45.

213 21 14
                                    

CHAPTER FORTY-FIVE


NASA ISA AKONG pamilyar na lugar. Isang lugar kung saan hindi ako nakagapos ang aking mga kamay sa responsibilidad. Ang lugar kung saan malaya ako at walang mabigat na bagay ang nakapatong sa mga balikat ko.

I am dreaming again.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing napupunta ako sa lugar na ito, hindi nawawala ang ulirat ko. In dreams, you are supposed to be unconscious. You're supposed to not know that you are dreaming. You're supposed to be oblivious to the fact that the place you were in weren't true, but only a piece of a fabric of your imagination. A tell-tale.

But I am awake in my own dream.

Wind was rushing in, cold, fresh. The scent of a thousand flowers hanged heavily in the air. The grass were soft and gentle beneath my feet, like a warm blanket. Nasa isa akong karagatan ng mga bulaklak. Iba't-ibang kulay. Iba't ibang uri. May pula, may asul, may kahel. The flowers stretched on beyond the horizon. Vast and endless.

I am wearing a thin dress. The fabrics soft against my pale skin. Sa tuwing iihip ang hangin, sasayaw-sayaw ang palda nito. It reminded me of the waves in the ocean, the way they rise and fall into each other.

Tumakbo ako nang nakangiti. Malaya at maayos na nakakahinga. I felt so alive. So free.

I felt good.

"Madelaine..." A strange familiar voice whispered behind me. Umalingawngaw ang kanyang boses sa kabuuan ng lugar. Confused, I furrowed my brows. Madelaine. Ang tagal ko nang hindi naririnig ang pangalan na 'yan. I am Adelaine now. Adelaine Rosewood of Aksiro. But somehow, I remembered. I am Madelaine.

Lumingon ako, hinanap ang pinanggalingan ng boses. Sino ka?

Hindi ko siya nakita. Muli ko siyang narinig na tinawag ang pangalan ko. Hindi ko matukoy kung saang direksyon siya nanggagaling. My breathing started to become heavy. Tumatakbo ako, sinunsundan ang pagtawag niya. Pero hindi ko pa rin siya makita. Pamilyar ang boses niya. Narinig ko na ito noon.

"Sino ka?" Sigaw ko sa kawalan. Malakas na halos mawasak ang lalamunan ko. "Nasaan ka! Mapakita ka!" Paulit-ulit. Palakas nang palakas. "Anong ginagawa ko rito!?"

"Madelaine," muli nito saad. Mas buo at mas malapit ang boses nito ngayon. Natigil ako sa pagtakbo. I could feel her presence behind me. Slowly, I turned to face her.

Noong una, inakala kong mawawala ulit ito. Nagkamali ako. She was regally standing a few steps away from me. Her white bushy hair blown by the wind, her beautiful dark skin looked as though it was glowing. Nakasuot siya nang hapit na kulay pula. Mayroong kapa sa likuran niya. Nagliliwanag rin ang tatlong tuldok sa gilid ng kanan niyang mata.

"Meree," I breathed her name. Ngumiti nang marahan ang sorsera. "Anong ginagawa ko rito?" usisa ko. I am now beginning to realize that this place wasn't a dream. It was a space made by magic. Meree was trying to communicate with me using her magic. That was why I am conscious.

"Nalalapit na ang pagtatapos..." makahulugan niyang simula. Kumalabog ang puso ko. Anong ibig niyang sabihin? Gayunpaman, hindi ako makapagsalita. Parang bumaliktad ang dila ko. Ang tangi ko lang alam ay dapat akong makinig.

Nagpatuloy siya. "Parating na ang dulo, at ang ipinangako ng mga bituwin ay magaganap. Ang naipagkasunduan ay maisasakatuparan, ang pag-gising ng kadiliman ay nalalapit na. Hindi na ito mapipigilan. Magi-ingat ka, Madelaine ng Gazini. Malayo pa ang itatakbo ng 'yong kapalaran."

Hindi ko alam, pero nagsimulang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Kung ano ang kanyang intensyon na dalawin ako. How am I involved in this?

"Hindi kita maintindihan? Kailangan kong maliwanagan!" Sa wakas, nakapagsalita rin ako. Gayunpaman, walang sagot akong makukusa sa sorsera. Ngumiti lang ito nang bahagya at ikinumpas ang mga kamay. Ang mga bulaklak ay nalanta. Ang mga makukulay na taludtod ay nangitim at biglang naging usok. Ang karagatan ng bulaklak ay napalitan ng dugo. Mainit at malapot ito sa aking paa.

Sa 'di kalayuan, may isa akong bagay na nakita. Kusang gumalaw ang aking mga paa at nilapitan ito. May kung anong bagay ang nagsasabing tigilan ko ito, na huwag kong lapitan ang bagay na 'to. Pero hindi tumigil ang mga paa ko. Slowly, I walked towards it.

Hanggang sa makita ko kung ano ito.

Isang bangkay.

Patuloy ang pag-agos ng luha sa magkabilang kong mata. Mabigat ang mga hininga ko at nanginginig ang aking katawan.

Biglang humarap ang bangkay na tila ba muli itong nabuhay. Wasak ang harapan nito, nawawala ang mga lamang loob. Nakapikit ang mga mata at naagnas ang mukha. Tinitigan ko ang mukha nito. Biglang bumukas ang mga mata ng bangkay. And then I saw it. Green, luminous eyes staring back at me.

I woke up screaming. Malakas. Halos mapunit na ang lalamunan ko. I could feel my heart violently pounding beneath my chests as though it wished to break my ribs apart and force open my chest. I was tightly clenching my fist my nails already dug in my palms.

Somebody lit a fire, and the world became a bit brighter. Two doe-eyed girls approached me, their faces masked with worry.

"Lady, Adelaine. Ayos ka lang?"

"Binabagungot ka na naman ba?"

"Dalian mo, Cheena. Kunin mo ang baso."

I heard their muffled voices.

Hindi ko naiintidihan ang nangyayari. All I knew was that the memory kept burning in my head. Kadilimang unti-unting nagigising. Nalalapit na pagtatapos.

Naramdaman ko ang banayad na pag-akbay sa'kin ng isang babae. She seemed familiar, but my mind was too distant, too distracted, to know. Naramdaman kong isinandal niya ang ulo ko sa kanyang dibdib. I burrowed my face deeper into her, as though wishing to be protected. I could feel her warmth, I could hear her slow and steady breathing.

"Inumin mo muna ito, Lady. Mas magiging maayos ang pagtulog mo."

Marahan nilang ibinuka ang mga bibig ko.Naramdaman ko ang dulo ng isang baso sa'king labi. And then the liquid, warm and spicy, going down my parched throat. My breathing slowed down, my lids starting to get heavy.

My mind starting to drift. Memories turned to dusts, and away with the wind.

Blank.

Empty.

I fell into a deep, peaceful slumber.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon