14.

474 43 67
                                    


CHAPTER FOURTEEN

SABADO. Dalawang araw ang nalalabi bago ang simula ng Blood Trials. Wala akong kasama maliban sa dalawa kong tagasilbi. Ibinigay sa'kin ang araw na 'to para mapag-isa at makapag-pahinga. Wala si lord Keiv. Abala raw---naghahanda para sa okasyon bukas ng gabi, ang Ascension ceremony.

Ang sabi niya kahapon, ngayon ay pa-planuhin nila ang seguridad ng palasyo. Kailangang maiging mabantayan ang palasyo sa gaganaping okasyon bukas. Lalo pa ngayon dahil sa mga pagba-banta ng mga rebelde.

Dalawang araw ang lumipas matapos ang kanilang pag-atake. Wala naman ng sumunod matapos ang insidente sa sentro. Kung saan tagumpay nilang napakawalan si Fra Pavel, isang pinuno ng mga rebelde na nadakip mismo ni lord Keiv isang linggo na ang nakakaraan.

Tsokolateng tsaa at isang malambot na tinapay na mayroong palamang krema at keso ang inihatid ng aking mga tagasilbi sa aking silid. Ipinatong ni Arianne ito sa isa sa mga lamesa habang inaayos ni Cheena ang aking buhok.

I still feel strange. Hindi ako sanay na mayroong mga tumutulong sa'kin. Lalo na sa mga bagay na dati ay kaya kong gwain mag-isa. Lahat nang ginagawa ko, maliit o malaki, may mga kamay na tumutulong sa'kin. Imagine, living all your life with this kind of attention?

"Salamat," sabi ko matapos ayusin ni Cheena ang buhok ko.

Tumingin ako sa salamin. Maaliwalas ang mukha ko. Mas lalong pinatingkad ang hulma ng mukha ko dahil sa mga ipinahid na pulbos ni Cheena sa mukha ko. Napansin ko rin na tila ba medyo nagkaroon ng laman ang mukha ko, maging ang balikat ko rin. Hmm, mukhang dahil sa katakawan ko 'to. Ilang araw pa lang ako rito pero nakabawi na agad ako sa tatlong linggong pagkagutom. Paano ba naman kasi, kain kung kain. Hindi naman maiiwasan lalo na at napakasarap ng mga inihahain ng mga tagasilbi na pagkain. Ako pa ba ang tatanggi?

Kinuha niya ang tray ng pagkain at inilapag sa tabi ko. "Salamat." Tinanguan ko siya. Humigop ako ng tsokolate. Agad na binalot na malapot na likido ang dila ko.

"Mayroon ka na bang napiling damit para bukas, Lady?" tanong ni Arianne.

I shook my head. "Wala pa." In my head though, I didn't really care. There were almost hundreds of dresses inside my wardrobe. Lahat ng 'yon, sa akin. Sa dinami-dami ng mga damit na 'yon, hindi ko na kailangan pang pumili. Sigurado ako, kahit anuman ang piliin ko, kahit nga kumuha ako ng nakapikit, elegante at mamahalin parin ang makukuha ko. Whatever dress I choose, still, it would fit the occasion for tomorrow.

My lady servants, however, thought otherwise. Para sa kanila, ang ganitong klaseng selebrasyon ay dapat pinagu-ukulan ng mahaba-habang oras at atensyon. "Naku, Lady Adelaine! Huwag kang mag-alala. Tutulungan ka namin. Mayroon kang buong araw para mamili ng isu-suot para bukas."

Muntikan akong masamid. Naipit sa lalamunan ko ang nginunguya kong tinapay. Ano raw? Buong araw upang mag-desisyon kung ano ang isu-suot ko para bukas? Ganito ba ang problema ng mga binibining maharlika? Buong araw ang gugugulin sa pagpili lang ng damit? Sa Gazini, ang problema ko noon ay kung kung paano ako kikita ng pera para may maipakain sa kumakahol kong sikmura.

Oh, how my life has changed.

"Tama." dagdag naman ng isa ko pang tagasilbi. "Magagamit natin ang buong araw na ito upang maihanda ka para sa selebrasyon bukas."

Bakas sa kanilang mga ngiti ang pagkasabik. Napakagat labi na lang ako. Nahihiya akong tumutol.

"Ito ang unag beses mo sa kapital, hindi ba Lady?" tanong ni Arianne. Inililigpit niya ang aking higaan. Inayos ko na 'yon kanina. Ginulo niya ulit para ayusin.

Tumango ako."Oo. Ngayon ang unang beses na nakapunta ako sa Kadhaven."

"At naitaon pa talaga na dumalaw ka sa Ascension Year! Napaka-swerte mo, Lady. " excited na sabi ni Cheena.

Daughter Of Dusk And DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon