68.

126 7 0
                                    


The bells were ringing, loud like thunder. 

Bumukas ng pilit ang mga mata ko. Nakabubulag na liwanag ang sumalubong sa akin. Goddess! Napapikit muli ako. My eyes were burning. 

And my head throbbing. Made worse by the loud blaring noise outside. Patuloy ang pag-ugong ng mga dambana. Malakas. Palakas ng palakas. Ano bang kaguluhan ang--- natigil ako sa pagmamaluktot sa napagtanto. Bakit ang ingay? 

Bagama't labag sa aking loob, pinilit ko ang inaantok ko pang wisyo na bumangon. I gritted my teeth as I forced open my eyes again. This time, the morning light wasn't as harsh as it did moments ago. 

I stared into the open windows, a flock of black birds passing by. A question and a realization beginning to form in my mind. Ano't muling tumunog ang mga dambana? Last time it did, thirty eight people had almost been executed. Were it not for the attacks, their bodies would currently be displayed somewhere around the city.

And then a memory forced itself into my mind, for a moment I couldn't breath. A tug in my stomach. And a sliver of guilt. Ang mukha ni Reema ay sumagi sa aking isipan, ang kanyang naging pagsalo sa krime na aking ginawa. Muntikan ko na siyang makalimutan. But then again, wasn't that better? I'd rather be dead than be haunted by those whom I killed. 

I shrug it off. Walang saysay ang pagmumukmok sa mga patay. Wala akong karapatan. 

Itinuon ko ang atensyon sa bawat ugong. Isa. Dalawa. Tatlo. Napalunok ako sa lakas ng ingay--- na kaagad kong pinagsisihan--- nanunuyo ang aking lalamunan at tila ba lumunok ako ng mga bato sa ginawa kong paglunok.  

I winced at the pain. 

And then my chamber doors opened. Two familiar faces greeted me with a smile. 

"Magandang umaga, Lady Adelaine," bati ni Cheena. 

"Bakit lukot ang mukha mo, Lady Adelaine? May problema ba?" sa kanan ni Cheena ay si Arianne, bakas sa mukha niyang ang pag-alala. 

Isang ala-ala ang bumalik sa aking isipan. Mga kaganapan nang nakaraang gabi. Ang anino at ang kadilaman. 

At isang pangalan. Shad'han. 

Hindi ko napansin na napatitig ako sa mukha ni Arianne. O Shad'han. Hindi ko na alam. 

For my peace of mind, I decided I would settle with Arianne. Si Arianne ang kilala ko. 

Wala akong alam tungkol kay Shad'han. 

"Ayos ka lang ba?" sinapo ni Arianne ang aking noo. "Hindi naman mainit ang noo mo."

Nagtama ang aming mga mata. There wasn't any suspicion in her eyes. Hindi niya alam na mayroon akong sikreto niya na hindi ko dapat malaman. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. I blinked, and then I pulled myself back. I cleared my throat. And then I winced again when the pain stabbed back. Napahawak ako sa aking lalamunan. 

"Heto, lady Adelaine. Inumin mo muna ito."

Ang malamig na baso ay isang himala. Ang kaninang nanakit kong lalamunan ngayon ay bahagya nang naibsan. 

Ngumiti ako sa dalawa. Bagama't mayroon akong mga katanungan sa pagkatao ni Arianne, batid kong hindi magandang ideya na pilitin siyang sagutin ang mga katanungan ko. Kahit anong pilit kong gustuhin na puwersahang alamin kung ano ang ibig niyang sabihin na mayroong siyang kailangang gawin sa palasyo, wala ako sa lugar upang gawin ito. 

After all, she wasn't the only one keeping secrets around here. 

I am not who I say I am.

She was not who say she was. 

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon