55.

139 14 0
                                    

CHAPTER FIFTY-FIVE

Nasa Impala kaming apat. Maingay. Magulo. Mabaho. 

Medyo marami at puno ang maliit na bahay-inuman ngayong gabi. I didn't mind.

Nakadalawang baso na ako. Hindi ko na napansin kung naka-ilan na ang tatlo. Pinasadahan ko sila ng tingin. Medyo ayos pa si Resca. Si Ruarie at Taron ay medyo namumula na. Siguro aty naparami na nang kaunti ang mga nainom. 

I took another sip. Ang mapait at matapang na likido ay naglakbay pababa sa aking lalamunan. It was good, I liked how strong it was. Ewan ko na lang kung hindi pa maging maayos ang aking tulog mamaya.

Kung ano-anong ang pinagu-usapan naming tatlo. Indeed, I was having a good time. Hindi nga naman masama na sumama ako sa tatlo. 

Hanggang sa mayamaya, nagtanong si Taron nang isang bagay na hindi namin inaasahan. 

"Kapag natapos ang Blood Trials, anong balak niyong gawin?" medyo bulol ang pagkakasabi niya. 

Nagkatinginan kaming tatlo. 

That was so...personal. Hindi naman kami ganoon kalapit sa isa't-isa. Bagama't grupo kami, hindi parin nangangahulugang kami ay nasa ganoong estado na. At the end of the day, we were still in a competition, and that we could not be friends. We do not share our personal lives. 

Narinig kong tumawa si Ruarie sa tabi ko. "Bakit mo naman natanong?"

Tumawa rin si Taron. "Wala lang. Naisip ko lang." Nagkibit-balikat na sagot niya.

Uminom ulit ako. Hinayaan ko silang magpatuloy sa pagu-usap. 

Sumagot si Resca. "Hmm, ano nga ba? Kung mananalo ako, at magiging miyembro ng Blood Trials, magiging mayaman ako." 

Nagtawanan kami. I liked that. Oo nga, nakalimutan kong malaki rin ang makikita namin sa pagsisilbi bilang mersinaryo ng korona. That mean more wine for me, more food, and although I did want to admit it, more dresses. I rather like dresses now. Sure, I still like my trousers and tunics, but skirts wouldn't hurt.

"At ano naman ang gagawin mo sa perang 'yon?" tanong ni Taron. 

Nawala ang ngiti sa mukha ni Resca. Hindi ko alam pero medyo naging seryoso ang mukha niya. Inayos niya ang tindig niya. Umiwas siya nang tingin. 

I think he did not like that question. 

Akala ko ay hindi na siya sasagot. Kaya laking gulat ko nang magsalita ulit siya, "Kung manalo ako, gagamitin ko ang pera ko para suportahan ang magulang at mga kapatid ko," pabulong at seryoso niyang sagot. 

Natigil ang tawanan at ngitian. Maging ako ay hindi alam kung ano ang sasabihin. That was so personal. So true. Hindi kami nagsasabihan ng mga ganoong bagay rito. 

His honesty was unexpected. 

Biglang bumigat ang hangin. Tila ba nawala bigla ang kalasingan naming apat. 

Maging ang ingay nang mga ibang nagi-inuman ay tila tumahimik. The world just faded into background.

"Para sa kanila kung bakit ako nandirito," nagpatuloy si Resca. Nakatingin siya sa malayo, parang naglalakbay ang isipan. 

Hindi ko alam kung ang kanyang katapatan ay dala lang ng kalasingan. But I wanted to listen. I wanted to know. At mukhang ganoon rin si Taron at Ruarie. 

Hinayaan namin si Resca na magpatuloy. 

"Ang totoo niyan, wala naman sa isip ko ang sumali sa ganito. Kahit maging sundalo ay hindi pumasok sa isip ko. Una, wala namang akong pangalan na dala. Hindi ako pwedeng maging sundalo dahil hindi maharlika ang pamilya ko. Mahirap lang kami, nagsasaka sa isang maliit na bukid sa Atolia. Ang tangi lang meron ako ay ang kakayahan ko sa pakikipaglaban. At dahil isa rin akong mage, nakatulong ito sa akin."

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon