. That time, they took me inside the city walls with my eyes covered. That didn't count.


Sumilip ako sa may bintana. At tulad nga ng mga sabi-sabi ng mga mangangalakal na dumadaan sa Gazini, ang Kadhaven ay isang syudad na gawa sa bato at ginto.


Nakamamangha!


Matataas ang mga pader. Tila ba abot na nito ang kalangitan. Ang buong syudad ng Kadhaven ay napapalibutan ng higanteng mga batong pader. Sabi nila, isandaang taon na ang nakalilipas noong ginawa ang mga pader na ito. Halos isanglibong mga Earth Mages ang tinipon upang gamitin ang kanilang mga kapangyarihan upang gawin ang mga pader. Iyon ang dahilan kung bakit hindi bumabagsak ang mga pader na 'to.


Whether that was true or not, these walls had never been breached.


Mayroong isang malaking pakurbang bulwagan kung saan may mga kawal na isa-isang inuusisa ang bawat pumapasok sa loob ng syudad. Sa itaas naman ng mga pader, may mga tore kung saan may nakabantay rin na mga kawal. Sa magkabilang gilid ng bulwagan, nakasabit ang malaking mga bandila na mayroong tahi ng sigil na pamilya Briars, ang namumuno sa Paresia. Ang phoenix na nakabukas ang mga pakpak na tila ba lumilipad.


Mahaba ang pila. Mayroong iba na may mga dalang karwahe, mga mangangalakal dala ang mga produktong galing pa sa labindalawang probinsya ng Paresia.


Mabagal ang naging pag-usad ng pila. Fine by me. At least, I had more time to gaze at the wonder displayed before me. Pinagmasdan ko lang ang malalaking batong pader. Ang mga nagkikintabang mga armor ng mga kawal na nakabantay dito.


"Nasa'n ang mga papel?" tanong ng isang kawal.


Ang atensyon ko ay ninakaw ng eksenang nagaganap sa harapan. Mayroong isang ina na may dalang sanggol.


"Wala hong papel. Galing pa ako sa---"


"Kung walang papel, hindi pwedeng pumasok ng syudad."


Naiiyak ang ginang. "Parang awa niyo na, malayo ang nilakbay namin. Wala na kaming dalang barya, mamatay kami kung hindi kami papasok ng syudad."


Umiling-iling ang kawal. "Paumanhin ginang. Gustuhin ko man, hindi maaring magpa-pasok ng kung sino-sino lang sa Kadhaven. Utos ng hari."


Pinatabi ang ginang at bumalik ang usad ng pila. Napatingin ako sa mukha niya. Kulubot na ito at madumi. Nakatingin siya sa kanyang sanggol na miserable ang ekspresyon. Kahit naawa ako, alam kong wala akong magagawa upang tulungan siya. Alam ko ang mga pakaran. Batas ang bawat utos ng hari. Kamatayan ang kaparusahan nang hindi pagsunod.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon