49.

219 14 0
                                    

CHAPTER FORTY-NINE

The city woke up in blood and dread.


"Dalian mo," rinig kong utos sa'kin ni prinsipe Gestalt. Nilingon ko siya. Ilang dipa lang ang layo ng kanyang kabayo sa akin.



Napasinghal ako. I, of course, knew how to ride a horse. But knowing how to ride one was different from being a good rider. Unfortunately, hindi ako biniyayaan ng kagalingan sa pagpapatakbo ng kabayo.


I straightened my back. The saddle was comfortable, but keeping my balance was still a little struggle. Kung bibilisan ko ang pagpapatakbo sa aking kabayo, natatakot ako at baka mawalan ako ng balanse.


Napakaaga pa para isang aksidente. At isa pa, this day didn't need more accidents. In fact, we are on our way to one. Hindi ko nga lang sigurado kung ano ang insidenteng 'yon.


"I am trying my best," I shot him a glare, gritting my teeth.


A little smirk formed in prince Gestalt's lips. Napansin ko na iba ang itsura nito ngayon kesa sa mga normal na pormahan niya. He looked regal. Pormal ang suot ng prinsipe ngayon. His dark hair was pulled back, his crown glinting in his head. He was wearing a red coat with golden trims, fitted white trousers, knee-high boots, accompanied by his big red cape. Despite his seemingly good mood, his green eyes were flashing with worry, though.


I tore my gaze away from him and focused instead on the road ahead. May ideya ako kung bakit. We were on an official court business, and it must be something of real importance.


Kanina ay sabay kaming nag-almusal ng prinsipe. Balak kasi naming tumungo sa sentro upang bisitahin ang tahanan, o laboratoryo, nila Demora. Gusto naming tignan ang kalagayan ng kanyang asawa na si Genesis. Last time we were there, she was such in bad condition. Hopefully, she would be in a better state now.


Hanggang sa kalagitnaan ng aming almusal, biglang ipinatawag ang prinsipe ng hari. Na siya namang ikinagulat nang huli sapagka't hindi naman madalas tawagin ang prinsipe ng hari nang ganoon kaaga.


Turned out, the court was in frenzy. May natanggap raw ang mga ito na balita mula sa mga kawal na nagpa-patrol. Mayroong raw insidente sa sentro at kailangan ang atensyon ng prinsipe.


Isinama naman ako nito. Dahilan niya, matapos raw naming makita kung ano ang dahilan ng kumosyon sa sentro, kaagad kaming didiretso kila Demora. Mas mainam na raw na sumama na lang ako at nang maiwasan na paghintayin ko pa siya kung maiiwan ako sa palasyo.


The thought of Genesis and Demora suddenly reminded me of what happened that day. The things Genesis said. Ang kadilimang unti-unting nagigising.



Bahagyang tumalon ang puso ko. Ewan, sa tuwing naalala ang bagay na ito, hindi gumaganda ang pakiramdam ko. Ang alam ko lang, kung ano ang nangyayari kay Demora, may kinalaman ito doon sa mga nawawalang bata at mga patayan sa palasyo.


I shrugged. Hindi ko dapat isipin ang bagay na 'yon. Not now. At least.


Umiling ako at iwinaksi mula sa isipan ang bagay na 'to.


Medyo maingay ang mga tao. Dahil sa insidente na nangyari sa sentro, bagama't maaga pa ay gising na ang halos lahat ng mamamayan. Nakatingin ang mga ito sa amin. Nagbubulungan. Sa kanilang mga mata ay makikita mo ang takot at pangamba.


What really happened there?


Ang mga kumpulan ng tao ay nahawi at nagbigay daan sa amin. Napakagat labi ako atsaka inayos ang tindig ko. Bahagyang bumibilis ang takbo namin. Lumingon ako. Sa likod namin ng prinsipe, kasama namin ang ilan pang mga kawal. Kapwa suot nila ang kanilang mga baluti, ang kanilang kapa ay nililipad ng hangin.


Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon