38.

277 26 16
                                    

CHAPTER THIRTY-EIGHT

NASA HARDIN AKO. Medyo mainit ang tama ng araw sa aking balat. Dahil maaga pa, basa pa ang mga damo sa hardin. Ipinatong ko ang dala kong balabal sa basang damo at dito umupo. 

Kalahating oras na ako rito. Kanina pa ako naiinip. Ilang beses ko na ring isinumpa ang prinsipe sa aking isipan. Walang hiya! Sinabi niyang wag akong mahuhuli, siya naman itong pinaghintay ako. 

Matapos ang aming naging usapan kagabi, wala akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto nito, na ituloy ang pagsama sa kanya sa kanyang imbestigasyon. Matapos niyang aminin sa akin ang dahilan kung bakit ganoon na lang kahalaga sa kanya ito, wala na akong nagawa pa kundi magpatianod sa direskyong pupuntahan nito.

Hindi ko ikakaila, matapos niyang aminin na siya ay binigyan ng babala ng mga sorsera, may kung anong bagay ang tila ba nagising sa akin. Noong una, hindi ko iyon matukoy. Ngunit pagkatapos ng aking panaginip kagabi, naalala ko kung ano ang bagay na nakalabit ng kanyang pag-amin. 

Bago ako tumungo rito, ako ay binigyan ni Meree, ang sorserang aking nakilala noong una kong nakita si lord Areling, ng mga matalinhagang mga salita. Isang bugtong, kumbaga. Tungkol sa isang bagay na unti-unting nagigising, sa mga kaaway at mga kaibigan, at sa kapalarang naghihintay sa akin sa palasyo. Hindi ko iyon inalintana dahil napakarami namang mga bagay na mas kailangan kong pagtuunan ng pansin kesa sa isang bugtong ng isnag sorsera. 

Ngunit ngayon, tila ba napagtagpi ko ang ang bagay. Isang malaking pagkakamali na aking kinalimutan ang mga katagang sinabi sa'kin ng misteryosong sorsera. Somehow, the sorceres have seen something. And in a way, I am a part of it. 

Naguguluhan rin ako kung bakit. Pero wala akong magagwa kundi ang intindihin at hintayin kung ano ang magiging parte ko sa lahat ng ito. 

Pakiwari ko, tila ba ito ay gawa ng tadhana. Hindi ako naniniwala sa ganoong bagay. Ang mga sorsera, sila ay ang mga naniniwala sa konsepto ng mga bagay na naitakda. Hindi ako nagtitiwala sa ganoon, sapagkat para sa akin, ang ating mga buhay ay nakadepende sa ating mga desisyon. 

Ngunit matapos kong mapagtagpi ang mga nangyayari, hindi na ako sigurado. Hindi ko naman inakala na ako ay mapupunta sa palasyo, at higit sa lahat, masasali sa mga larong ito. Sa laro ng konseho, sa laro ng mga rebelde, sa laro ng prinsesa, at ngayon, opisyal na sa laro ng prinsipe ay kasama na ako. At mayroong isnag bagay ang nagko-konekta sa amin, ang kadilimang unti-unting nagigising. 

What does that mean?

Sa aking pag-guguniguni, biglang mayroong malagkit at basang bagay ang dumampi sa aking pisngi. Agad na umahon ang aking sarili mula sa mga alon ng mga katanungan sa aking isipan.

Tinignan ko ang salarin. Kumahol ito nang magtama ang aming mga mata. 

Isang puting aso. Teka. Kilala ko ito!

"Kidlat," sigaw ng paparating na lalaki. Nakasuot ito ng simpleng kamiseta, itim na pantalon, at pupod na botas na abot hanggang ibaba ng tuhod. 

Tumakbo ang aso pabalik sa amo nito, si prinsipeGestalt. Iniangat nito ang aso mula sa sahig at niyakap. Dinilian ng puting aso ang pisngi ng prinsipe.

Bumusangot ako. "Ang tagal mo!" reklamo ko sa kadarating na prinsipe Gestalt. 

Mayroong siyang hawak na isang pirasong tinapay. Hinati niya ito sa dalawa, kinain ang isa at isinubo naman para sa kanyang aso ang isa. Agad na kinain ito ni Kidlat. 

Tumingin ang prinsipe sa akin. Tinakpan niya ang mata mula sa sinag ng araw gamit ang kanyang kanang kamay. 

Ngumunguya lang ito ng malakas. Nainis ako sa tunog na nilikha noon. 

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon